Chapter 8

208 7 1
                                    

Adessa's Pov

'Tigilan mo na nga ang pagtitig sa ID na yan Dessa. Mapupunit na yang mukha mo sa ngisi mo eh' rinig kong sabi ni Law kaya lumingon ako ng bahagya rito.

Kasalukuyan kasing nasa kwarto kaming inupahan namin. Bukas pa kasi kami maaadmitt sa D.A. Nagshare na lang kami ni Law sa kwarto dahil napaka mahal pala mga bilihin dito. Halos maubos yun inupon namin at binigay samin ni pader.

'Di kasi ako nakapaniwala na meron na ko nito parang dati pa ay pinapangarap ko lang ito.' sagot ko sabay tingin muli sa ID nya. At dahil dun ay narinig kong pumalatak si Law.

'Patingin naman nung sayo Law, mas maganda kasi yan pang Golden Falcon kesa sa lahat ng mga grupo' dagdag ko pa.

Magkakaiba kasi ang ID or patches na matatanggap ng isang estudyante dahil nakabase ito sa taas ng grupo mo o sa lakas ng mahika mo. Yun sa akin kase kulay puti at black lang tapos may logo ng Black Beast na kahawig ng patches ko. Yun kay Law kase kulay gold na sobrang tingkad tapos may logo ng Golden Falcon.

'Tigilan mo na Dessa kanina mo pa nakita yun. At papapalitan ko yun bukas. Diba sinabi ko ko dapat magkaparehas tayo ng grupo' sagot nito sabay buklat ng dala nyang libro.

"Sabi ko na nga ba e. Dapat dun na ako sa panghuling grupo sumali "

Kanina nya pa yan sinasabi keso daw nagkamali daw sya ng pili. Dapat pala ay sa pang anim na lang sya pumunta. Dahil mas malaki daw ang chance kong makapasok dun kesa sa iba pang grupo.

Nung pagkatapos nga nya malaman kung san grupo ako napunta ay gusto nya ng palitan yun grupo nya. Buti na lang ay nawala na ang mga pinuno kaya napilit ko na lang syang maghanap muna ng matutiluyan at makakain na rin.

'Talaga bang di na magbabago ang isip mo Law. Ilan lang ang nabibigyan ng opurdinidad makapasok sa Golden Falcon Sayang kung aalis ka lang' ani ko.

Kasi ayoko naman masayang yung potensyal ni Law. Mas hamak na nababagay sya sa Golden Falcon at kung naroon sya mas madali syang magiging malakas. At balita ko mas madaming benefits ang grupong rank one kesa sa ibang grupo.

'Mas maganda ang trato sa mga rank one Law. At balita ko pa ay mas malaki ang dorm nyo kesa samin.' dagdag ko. Kaso tinignan lang ako ni Law na parang sinasabing di magbabago isip nya.

'Wag ka ng lumipat Law. Okay lang naman ako at promise ko na magpapalakas ako para marecruit din ako sa grupo mo. O malay mo matalo pa kita at kami ang maging rank one' pagpipilit ko pa. Pero di man lang akong pinansin ni Law at pinagpatuloy nito ang kanyang pagbabasa.

Kahit kelan talaga itong si Law pag may desisyon na sya ang hirap ng pilitin baliin ito. Di ba sya maghihinayang kung aalis sya sa Rank one. Halos lahat ng estudyante ng D.A ay pangarap makasali sa Golden Falcon tapos sya itatapon nya lang.

Kaya nilapitan ko ito sa kinahihigaan nyang sofa at bigla kong hinablot ang binabasa itong libro.

'Law wag ka na kasing lumipat sayang yun chance. At for sure naman ay di ka hahayaan na lumipat ng ibang grupo' bulalas ko habang tinago ko sa likod ko yun libro ni Law.

'Dessa pagtatalunan pa ba natin ito?' madiin na sagot nya kaya tinignan ko sya ng daretso.

Ayoko ng mangyari ulit yung dati na dahil sakin kaya di magawa ni Law yun mga bagay na nararapat sa kanya. Alam ko naman noon pa na kaya ayaw nya magpaampon ay dahil di nya ko maiwanan. Di nya siguro alam na narinig ko yung usapan nila ni Pader.

'Manatili ka na kasi sa Golden Falcon di na naman ako bata na kaelangan mo pang protektahan Law. Sinusubukan ko ng wag dumepende sayo' ani ko at nakita ko na bahagyang napatigil ron si Law. Biglang kumunot ang noo nito sabay ginulo nya ang buhok nya.

'Maraming na ngangarap na maranasan yun mararanasan mo Law kaya sana wag mo sanang itapon lang.'

'Ilang beses ko bang sasabihin Dessa na wala akong pake. Di ako tulad mo o ng iba na pangarap ang paaralan na yun.' sagot nito kaya napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong libro.

'Kung ayaw mo pala edi dapat di ka na sumama sakin. Law di mo naman ako responsibilidad. At di mo ba alam na napakasakit makita na itatapon lang ng iba yun matagal mo ng pangarap. Lahat ginawa ko para marating lang yun narating mo pero ikaw isasawalang bahala lang yun. Bakit? 'medyo naging emosyonal na ko dahil sinagad na talaga ng paguusapan namin yun limitasyon ko.

At pagkatapos ko sabihin nyo at nung nakita ni Law na umiiyak na ko ay biglang umamo ang mukha nito. Pansin ko na parang gusto nya kong hawakan pero may pumipigil sa kanya.

'Masaya kong pinoprotektahan mo ko at inaalalayan Law. Pero wag mo naman sanang sayangin yun mga opurtunidad na hinihiling kong maging akin. Please sana kahit dito lang mas isipin mo yun kapakanan mo kesa sakin' dagdag ko pa sabay abot ng libro nya at karipas ng takbo sa kama at nagtalukbong.

Nahihiya na ko sa mga sinabi ko at inasta ko sa harap ni Law. Pero sana maintindihan nya na kapakanan nya rin yun iniisip ko. At sana rin kahit minsan lang magtiwala sya sakin at hayaan nya kong mageffort protektahan sya.

Law's Pov

'Kung ayaw mo pala edi dapat di ka na sumama sakin. Law di mo naman ako responsibilidad. At di mo ba alam na napakasakit makita na itatapon lang ng iba yun matagal mo ng pangarap. Lahat ginawa ko para marating lang yun narating mo pero ikaw isasawalang bahala lang yun. Bakit?'biglang nagpantig yun tenga ko sa mga sinabi ni Dessa sa akin

Hindi ko kasi maitindihan kung bakit pinipilit nya kong wag lumipat. Di nya ba alam na para sa kanya lang yun ginagawa ko. Gusto ko malapit ako sa kanya para madali ko sya mapoprotektahan. At di ba sya masaya na sinamahan ko pa sya dito sa pangarap nya paaralan.

Pero ng makita kong umiiyak na sya ay biglang bula na naglayo yun inis ko. Inis na inis ako kanina lalo nung lumabas sa bibig nya na gusto nyang wag dumepende sakin bigla akong nawala sa sarili ko nun nung sinabi nya yun.

'Masaya kong pinoprotektahan mo ko at inaalalayan Law. Pero wag mo naman sanang sayangin yun mga opurtunidad na hinihiling kong maging akin. Please sana kahit dito lang mas isipin mo yun kapakanan mo kesa sakin' dagdag nya pa sabay abot sakin nung libro at karipas ng takbo sa kama.

Di ako na kapagsalita dahil dun at napaupo na lang ako. Di ko na naman naalala ang nararamdaman nya. Puro kasi ang nasa isip ko ay yun way ko di ko man lang napansin yun nararamdaman nya.

Alam ko dapat na pangarap nya na makasali sa Golden Falcon at masakit kung makikita nya yun isang tao na itatapon na lang ito. Napakatanga ko dahil di ko yun na pansin. Natatakot akong mawala sya sakin pero ako pa ata ang nagtutulak sa kanya palayo.

Mukhang oras na ito para pagkatiwalan ko sya at hayaan tumayo sa sarili nya. Palihim ko na lang syang tutulungan kung ayun ang gusto nya.

Dance with the MagicWhere stories live. Discover now