C-27

2.5K 177 22
                                    

Unedited

*
*
*

"Shelley please this is not the solution,
a-alam kong naguguluhan ka please makinig naman sa'kin, hindi ako kagaya ng iniisip mo, gusto ko lang maging maayos ang buhay ninyo ng anak natin, napakahabang panahon na ang nasayang sa bawat buhay natin, I am doing the right thing, just give me enough time for this."


"Bernard, alam mo kung gaano kita kamahal pero sana huwag mo naman iparamdam sa'kin na mali na naman ako, pagod na ako sa ganitong sitwasyon, gusto ko ng mamuhay ng normal."



"Im sorry kung naguguluhan ka but please trust me, inuuna ko lang ang kaligtasan ninyo ng anak natin."



Hinayaan ni Shelley na yakapin siya ng kasintahan, may pagdududa sa kanyang isipan na kailangan niyang pag isipan at pag-aralan, mahal niya ang binata at mahal din niya ang kanilang anak."kung anuman ang binabalak mo Bernard, hindi ko hahayaan na maulit muli ang mali kong nagawa, patawad sa plano ko pero hindi ako papayag na magpagamit ka sa mga taong nakapaligid sayo."mga katagang tanging siya ang nakakaalam.



"Aalis na ako, kailangan ko magreport ngaun sa opisina, I'll see you later."


"Okey, ingat ka."tugon ni Shelley at hinalikan ang kasintahan.



Nang makaalis si Bernard ay agad na pumasok si Shelley sa kwarto na kung saan ay doon naglalagi ang binata kapag may mga pinag aaralan ito sa mga kasong kailangan imbestigahan. Dahan-dahan niyang inisa-isa ang bawat papel na naroroon at mga drawer para masagot ang katanungan sa isip niya.



"Alam kong may inililihim ka sakin Bernard!"bulong niya habang inililibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hanggang sa napadako ang kaniyang paningin sa isang brown na box nagpakunot sa kanyang noo,dahil tila pamilyar sa kanya ang box na iyon, akma na niya iyong hahawakan ng tawagin siya ng anak niya."Im coming baby.


Agad niyang dinaluhan ang anak na nakasimangot, her boy." Yes baby?"


"I want my Dad."


"He went to his work, what do you want?"malambing niyang tanong dito.


"Icecream."


"Okey but you'll take your shower,because we are going somewhere."



"Okey Mom ."



Matapos paliguan ni Shelley ang anak ay siya naman ang nag-ready para umalis, wala siyang pinagsabihan kundi ang yaya ng anak.




"Shelley, hija.?"gulat na bigkas ni Wendell ng pumasok ito sa opisina niya."What brought you here? Baka may nakakita sayo hija?"


"No worries Tito, wala po at kung meron man wala po akong pakialam."




"Anong atin hija? May problema ba, have a seat."


Humugot ng isang malalim na buntong hininga si Shelley bago muling nagsalita.



"Hindi ko po alam kung saan ako mag uumpisa, Tito nagdududa po ako kay Bernard, kakaiba ang kanyang mga ikinikilos nitong nakaraang araw."



"Shelley, are you sure about this?"



"Tito nakuha na niya ang bagay na iniwan ni Papa para sakin nakita ko ito at ang nakakapagtaka hindi man lang niya ako ini-inform, hindi ko maialis ang hindi magduda sa kanya."



How Right It Is To Love You (COMPLETED)  Where stories live. Discover now