Chapter 6

148 11 1
                                    

Adessa's Pov

Sa totoo lang kinakabahan ako para kay Law. Oo given na na sya ang pinaka malakas sa aming bayan pero iba dito sa Imperial City mas hamak na sanay ang mga tao dito sa kanilang kakayahan.

Pero sa kabilang banda nakakasiguro ako mapipili at makakapasok si Law dahil kakaiba ang kanyang mahika at makikita ng mga pinuno ang potensyal nito pero ang lubos ko kinababahala ay baka di ipakita ni Law ang abilidad nya dahil hindi nya naman nais gawin ito.

Alam ko naman na ginagawa nya lang ito para sakin pero sana maintindihan nya rin na ginagawa ko rin ito para sa kanya at sa pamilya namin sa simbahan.

Bago kasi magsimula ang duelo ay nagpapakilala muna ang mga kalahok na magduduelo.

'My name is Kenzo Madrigal mula sa Imperial City' pagpapakilala nung makakalaban ni Law. Kung mapapansin para minamaliit nito si Law dahil pangisi ngisi pa ito.

'Law Moran taga Irkalla' maikling pagpapakilala ni Law na parang bored na bored kung malapit lang ako sa lalaking yun nabatUkan ko yun. Baka mainis nya ng husto yun ka duelo nya.

At mukha naman nagulat ang mga tao na taga Irkalla si Law at mas lalong lumapad ang ngisi ng kalaban ni Law ng nalaman kung san sya galing. E kala ko pa naman maiinis ito dahil sa poker face ni Law.

'Simulan na ang laban' sigaw ng taga pagsalita. At pagkatapos na pagkatapos sabihin yun ng tagapagsalita ay agad sumugod yun kalaban ni Law. Mukhang bato ang kapangyarihan nito dahil nakagawa ito ng mga asong gawa sa bato na sumusugod kay Law.

Pero di na tinag sa kinatarayuan nya si Law at wala kang mababakas na takot o anumang ekresyon sa mukba nito. Ngunit sa isang iglap ay nawasak ng light blade ni Law ang mga aso at naikulong nya ang kalaban nya gamit ang mga light blade nya na walang kahirap hirap at dahil dun ay nagulat ang mga tao at nagpalakpakan ay syempre ako supportive pasigaw sigaw pa.

At pagkatapos nun ay diniklarang panalo si Law at una sya hinarap sa mga pinuno at halos nanlaki ang mga mata namin ng halos lahat ng pinuno ay nagtaas ng kamay. Bigla tuloy naghari ang katahimikan sa buo paligid.

Kung lahat kasi ay nagtaas maaring mamili ang kalahok kung san sya sasamang grupo. At napaka swerte ni Law dahil pede sya mamili.

'Mukhang napabilid ng kalahok na ito ang ating mga pinuno. Pero ang tanong sino kaya ang sasamahan nya' sabi ng tagapagsalita. Pero si Law parang di man lang masaya na pinili sya ng lahat ng grupo at walang kagana gana nitong tinuro ang si Grant Wistalia na pinuno ng

Golden Falcon.

At dahil dun napansin kong napangiti si Grant siguro nakita nya ang potensial ni Law kaya nagtaas sya ng kamay.

'Wow Law ang galing mo pinili ka ng lahat ng pinuno at nakapasok ka pa sa Golden Falcon' bulalas ko pagkabalik ni Law sa upuan namin. Maraming matang naka tingin ngyon kay Law dahil di siguro nila inaasahan na pipiliin ito ng lahat ng pinuno.

'Galingan mo rin para sa iisa lang tayo ng grupo mahirap kung magkahiwalay tayo walang titingin sayo. O kung hindi talaga uuwi na lang tayo para mas maganda' sagot nito kaya pinisil ko yung pisngi nito. Nagsusungit na naman kasi ito.

'Ngumiti ka nga kahit konti Law pinili ka ng lahat ng ng pinuno dapat masaya ka' ani ko pero tinignan lang ako nito ng matalim kaya agad agad kong binitawan ang pisngi nya.

'Sabi ko nga gagalingan kong mabuti, hintayin mo ko makakasama rin ako sa Golden Falcon' ani ko sabay tuon na sa magduduelo sa gitna.

Si Law talaga napaka seryoso ilang beses ko bang ipapaalala sa kanya na maaga syang tatanda sa attitude nyang yun.

'Wag mong pakielamanan ang iba at maghanda ka para sa duelo mo' masungit na sabi nito kaya umoo na lang ako para tumigil na ayoko na kasing mahawa sa kaseryosohan nya lalo lang akong kinakabahan.

Kaya tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga nagduduelo sa gitna. Gusto ko sana kausapin ng kausapin si Law para mawala sa isip ko yun kaba ko pero mukhang wala sa mood si Law.

Sa totoo lang kasi wala ng paglagyan ang kabang nararamdaman ko lalo na ng parami na ng parami na ang natatawag. At nadadagdagan pa ito pagmay nasasaksihan akong malalakas at kahangahangang mahika.

Pero bago ko paman maisip ang mga negatibong bagay ay iniling iling ko na agad ang mukha ko at humugot ng malalim na paghinga.

Di ko pedeng hayaan na mawalan ako ng pagasa dahil lang sakin nakikita. Ayoko rin na lamunin ako ng kaba dahil pagnagkataon lalo akong di makakapagfocus at baka ito pa ang ikabagsak ko. Kaya kaelangan ko kalmahin ang sistema ko at maging positibo lang.

'Para sa huling magtutuos numero 153 at 029!' bulalas ng tagapagsalita. At dahil dun ay muntikan ng lumabas yun puso ko sa gulat. Di ko napansin na ako na pala ang pupunta sa harapan.

'Dessa' rinig kong tawag sakin ni Law habang natayo ako. Kaya nilingon ko naman ito at bago ako bumaba ay nginitian ko ito. Parang may gusto itong sabihin pero nakita ko na lang ito umiling iling na bahagya.

Di dapat ako kabahan. Pinaghandaan ko ang araw na ito at tinulungan pa ko ni Law magsanay kaya di maaring masayang lang yun. At kung di ko maipapasa ang pagsusulit na ito ay di ko matutupad ang pangako ko kay Law na proprotektahan ko sya.

Pagbaba ko sa gitna ay sumalubong sakin ang isang lalaki na mukhang galing sa marangyang pamilya dahil sa suot nito. Nakangisi ito tumingin sakin kaya nginitian ko na lang ito pabalik.

'Mga kalahok simulan ang pagpapakilala'

'Theodore Miller nagmula sa Imperial City' ani nung lalaking makakalaban ko at muling ngumisi sakin.

Sa totoo lang nakakailang yun ngisi nya ah.

'Adessa Moran Taga Irkalla District' bulalas ko at di palakpakan ang sumunod roon kung di bulong bulungan. At nung tignan ko yun lalaking kalaban ko ay mas lalong lumapad ang ngisi nito.

'Isa rin syang probinsyana pero mukhang di naman sya malakas tulad nung lalaking isa'

'Hay! Parami na ng parami ang mga Dukha ng ang tataas ng pangarap. Di na lang makontento sa kinalulugaran nila'

Hay! Umiling iling na lang ako dito at di na pinakinggan yun mga bulong bulungan. At naweweirdohan na talaga ako sa magiging kalaban ko kasi kung makangisi talo pa aso. Ganon ba kahina ang itsura ko, kase ba naman parang yun ngisi nya ay parang nanalo na sya.

Siguro iniisip nya na dahil isa akong dukha ay madali nya na kong matatalo. Pero nagkakamali sya dahil di ako magpapatalo. Nagsanay akong mabuti. Di nya ba alam kung anong dinanas kong hirap sa kamay ni Law?

Hay jusko ayoko ng maalala ang mga araw na yun. Kaelangan ko ng ituon ang buo kong atensyon at lakas sa duelong ito dahil dito nakasalalay ang pangarap ko.

'Simulan na ang duelo!' sabi ng tagapagsalita na hudyat para ihanda ko ang aking sarili.

Dance with the MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon