14

4.1K 77 1
                                    

"You're in love.."

Itanggi ko man ay hindi na maalis ang katotoohanan na iyon.  Anna was right I'm in love with him. Ilang beses ko mang sabihin na hindi ay parang niloloko ko lang din ang sarili ko. Yes,  I felt something for him kahit sa unang beses pa lang naming pagkikita. Hindi ko lang inaamin dahil takot ako.  Takot ako na masaktan ulit - takot akong magmahal pa.

Ngayon yong kinakatakutan ko ay kusa ng kumakatok sa akin.  Iwasan ko man ay para itong mandurukot sa tahimik na gabi. Nanbubulabog at kung mamalasin ay tuluyan kang papasukin.

Suntok sa buwan ang magmahal.  Ayaw mo man masaktan ay hindi din ito maiiwasan. Ngunit minsan sa sobrang pag-iingat mo ay mas lalo mo lang nilalapit ang sarili sa sakit na iyon.

Ang taong gusto ko ay mahal ang nag-iisa kong pinsan.  Kahit na may gawin ako ay hindi ko na mababago iyon.  Magmumukha pa akong kontrabida sa pagmamahalan nila pag nagkataon. Kaya kung papipiliin ako mas mabuti na lang na matiling sekserto ang pagtingin kong ito sa kanya.  Mas pipiliin kong lihim siyang mahalin at hayaan na lang lumipas ang nararamdaman.

If he and Jasmine will end up together I'll be happy for them.

Wala akong nagawa sa buong araw na ito. Tanging pagkatulala lang anyari at umuwi lang akong pagod sa kakaisip ng walang patutungujang bagay. Nadatnan ko ang aking mga magulang kasama ang tulog kong anak sa living room. Nagkalat ang pagkain sa harap nila. Mukhang nag movie marathon pa ata ang mga ito.

"How's your day? " tanong ni Daddy sa akin. Pagod akong ngumiti at kumuha ng lakas para masagot ang simpleng tanong niya.

"Fine Dad,  nothing special. "

Kinuha ko si Sera kay Mommy. Nagpaalam akong aakyat na sa taas para magpahinga.

"Hindi ka ba kakain hija?" si Mommy naman ngayon ang nag tanong. "Ipapainit ko ng mga niluto para sa hapunan kanina." she added.

"Busog na ako Mom,  at wala na akong ganang kumain.  Medyo pagod po ako sa trabaho. "

Tinalikuran ko ang nga magulang at tuluyan ng iniwan ang mga ito.

Nang narating ko ang sariling kwarto ay marahan kong nilapag si Sera sa crib nito.  Mahimbing ang tulog niya. Hindi ko tuloy maiwas na hindi pagmasdan ang anak. Palagi ko namang ginagawa iyon pero ngayon napansin ko ang pagkakahawig ng munting mata niya sa -

Impossible.  Masyado lang siguro akong nalilito. Dahil kaya sa palaging siya ang iniisip ko ay sa lahat na lang ng bagay nakikita ko ang mukha niya kahit sa mukha ng sarili kong anak. 

Hay Sapphira!  Gumising ka nga!  Mahal ni Simon si Jasmine! At pinasn mo si Jasmine!

Isang patak ng halik ang iniwan ko sa tulog na anak. Sa loob ng banyo, habang nakalubog ang sarili sa bath tub, sabay ng sayaw nang isang mabangong kandila ay hindi ko iwasang hindi nag-isip.

Tinimbang ko ang lahat at napagpasyahang. Hindi ko na lang muna sasabihin ang lahat ng ito kay Simon man o kay Jasmine. Ayokong maipit sa iringan ng dalawa. Pareho ko silang kilala at pareho silang importante sa akin. Ayokong masira iyon dahil lamang sa kung ano ang nangyari sa kanila noon.

Bawiin ko na lang siguro ang pinangakong tulong ko para kay Simon.  Idadahilan ko na lang na wala akong oras maghanap o wala akong kalidad na makapaghanap ng taong tutulong sa akin.

Pero hindi ba parang nag sinungalin na din ako sa kanya? Sa huli mali pa din ang ginawa ko dahil sa pag dadahilan ko kahit ang totoo kilala ko naman talaga ang pinapahanap niya.

Bahala na talaga!

Lumipas ang mga araw.  Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin kay Simon na hindi ko pala siya matutulungan. Nariniy ko na lang mula kay Mommy ang pag-uwi nilang muli sa Pilipinas.

"We're going home next week" deklara ni Mommy habang kumakain kami.  Nasa high chair si Sera na nasa tabi ko habang si Dad naman ay nasa kabisera nakaupo.

"I have a new project in Negros.  At medyo malaki iyon. Kaya siguro matatagal na hindi ako makasama sa Mommy kapag plano nyang dumalawa ulit agad sa inyo dito. " sabi ni Daddy sabay inom ng kape.

"Hindi ka naman ata nawawalang ng project. " si Mommy naman iyon na may halong tampo ang tono.

"Mom, dapat sanay ka na po. Daddy is a famous architect kaya hindi ka na dapat ganyan kapag marami ang kumukuha sa kanya. " I said.

Sera chuckled as my background kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

"Imagine, one day lahat ng madadaanan mong buildings si Daddy ang may gawa. Especially sa Mindanao at Visayas. " dagdag ko pa.

Umirap lang si Mommy at pinagpatuloy ang pagkain.

Panibangong araw iyon sa shop ko. Naging madami rin ang ginagawa pero hindi nawaglit sa isip ko ang kalagayan nang pinsan ko at ni Simon.

Napagdesisyonan ko na na huwag sabihin pero may isang bahagi sa akin na gusto kong magtagpu na sila agad. I want Simon to be happy dahil sa lahat ng pagkakataon na nagkita kami kahit sa unang pagkikita pa lang namin malungkot na siya. Ramdam ko na ang lungkot niya kahit pilit niyang wag ipahalata iyon.

"Ano na naman ang iniisip mo? Simon and Jasmine again? " it was Anna, who interrupted ny thoughts. Binalingan ko siya at agad na winala ang usapan.

"Of all the gowns I made this month this is my favorite. " sabi ko sabay haplos ng gown na finafinalize ko.

Pinagulong ni Anna ang mata. Alam niya na ayaw ko nga pag-usapan ang iniisip. Lumayo siya sa akin pero hindi nagtagal ay tumigil siya at nilingon ako.

"Tsk!  Next time wag ko winawala ang usapan. And please pagbigyan mo din naman ang sarili ko.  If you love him then stand up for that love. If you think you deserve it, ipaglaban mo.  Lumapit na siya sayo and maybe that's the que that ylu need to be open for him.  Know him better malay mo? Hindi yong ipipilit ko siya sa pinsan kong halos magtago na sa maliit na sulok ng bahay nila. " mahabang mensahi ni Anna.

Napalingon ang iilang empleyado namin sa shop.  Gusto ko tuloy sabunutan si Anna dahil sa hindi talaga niya ugaling makipag- usap ng tahimik at prebado. Baka tuloy kung anong isipin ng mga tauhan ko dito sa ibig niyang sabihin.  Though, I know some of them can't understand our language pero nay iilang Pilipino din akong trabahante na nakarinig kaya nakakahiya talaga.

CHANCES OF FATE: Simon Marcos (COMPLETED)Where stories live. Discover now