C-3

2.7K 199 16
                                    

Note....

Hello 😊

Sorry agad ha kung may mali/bitin sa court trial or action gusto ko talaga diyang bigyan ng mas magandang scene but hanggang doon lang kaya ng isip ko hayaan nyo po babawi ako sa susunod..I will try my very best sa action scene..someone asked bakit daw ayaw kong pahabain ang bawat chapter like others daw po na till 40+chapter.."isa lang naman sagot ko.."AYAW KONG MAGPAHABA NG KWENTONG PAIKOT-IKOT LANG KASI ANG GUSTO KO BUHAY NA BUHAY ANG KWENTO NG MGA BIDA KO SA KWENTO HINDI ANG IBANG CHARACTER'S." yun lang po salamat.
Hindi naman ako nagde-demand ng vote at comment... Ginusto ko ang magsulat kaya kung walang boto walang comment... Okey lang no hard feelings, ksi kita ko nmn may mga bumabasa pa rin :)

Thanks a lot at maraming salamat sa mga sumusubaybay.. GOD BLESS U ALL LAB YAH....





Unedited....
-
-
-

Napapitlag si Shelley sa malakas na tanong ni Atty Lorenzo,lalong bumuhos ang luha niya ng makita niya ang pagyakap ni Thirdy sa ina nito. "Hindi ito maaari!"bulong ng isip niya, lalo ng sumagi sa isip niya ang napag-usapan nila ni Bernard.

""Inuulit ko Shelley Grace Gatchillian naririto ba sa loib ng hukuman na ito ang bumaboy, lumapastangan sayo! Maaari mo bang ituro kung sino ito!?"tanong ni Atty Lorenzo.

"Tama na!"sigaw ni Shelley na sabog ang luha."tama na! God knows the truth, at hindi ko alam kung paano at kanino ako papanig!"

Takot na takot si Shelley ng mga oras na iyon, alam niyang sa oras na magdesisyon siya ay dalawang buhay ang masisira. Halos hindi niya maibuka ang bibig para magsalita patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi, maga na rin ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa gawi ni Thirdy na nagsusumamo ang mga mata sa kanya.

"Sabihin mo ang totoo Shelley!"sigaw ni Thirdy!"Im innocent! Sabihin mo sa lahat inosente ako!"

"You better shut up Mr Fontana! Hindi dahil mayaman kayo ay magagawa na ninyo ang nais ninyo! Sinira mo ang buhay niya at kinabukasan!"

"Fuck you Atty! Paano ang kinabukasan at buhay ko ha!? Kahit nga buhok niya hindi ko nilawayan! Ipa-DNA nyo kung ako nga ba ang nakabuntis sa kanya!

Tila nalulon ni Atty.Lorenzo ang kanyang dila ng mga oras na iyon, nawala sa isipan niya na makabago na ang teknolohiya ngaun.

"Ano hindi ka makapagsalita! Dahil mali kayo ng akusa sakin!"sigaw ni Thirdy at sinugod ng suntok si Atty Lorenzo.

Dahil sa kaguluhan naganap ay hindi natapos ang hearing, at dahil si Thirdy ang pangunahing suspect ay halos maglupasay si Rachelle ng dakipin ng pulis ang kanyang bunsong anak.

"Wendell ang anak ko."humahagulgol niyang sabi sa asawa habang yakap siya nito na pigil din ang luha.

"Tahan na gagawin ko ang lahat para maialis ang ating anak sa gulong ito, at kung kinakailangan tapalan ko anf lahat ng pera ay gagawin ko!"

"Uncle inosente ako!"umiiyak na sabi ni Thirdy kay William na tiim ang bagang na nakatingin sa pamangkin. Kuyom ang kamao na nilapitan nito si Atty Lorenzo na nasa kabilang panig ng police station.

"Remember this day, Atty Lorenzo! Dinungisan mo ang pangalan ng pamangkin ko! Hangga't may hininga ka pagbabayaran mo ang mali mong akusasyon!"

"Im just doing my job Atty. Fontana, pareho tayong Abogado alam natin ang totoo at hindi, trabaho lang tayo walang personalan, nataon lang na kliyente ko sila."

How Right It Is To Love You (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon