Chapter Twenty-six

1.1K 43 0
                                    

"Ah, excited na ako." para pang sayang saya si Margarette sa kaganapan ngayon.

"Get her, Ace." agad namang naglakad si Ace papunta sa'kin. Binuhat ako nito at nagpunta sa gitna. May upuan na rin doon at doon niya ako ibinaba saka siya bumalik sa kaninang kinatatayuan niya.

"Sinong gusto mong mauna, Rein?" nakangisi niyang tanong sa'kin. Pero hindi ako sumagot.

"So ako na lang ang pipili. Hm..." agad nitong inilipat ang tingin sa isang lalaki. No, please. Don't.

"Magnus... make her suffer." mula sa kamay nitong nasa likod ay hinarap nito yon kasama ang latigo.

"Magnus..." pagtawag ko dito pero parang wala lang sa kaniya na naglalakad siya papunta sa harap ko.

Tumigil siya at para lang akong walang kwentang bagay na tinignan niya.

"Okay." biglang nawala ang lahat ng mga nakatali sa'kin. "Now start, Magnus." walang awa lang akong pinaghahampas ng latigo ni Magnus. At wala akong magawa kung hindi ang manahimik sa nangyayari. Hinding hindi ako magmamakaawa sa'yo, Margarette.

Pawang hindi lang iyon ordinaryong latigo gaya ng sa mga nakatali sa akin kanina. Naghahatid din iyon ng kakaibang sakit sa katawan ko.

"Oh, I forgot. May kahalo nga palang lason yan. Lason na magbibigay ng iritasyon sa katawan mo. Sakit na unti unti mong mararamdaman." napatulala ako kay Magnus na patuloy lang sa pagpapahirap sa akin nang sabihin niya 'yon.

Maya maya pa ay mukhang nararamdaman ko na ang sinasabi niya. Gusto ko nang sumigaw sa biglang hindi ko mawaring sakit na nararamdaman ko.

Mahigpit akong napakapit sa upuan.

I want to fly into a rage.

"Ah!" sigaw ko nang hindi ko na kayanin pa. Rinig ko ang malakas na nakakairitang tawa ni Margarette. Napaluhod na ako at tumigil na rin si Magnus sa utos ng punyetang babae.

"Ahh!" gusto ko talagang magwala. Parang mainit na may malamig na nakakairitang sakit ang dumadaloy sa labas ng katawan ko. Fuck!

Itinapat ko ang kamay kay Margarette at agad iyon nagbuga ng napakalaking apoy.

Gusto kong ibunton sa kaniya ang sakit!

Pero napigilan niya iyon nang hindi ko alam at nakita kung paano.

"Maghirap ka, Rein! Nagsisimula pa lang ako. Haha!" maya maya pa ay si Clarence ang sunod niyang inutusan.

"Siguraduhin mong lulunukin niya yan." agad na nakalapit sa akin si Clarence.

Hinawakan niya ang baba ko at mahigpit kong hinawakan ang braso niya. Napangiwi siya dahil doon.

Binuka niya ang bibig ko at may inilagay sa loob. Nalunok ko iyon ng hindi ko ginusto. Dumiretso lang basta, bwisit.

Parang bigla na lang akong nakaramdam na nasusuka.

Nailagay ko ang mga palad sa sahig at napayuko na lang dahil parang gusto ko talang dumuwal.

Parang umiikot rin ang paningin ko. Kung mamamatay lang din ako, mas maganda kung kasabay ko si Margarette.

Kahit hinang hina ay mabilis akong nakarating sa harap ng babae na ikinagulat niya. Dahil patawa tawa siya at naiwang nakanganga ay tinutok ko ang dalawang daliri doon at nagpasok ng kidlat na didiretso lang naman sa loob looban nito. Magdusa ka rin.

"Not yet done."itinapal ko rin ang palad sa nakanganga niyang bunganga.

Kita ko ang nagbabago kong palad na nakaharang doon. Pilit siyang nagkukumawala panigurado sa init.

Saktong naramdaman ko na pumasok ang init sa katawan niya nang bigla na lang akong lumipad patagilid.

"Kane..." siya ang tumulak sa'kin.

Napahawak ako sa noo oo nang maramdaman ang likidong tumutulo doon. Tumama ako sa pader.

Hindi ko na iniinda pa ang sakit na nararamdaman.

I need to finish this but how?

Asar namang tumingin sa akin si Margarette at ako naman ang ngumisi.

"May lakas ka pa talaga. Bakit hindi mo yan iready sa pakikipag laban mo sa pinakamamahal mong si Kane?" the hell. Bumalik ang ngisi nito nang makita ang hatid ng sinabi niya sa'kin.

May kinuha si Kane at biglang ibinato sa'kin na nasalo ko naman pero dahil patalim ang papunta sa akin ay iyon ang nahawakan ko. Nagdurugo ang palad ko na ikinangisi rin ni Kane.

"Please, Kane..." pagmamakaawa ko dito, umaasang makikila ako nito.

"Isantabi mo para mamaya ang pagmamakaawa mo." malamig nitong ani.

Nagsimula na itong sumugod at wala akong magawa kundi ang sanggain lamang ito.

“Fight back!” mukhang naubos ang pasensya nito at malakas akong sinipa sa sikmura.

Napahiga ako at pilit akong tumayo. Tinignan ko naman si Margarette na tuwang tuwa sa nasasaksihan.

“Hindi mo ba ako matapatan kaya sila ang ginagamit mo?” nawala ang ngisi nito pero agad rin niyang ibinalik.

“Kahit gaano ko kagustong tapusin ka gamit ang sarili kong kamay, hindi ba at mas maganda na kung sino ang nangakong mananatili sa tabi mo hanggang sa nabubuhay ka ay siya ang kikitil sa walang kwenta mong buhay?” ngising aso niyang sambit sa akin.

Gusto ko pa sana siyang sagutin nang mapatigil ako at napatingin sa lalaking nasa harapan ko. Sunod sa espadang nakabaon sa tagiliran ko.

“Narito ang kalaban mo, kung saan saan ka pa nakatingin.” napakagat ako sa labi ko para mapigilan ang paghiyaw nang agad niya itong bunutin at umatras papalayo.

Tahimik ko naman mg sinisimulan ang planong nabuo ko sa utak ko.

Pinalipad ko ang espada ni Kane sa malayo.

“Bakit hindi tayo maglaban ng walang armas?” tanong ko dito habang pasimpleng kinukuhanan ng hangin ang walang kwentang babaeng sinusunod nila.

Mula sa peripheral view ko ay nakahawak ito sa lalamunan niya at hindi makapagsalita. Dahil sa lahat sila ay tutok sa akin ay hindi nila magawang bigyan ng pansin ang babaeng nag aagaw buhay na.

Balak ko na sana siyang tuluyan nang bigla akong nakaramdam ng kirot sa kamay ko. Naging dahilan para muling makahinga si Margarette. Hingal na hingal ito habang hawak hawak ang kaniyang dibdib at patuloy na lumalanghap ng hangin.

Sayang naman.

Pero napatingin ako sa kamay ko at doon nakita ang palaso na halos tumagos na sa kamay ko. Nag angat ako ng tingin at doon nakita si Leandro. He's holding a bow while looking at me intently.

“How dare you?!” lahat kami ay napatingin kay Margarette na gigil na gigil na nakatingin sa akin. Dinuduro niya ako habang ang mga mata niya ay nanlilisik sa akin.

“Tss.” binalingan ko naman ang palaso sa kamay ko. Geez. Mas lalo akong nahihilo dahil madami na ring dugo ang nawawala sa akin. Hindi ko na nga matapalan ang sugat ko sa tagiliran idadagdag pa ito.

Halos magdugo na ang pang ibabang labi ko nang biglaan kong hugutin ang palaso.

Nang umikot muli ang paningin ko ay nakakuha ako ng suporta sa pader. Lintik na.

Magtatago na sana ako sa hangin nang biglang nay humawak sa braso ko at nagulat ako nang mapagtanto kung sino ito. Mula sa seryosong tingin nito at mga mahahabang kuko na ngayon ay nakabaon na sa nagdurugo kong braso.

“Not so fast, Princess.” binalibag ako nito sa kasalungat na pader. Malayo ito pero ang lakas pa rin ng pagkakatama ko.

“Cedric...” paano ka nila nakuha?

The Witch (COMPLETED)Where stories live. Discover now