42

4.1K 78 0
                                    


"Ewan ko lang ah, pero sa tingin ko kailangan mo na din gawan gown ang sarili mo." Natatawang saad ni Gwen habang inaayos ang iilang bagay dito sa shop. Isa siya sa mga tauhan ko at pinagkakatiwalaan na din lalo pa at dito na sa Rockwell na tayo ang main branch ng shop.

"Para saan ko naman gagamitin aber? Wala pa naman akong dadaluhan saka na siguro pag may upcoming events." Nakangiting sagot ko.

"Well, wedding. I'm sure anytime soon makikilala mo na si Mr. Right at kailangan mo ng wedding gown. Hindi mo ba pangarap mag suot ng wedding gown at ikasal sa taong gusto mo? Kasi halos lahat ng babae yun ang gusto."

"Gwen...." Mariin ko siyang tiningnan at pinagtaasan niya lamang ako ng kilay na para bang hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin.

"Sus! O umaasa ka pa din? Yong totoo? Gusto mo naman talaga si Si – Mr. Marcos diba? Kaso takot ka lang, kaya ang hirap sayong magtiwala."

Nanlungo na lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya. Tinuon ko ang pansin sa ginagawa para matapos ito ngayong araw.

"Kayo na ang bahala sa mga kailangang pang gawin. I need to go home, baka kasi nandoon na si Sera sa bahay at nangako ako na lalabas kami for dinner," I told my staff. Ngayon kasi ang uwi niya muli sa mga Marcos.

Tahimik akong na drive sabay ngunit sumabay din ang matinding traffic dahil sa uwian na ng mga malalaking universities. Takip-silim na ng makarating ako ng bahay at naabutan ko na doon ang anak nan aka-upo sa malaking sofa.

"Mommy!" Sera greeted me. I miss this kid.

I kiss her head as I squatted to reach her level. "How's your weekend?" I asked.

"Hmmmm... Daddy and I went to amusement park together with Tito Sandro." she answered.

"Just the three of you?"

"Yeah, Tito Sandro told us that Tita Khloe needs to rest since their having a new baby soon while Aly is in Cebu for vacation." My daughter's long answer.

I smiled and patted her head. "Seems like you enjoyed your weekend." Tumayo ako at inayos ang usuot. "Give me a minute, magbibihis lang ako then we'll go out for dinner."Mas lalong lumapad ang ngiti ni Sera at napatalon pa ito.

"I thought you forgot."

"Paano ko naman makakalimutan, You're on my priority list." I said sabay kurot ng pisngi niya.

Iniwan ko siya doon sa sala at mabilis na nag-ayos para sa labas namin ng anak ko. Isang puting botton down polo lang ang suot ko at high waisted na Maong pants. Ayoko naman kasi mag-ayos ng sobra lalo na at bata ang kasama ko.

Pagbaba ay naabutan ko si Sera na naglalaro sa iPad. Hindi ata napansin ang presensya ko at ng kinalabit ko siya ay doon lang niya ako napansin.

"Ready?" I asked.

"Since Friday Mom," she rolled her eyes. Natawa na lang ako sa reaction ng anak. Sa murang edad ang lakas na ng loob magtaray.

We went to our favourite restaurant in Makati. Medyo maraming tao dahil talagang hapunan na ang saktong dating namin mabuti na lang at nakapag pa reserved na ako kaya hindi na kami nahirapan.

I let Sera have her own menu since madalas na din naman kami dito at alam na niya ang gusto niyang orderin. Nang tuluyan ng nakapili binigay namin sa waiter ang order. Habang nag aantay ng order ay hindi namin maiwasan tingnan ang mga tao sa paligid.

"Mom?" Pagkuha ni Sera ng atensyon ko.

"Hmmm" I faced her.

"Is there something wrong between you and Daddy? I haven't seen you talk." Biglaang tanong niya.

CHANCES OF FATE: Simon Marcos (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon