C-16

2.6K 215 41
                                    


Unedited

-
-

"Boss Tres, kamusta lalo kayong gumandang lalaki ah."muling sabi ng guard.''hiyang na hiyang kayo sa ibang bansa."



"Manong, sandali bakit Tres ang tawag nyo sa kanya?"di napigilang tanong ni Katrina.

"Ma'am, yun ho talaga ang tawag namin kay Boss. Sandali lang po kasama ba kayo ni Boss?"


"Oo."mabilis na sagot ni Katrina dahil ng lingunin niya si Jefferson ay tila wala itong naiintindihan sa sinasabi ng guard.



"Eh kung ganun po, dumiretso na kayo sa loob Ma'am, Boss mukhang surprise visit nyo ito kay Sir Wendell, sakto andiyan din po ang kambal.''




Tila iisang mata ang lahat ng empleyadong nakatingin kay Jefferson, na ikinataka ni Katrina at maging ang binata. Agad nilapitan ni Katrina ang babaeng na nasa information desk.


"Hi, good morning.Miss we have an appointment with Mr.Wendell Fontana."sabi ni Katrina .


"Ma'am kasama po kayo ni Sir?"


"Oo."mabilis na sagot ni Katrina.


"Pero."



"Bakit may problema ba?"



"Ahm kasi Ma'am, ang alam ko po si Mr.Suarez ang darating sa oras na ito, hindi po.."



"Oh sorry Miss, here our ID."

Nanlaki ang mata ng babae sa receptionist ng tingnan ang ID ni Jefferson, paulit-ulit itong napalunok at tumingin sa binata. "Imposible."bulong nito na hindi nkaligtas sa pandinig nila Katrina.


"Miss, please lang ayaw kong masayang ang oras namin, we need to see Mr.Fontana."mariing sabi ni Jefferson."and will you please again, stop staring at me na parang ngaun lang kayo nakakita ng taong kagaya ko!"



"I-Im sorry Sir, you can go in the elevator, Mr.Fontana's office is in 3rd floor, nag iisang office lang po iyon ng Big Boss, at makikita nyo po ang sekretarya niya doon paglabas nyo ng elevator pumasok lang po kayo sa glass door."



"Okey, salamat."




Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Jefferson pilit niyang ikunukubli ang tension na naghahari sa kanya, pakiramdam niya ay dinadaga ang dibdib na sa loob ng ilang taon sa kanyang negosyo ay hindi niya naramdaman sa kahit sinong kliyente niya. But this one is different! What's with them? Bakit kailangan kabahan ako ng ganito? Mga tanong na nasa isip niya, anong meron sila para kabahan ako ng ganito?" This is frustrating! May kasalanan ba ako sa kanila bukos sa maling shipment.?''



"Jefferson? Lalabas ka pa ba diyan o babalik na tayo sa ground floor?"ang halos pasigaw na tanong ni Katrina na nagpabalik sa diwa niya.



"Sorry, napapaisip lang ako, they're acting weird."


"Kung weird sila sa mas weird ka!"nakaingos nitongng tugon sa kanya at mabilis na humakbang palapit sa glass door, pipigilan pa sana niya ito ngunit narinig na niya ang boses nito na nagtatanong sa sekretarya.



"He's outside, I will call him now kung pwede ba kaming pumasok sa loob."


"Okey po Ma'am naghihintay na po sila sainyo."



How Right It Is To Love You (COMPLETED)  Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz