C-19

3.9K 229 34
                                    

Unedited.....

"Alam ko po na napakalaki ng kasalanan ko sainyong pamilya, at hayaan nyo po sana akong ituwid ang lahat ng nagawa kong mali."

"Alfred!?"

Umiiyak na tumango ang panauhing di inaasahan ni Wendell, kasabay ng bigla nitong pagluhod sa kanilang harapan at pagyakap nito sa dalawa niyang binti.

"Tito patawarin nyo po ako, my fears and jelousy betrayed me, hindi ko po gustong ipahamak si Thirdy."

"Get up Alfred, magalit man ako ay hindi iyon makakatulong, and I hope this time sana hindi ka na maglaho na tila bula, Gatchillan is already in jail but his connection is still standing at patuloy na naninira ng maraming buhay."

"Tito, can we talk in private?"

Nang tumango si Wendell at tumalikod ay mabilis na sumunod si Alfred kasabay ng bahagyang paglingon sa likuran, kitang-kita nniya ang nakangising mukha ni Morgan ng lumampas ang kotse nito sa gate ng mga Fontana.

"Have a sit Alfred."

"Tito, I cannot stay long."may takot sa tono na bigkas ni Alfred habang matuwid na nakatingin kay Wendell."every second that I have been staying here, my safety and the whole life of my family is with my hands."

Naguguluhang tiningnan ni Wendell ang binatang kaharap."Alfred?"

"Tito."bigkas ni Alfred at mabilis na kinuha ang ballpen at papel na nasa ibabaw ng table."Kailangan kong makipagkita sainyo, hindi para kayo umasang tutulungan ko ng tapat, bawat bagay ngaun ay may katumbas na halaga."bigkas ni Alfred na taliwas sa kanyang sinusulat na lalong ikinataka ni Wendell.

"Pera ba ang dahilan kaya naparito Alfred o para tulungan ang kaibigan mong tinaraydor mo?"

"Pareho Tito, but this time Im more on money."

"How much do you want para sa kalayaan ni Thirdy, sa kalinisan ng kanyang pangalan!?"

"20 million pesos partial payment Tito hanggang sa susunod na transaction."

"Anong kabaliwan ito Alfred!

"Tetistigo ako Tito kapalit ng 20million pesos, na paunang bayad mo!"

Nang matapos ang pag uusap nila Wendell at Alfred ay mabilis na umalis si Alfred dala ang pag asang matulungan siya ng pamilya Fontana. "Patawarin nyo po ako Panginoon,gabayan po ninyo ako lalo at higit ang pamilya ko at ang pamilyang nagdurusa ng dahil sa kasakiman ng mga taong hindi nararapat mabuhay sa mundo.

"Good job bata!"nakangising sabi ni Morgan kasabay ng malakas na pagtapik sa balikat niya.''pero wina-warningan kita isang pagkakamali mo lang may isang buhay na mawawala."

"Sa loob ng anim na taon na nakaraan, hindi pa ba sapat na nakikinig at sumusunod ako sainyo!"

"Kulang pa, kailangan ko ng pera, at iyon ay ang pera ng mga Fontana!"

How Right It Is To Love You (COMPLETED)  Where stories live. Discover now