C-17

2.6K 203 24
                                    

Unedited....



"Mommy!?"sigaw ni Wendellene na agad lumapit sa ina na nasa bisig ng kakambal.


Tila nasemento ang mga paa ni Jefferson ng matitigan ang mukha ng babaeng nawalan ng malay, at ng tumingin siya kay Katrina ay ganun na lang ang pag-awang ng labi nito, hindi niya alam kung bakit at paano niya naihakbang ang mga paa palapit dito. Maging sila Yuan ay natigilan ng makita ang paghaplos ni Jefferson sa buhok ng kanilang magulang.


"Can you stay for a while?"mahinang tanong ni Wendellene kay Jefferson na natiling nakatitig sa kanilang ina.


"O-okey."

"Salamat."bigkas ni Wendellene marahang tumaas ang kamay niya para sana kabigin ng yakap ang binatang kaharap ngunit natigilan siya kaya naman muli niya iyong ibinaba iyon at binalingan si Katrina at sinenyasan na mag uusap silang dalawa. Magkasunod na lumabas si Wendellene at Katrina sa opisinang kinaroroonan nila, dinala sila ng kanilang mga paa sa isang coffee shop sa tapat ng matayog na building ng mga Fontana.


"A-anong gusto mong inumin?"

"Pineapple Juice na lang."

"Humihingi ako ng pasensya Miss Leviste."


"I don't mind it, kahit nalilito ako sa mga reaksyon ninyo."Sagot niya dito,isang simpleng ngiti ang sumilay sa labi ni Wendellene, na lalong ikinahanga ni Katrina  sa angkin nitong ganda na lalong tumitingkad sa bawat pagngjti nito.


"Miss Leviste, yung sinasabi mo na may nakilala kang kamukha ni Mr.Suarez sa Brazil, can you please tell me how and when?"

"Bakit ganun ang reaksyon nyo ng makita ninyo si Jefferson? Tama ba ako ng iniisip Miss Wendellene?*

"Maniniwala ka ba kung sabihin kong, malakas ang kutob naming lahat na siya ang nawawala namin kapatid, 6 years ago, you know the saying lukso ng dugo ."

''I understand don't tell me na iisang tao ang tinutukoy natin, pero bakit ganun, wala siyang natatandaan?"

"My husband is coming any moment he is a doctor, he can help us to find out. My brother was in Brazil 6years ago, hanggang isang araw hindi na namin siya nakita, but we never loose hope, we always praying that one day he'll come back."


"Kung si Jefferson at ang kapatid mo ay iisa, I think makakatulong ako ng malaki, para malaman natin ang totoo."

"May relasyon ba kayo?"

"Ha? W-wala costumer lang din niya ako sa vinyl."

''walang masama kung sakali, at sa tingin ko naman pareho kayo ng nararamdaman, the way you look to each other,masasabing the feelings is mutual?"

Agad na namula ang buong mukha ni Katrina, nasukol siya sa katotohanang iyon, attracted talaga siya kay Jefferson or maging Third Emmanuel man ito. Matapoa nilang maubos ang kanilang order n inumin ay marami pa silang napag-usapan ni Wendellene, at masasabi niyang talagang may mabuting kalooban ang mga Fontana, she knows that limited ang mga impormasyon tungkol kay Thirdy, at maging siya ay malakas ang kutob na maaaring he's suffering from amnesia.

Nang mga oras na iyon ay marahang nagmulat ng mata si Racahelle, agad siyang bumangon sa kinahihigaan na sofa.

"Thirdy anak?"bigkas niya ng makita si Jeffetson na nakaupo paharap sa kanya."Panginoon ko maraming salamat at ibinalik mo po ang bunso ko."umiiyak niyang bigkas at agad na tinawid ang ilang hakbang na pagitan ng binata at niyakap ito ng mahigpit."anak ko."lumuluha niyang bigkas at hinaplos ang mukha nito."anak pinahirapan ka ba nila? Saan ka nag-stay, sinong kumupkop sayo?"


How Right It Is To Love You (COMPLETED)  Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum