Chapter 4

186 9 0
                                    

Adessa's Pov

Finally, matapos ng ilang taon kong paghihintay para makapunta sa D.A sa wakas ay abot kamay ko na ito. Kasalukuyang nasa harapan na namin ang malaking arko ng D.A.

At gaya nga ng nasa litrato ang itsura nito mas hamak na mas maganda lang ito sa personal. At bawat sulok nito ay nakakamanghang tunay. Lalo na ang nasa gitnang statue ulit ni Aster Slyvari na napapalibutan ng mga bulaklak.

Matapos nun ay ang twin tower na umaabot ng 200 floors. Ayun ang D.A Facilities. Nandyan ang mga rooms at dorms ng mga estudyante. At ayon sa aking research ay sa likod ng twin towers ay ang malaking Colosseum na pinaggagawarang ng mga event ng D.A.

'Pumunta na tayo sa information desk Dessa. Tigilan mo na ang paglalaway dyan, nakakahiya' bigla akong bumalik sa realidad ng nagsalita si Law. Agad kong kinapa yun bibig ko dahil sa sinabi ni law na may tumutulo akong laway pero wala naman ako nakapa kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Ngunit nagsimula na itong naglakad at hindi ako pinansin. Sisigaw dapat ako para pitigilin sya ng mapansin ko na maraming kaedad ko ang nasa paligid ko. May iilan na sumusulyap sa akin yun iba naman ay deadma.

Kaya imibis na sumigaw ay tumakbo na lang ako para sabayan si Law pumunta sa information desk.

'Adessa And Law Moran' rinig kong sabi ni Law dun sa babae sa information desk.

Tumingin ito samin kaya nginitian ko naman ito. 'Taga saan kayo?'

'Irkalla District' sagot ko at nakita kong tumaas ang isang kilay nito. At tinuloy yun magsusulat nya.

'Hay! Ang mga taga probinsya nga naman napaka taas ng pangarap' ani nito sabay abot samin ng number namin. At dahil dun ay napakagat ako ng aking labi.

'Thank yo--' sambit ko ngunit di ko na ito natapos ng hitakin na ko ni Law papasok sa paggagawaran ng Written exam.

First floor ito ng twin tower at pagpasok namin dun ay sumalubong samin ang maraming taong nakaupo na sa sari-sarili nilang upuan.

' Umupo na ang lahat dahil ilan minuto lang ay magsisimula na ang unang hugto ng pagsusulit' napatingin ang lahat sa isang matandang nasa unahan ng silid.

At gaya ng inutos nya ay nagmadali ang mga taong maghanap ng uupuan nila kaya kami ni Law ay pumunta na lang sa dulong bahagi ng silid at umupo sa dalawang bakanteng upuan.

'Kinakabahan ako Law' bigla ani ko. Kaya napatingin sakin si Law at di ko na napansin na pinitik na naman ako nito sa noo.

'Aray!, bakit ka namimitik?' daing ko sabay himas ng noo kong pinitik nya. Kahit kelan talaga ang brutal ng masungit na lalaking ito.

'Ang panget mo' rinig kong sabi nito kaya napanguso ako. Magsasalita sana ako ng muling nagsalita yun weird na matanda kaya inagaw nito ang attention ng lahat.

'Maligayang bati batch 16 ako si Ceasar Sinon ang taga bantay nyo sa inyong pagsusulit. Sa inyong mesa ay nariyan na ang test paper at panulat na gagamitin nyo. ' Ani nito kasabay nito ang paglitaw ng tatlong page na test paper at isang kakaibang ballpen na may sari-sarili namin name.

Namangha yun lahat lola na ako dahil hindi ko inaasahan na sobrang moderno dito sa D. A.

'Meron kayong isang oras para sagutan ang pagsusulit na yan. At pagkatapos non ay maghihintay lang tayo ng trenta minutos para malaman kung sino sino ang makakatuloy sa practical test. Lahat ng babagsak ay maaari ng umuwi at lahat ng makakapasa ay agad na dumaretso sa Colosseum'

Bahagya akong natakot sa sinabi ni tanda. Aminado ako di ako matalino gaya ni Law pero nagreview ako ng mabuti para dito para makapasa ako.

' At konting payo lang mga bata mula batch 1 to 15 kalahati lang ang nakatungo sa final test kaya asahan nyo rin na kokonti din kayo. Yun lang at maari na kayong magsimula' dagdag nito na lalong nagpakaba sa amin. Para kasing tinatakot kami ni tanda ano bang akala nya di ko nabalitaan yun. Gustto nya atang matae na lang ako dito sa kaba.

Pagkatapos ni Tandang magsalita ay agad agad na kaming nagsimula sa pagsagot sa written exam. Ngunit bago ako magsimula ay tinignan ko si Law na petiks na petiks lang sa pagsasagot.

Di ako papayag na si Law lang ang makapasa at di ako kasama. Ayokong masayang ang lahat ng paghihirap ko at ni Law. Makakapasa ako at makakapasok sa D.A. Naniniwala ako kaya laban lang Adessa.

___________________

After 1 hour and 30 minutes later.... ___________________

'Laaaaawww kinakabahan ako!' bulalas ko habang hinihintay ang anunsyo ni Tanda. Hawak hawak nito ang isang papel kung saan na roon ang mga pangalan ng nakapasa.

'Nasagutan mo ba ng ayos yun pagsusulit?' tanong nito kaya bahagya akong tumango tango.

'Yun naman pala e' sagot lang nito. Kaya napakagat ako ng labi ko dahil kaming lahat dito ay halos maihi na sa kaba pero si Law na nanatili kalmado. For sure pinapairal nya na naman ang pagiging walang pake nya.

'Pagdi na tawag ang pangalan mo uuwi na tayo' seryosong ani ni Law kaya lalo kong nakagat yun labi ko.

'Pano kung natawag ka? Syempre ikaw pa matatawag ka for sure Law.' sagot ko.

'Pagdi ka makakapasok wala akong rason na pumasok sa paaralang ito.' simpleng sagot nito. Di ko na sya pinilit kasi pagnagsalita pa ko at ipilit na pumasok sya kahit wala ako magaaway lang kami at ang ending baka mapitik na naman ang noo ko. Kaya wag na lang.

' Lahat ng babangitin kong pangalan ay maari ng pumunta sa Colosseum' ani Sir Caesar habang may hawak hawak na isang papel.

Lahat ng tao sa loob ng silid ay hindi umiimik at ramdam sa paligid ang tension at kaba ng bawat isa. Si Law nga lang yata ang di kinakabahan at bilib ako sa kanya kasi pano nya ginagawa yun?

Nagsimula ng magbanggit si Sir Caesar ng mga pangalan at mas lalo akong kinahaban sa paghihintay ng pangalan ko na mabanggit.

'Law Moran, Halsey Koda, Sarah Jones' napatingin ako kay Law ng binangit na yun pangalan nya. Pero si Law ay walang pagbabago sa ekpresyon nya. Kung yun ibang tinawag ang pangalan ay halos magtatalo sa tuwa pero sya nanatili kang poker face.

'Pakinggan mong mabuti ang pangalan mo' ani nito nung nagtagpo ang mga tingin namin. Kaya agad ako umiwas ng tingin dito at muli tinuon ang atensyon kay sir caesar. Tuluyan na ata akong matatae dito. Jusko po!

Marami ng nabanggit ngunit hindi ko parin naririnig ang pangalan ko hanggang umabot na sa huling limang tao na lang ang babangitin ni Sir Caesar.

'Lahat ng di matatawag ay maraming salamat at maari na kayong umalis at umuwi. Better luck next year' ani ni Sir Caesar kaya mas lalong nag double yun kaba ko.

Lahat na nakilala kong santo ay natawag at nadasalan ko na. At halos magdugo na ang labi ko sa pagkakakagat ko.

'Jennifer Santos, Hana Lee, Chris Miller,Eren Ackerman and lastly Adessa Moran' pagkabanggit ng pangalan ko ay napasigaw ako sa gulat at saya kaya napatingin sakin ang lahat.

Kaya agad kong tinakpwn yun bibig ko at humingi ng tawad. Pero di mapaglagyan yung saya ko dahil nakapasa ako sa written exam at isang step na lang ay makakapasok na ko sa dream school ko.

'Sa lahat ng natawag gaya ng sabi ko maari na kayong dumaretso sa colosseum.' ani ni Sir Caera kaya lahat ng natawag ay nagsitayuan na. Pero nung tumingin ako sa gawi ni Law para yayain itong umalis na ng nahuli ko itong nakangiti.

Pero nung nahalata nyang nakatingin ako sa kanya ay nawala agad yun ngiti sa labi nito. Kaya hinitak ko na ito palabas at dumaretso na sa colosseum. Sabi na masaya rin syang nakapasa sya shy type lang sya. ito talagang is Law.

                                                                 ...


Batang version ni Law Moran vs Makakagawa na ng batang version >///////<



Dance with the MagicWhere stories live. Discover now