Chapter 9

235 9 3
                                    

Law's Pov

Pagkamulat ng mata ko ay sumalubong sakit ang amoy ng nilulutong kanin at ulam. Kaya kusang dumako ang tingin ko kung nasan si Dessa na abalang naghahanda ng umagahan.

Sa ilang segundong pagtitig ko dito at lumingon naman nito sabay bati sakin ng magandang umaga.

'Kain na Law nagluto na ako' yaya nito sakin kaya agad akong pumunta sa kusina at roon ay sumalubong sakin ang mga paborito kong pagkain.

At dahil dun ay napagtanto ko kung bakit sya nagluto at nauna ng gising sakin. Ganto si Dessa paghumihingi sya ng pasensya. Gagawa sya ng paaran para makabati kayo. Tulad na lang nung mga nagaway kami dati pinagipunan nya yun gusto kong libro at binili ito sakin.

'Baka naman panget ang lasa nito?' pangaasar ko dito sabay sandok ng kanin.

'Edi wag kang kumain. Nilutuan ka na nga maarte ka pa' nakangusong sabi nito kaya napangiti na lang ako. Para kagabi lang ay nagkasigawan kami.

'Pagtitiisan ko na ito sayang naman ang pera' dagdag ko pa dahilan para sumimangot ng husto ito at nagulat pa ko ng bigla nitong ilayo ang ulam sakin.

'Nagbago na isip ko wag ka na pala kumain'

'Biro lang kahit anong lasa ng luto mo kakainin ko yun. Kahit may lason pa' ani ko sabay kuha ng kinuha nyang pinggan ng ulam.

At napanasin ko naman na natahimik sya dahil dun. Kaya lihim na naman akong napangiti.

'Di na ko lilipat basta siguraduhin mo lang di mo ipapairal ang ugali mong pagsangkot sa mga gulo.' ani ko at dahil dun ay lumapad yun ngiti nya at kahit punong puno ang bibig ay nagsimula na itong magsalita ng kung ano ano.

Adessa's Pov

Masaya ako na nagbago isip ni Law tungkol sa paglipat. Buong gabi kasi ako di mapakali dahil nagkasagutan kami medyo na giguilty rin ako sa inasal ko.

'

' To all Junior kindly get your uniform and your copy of your schedule in admission office then all of you may proceed in the auditorium for welcome ceremony. Thank you' dalawang beses na anunsyo na nanggagaling sa mga speaker.

Rookie ang tawag sa mga estudyante na may pinaka mababang rank dito sa D.A. Ibig sabihin nun ay freshmen or newcomer. May apat na rank kasi na kaelangan mong malagpasan para maging opisyal na Hero ka isa na dito ang Rookie level. At kung makapasa ka at umangat ang lebel ng kakayahan mo ay magiging Intermediate ka. Then kasunod na raw dun ay ang Senior ibig sabihin master mo na ang mahika mo at pede ka ng mag proceed sa evaluation at kung napasa mo yun three months evaluation magiging Non-pro Hero ka na. At after ng final trials mo at mapasa mo ang license exam magiging ganap na professional hero ka na.

At kung Pro Hero ka na ang kasunod mo naman goal ay makasama sa Elite or top 10 Hero na makikilala sa buong mundo.

Sobrang habang proseso ang pag dadaan para maging isa kang ganap na Pro Hero. Pero may mga ilan na napapabilis ang prosesong yun,lalo na kung nagtataglay sila ng isang malakas na kapangyarihan. May mga ilan na kong mutant na nabalitan na inabot lang ng two years para maging official na Pro Hero.

'Hoy lutang ka na naman narinig mo ba yun sinabi?' ani ni Law kaya natingin ako sa kanya. Kanina pa pala nya kong niyayayang pumunta sa Admission office.

'Opo' sagot sabay ng paglakad namin. Bali-balita na mas marami ang bilang ng mga nakapasa ngyon taon kesa nung nakaraan. Mukhang pinaghandaan ng mga estudyante ang entrance exam tulad namin ni Law.

'Name please' sabi nung babae sa admission office. Buti na lang ay nasa sampu ang counter ng Admission office kung di sa dami namin aabutin kami ng siyam siyam.

Dance with the MagicWhere stories live. Discover now