Chapter Twenty-four

1K 41 2
                                    

Tahimik lang akong nagpapalipat lipat ng tingin sa dalawang nagkakainitan na.

Now, Leandro. Let's see what you've got.

Pareha silang sumugod sa isa‘t isa pero sa sandaling magkalapit na sila ay nawala na lang si Cedric ng bigla dahilan para ang ere lang ang masipa ni Leandro.

“Who are you kicking, huh?” napalingon ako sa kaninang pwesto ni Leandro. Doon ay nakapamulsang nakatayo si Cedric habang nakangisi.

This will be enjoying. Nakita ko sa bandang likuran ko ang medyo may kalakihang tipak ng bato, sapat na para maaari kong mauupuan.

Kanina ay may napansin ako kay Leandro at dahil gutom ako ay kinuha ko iyon.

Mula sa seryosong pagtitig ni Leandro kay Cedric ay biglang kumunot ang noo nito at kinapa ang loob ng jacket niya.

Ginalaw ko ang junk food na hawak ko na gumawa ng ingay kaya lumingon sila sa‘kin.

“I’m hungry.” tangi ko lang nasabi.

Leandro sighed at napakamot na lang sa ulo.

Bumalik ang tensyon nang tumikhim si Cedric.

“Catch me, dude.” pang aasar pa nito.

Kero maniefero.” seryoso akong napatingin sa inilabas na puting mist ni Leandro mula sa kaniyang kamay. He then incanted again.

“Cedric falle!” nang bigkasin niya iyon ay dagling gumalay ang white mist at nagpunta kay Cedric.

“Tsk. Again.” palatak ni Cedric. Curious ako kung anong meron kaya tumutok talaga ako.

Walang tigil ang white mist sa paghabol kay Cedric na walang ginawa kundi ang tumalon, tumumbling, umisplit—

I mean tumalon at minsan ay umiikot pa sa ere para iwasan yon.

“D‘you think that will work again?” nakangising tanong ni Cedric habang nasa ere at papaikot. Bakas naman sa mukha ni Leandro ang pagtatakha at pagkainip.

Tumatakbo papunta si Cedric sa puno at napansin ko ang pagbabago sa kaniya. Mas tumikas lalo ang pangangatawan niya, humaba ang mga kuko at habang nakatalikod siya ay napansin ko ang maugat nitong braso.  At sa sandaling tumalon ito sa puno at pabalik na humarap dito para salubungin ang mist ay mukha na talaga siyang bampira.

Parang mabangis na lobo itong hinarap ang mist at gigil na idinantay dito ang kamay na may mahahabang kuko. Napapikit ako saglit nang maglikha iyon ng tunog nang sa sandaling magdikit. Para bang may kidlat na hindi ko malaman.

Nagulat ako nang magmulat ako ng mga mata. At parang ganun din si Leandro dahil nakatulala din ito kay Cedric.

Kay Cedric na hingal na hingal habang ang kaliwang tuhod ay nakaluhod at ang kanang braso ay nakatungkod sa kanang tuhod niya.

“C-Cedric?” pag agaw ko sa atensyon nito.

Hindi ko nasundan yung pangyayari! Sa tingin ko parang style bomba ang mist na yun.

“What? Galing ba? Don't worry you're still the strongest.” napairap ako sa sinabi niya.

“No. Ahm... pwedeng paulit? Hindi ko kasi nakita kung anong nangyari.” ako ngayon ang napakamot sa ulo nang pareha silang tumingin sa‘kin na hindi makapaniwala. Si Cedric na nakatulala sa‘kin habang si Leandro na kumukurap at nakangangang tumingin sa‘kin.

“You’re unbelievable.” napataas ang kilay ko nang sabay nilang bigkasin yon.

“May saltik talaga. Baka mukha ko na ang susunod na dumugo, umayos ka naman kahit minsan, Rein.” sinimangutan ko lang si Cedric.

Napansin ko na nagdudugo nga ang kaliwa niyang kamay, yun yung kamay na sumalubong sa white mist kanina.

“My, my. May lakas ka pa. Now start running. Better watch your back and... don't let me to touch you.” nang sabihin yon ni Leandro ay mabilis itong tumakbo. Pero dahil nga sa bampira ang isa at mukha nang lobo ay talaga namang napakabilis niya.

Pero nang may banggitin si Leandro ay parang bumigat ang hakbang ni Cedric. Now, I see indeed a wizard.

“Esla ranu!” bumabagal na talaga ang pagtakbo ni Cedric.

“Come on, Ced! You still have a lot of story to tell me!” sigaw ko rito at sinimot ang laman ng isang pack ng junk food.

Nasa mga puno puno sila at naghihintay lang ako dito nang nakarinig ako ng mahinang pagsabog.

“Run for you life, Cedric!” nang mahuli ko kung nasaan sila ay nakita ko si Cedric na nakaupong nakasandal sa puno. Hawak hawak ang tagiliran at kita ko ang nagdurugo nitong ulo. Mukhang pagod na talaga siya. Gaano kaya kalakas ang mga wizard?

Si Leandro naman ay dahan dahang naglalakad papalapit sa kaniya.

Cedric is also important to me. I can't let another person closed to me die.

Sa isang iglap ay nakatayo na ako sa harap nilang dalawa at saktong may paparating na isang malaking itim na mist sa kinaroroonan namin. I managed to dissolve that using air na ikinagulat niya.

“How pathetic that mist is. Hangin lang pala ang katapat.” nagsalubong ang kilay ni Leandro. Nainis ata talaga sa pang aasar ko.

“Go, Rein. They shouldn't catch you!” kahit nahihirapan ay sigaw pa rin ni Cedric.

“Saan nga pala si Ace?”  tanong ko at bigla kong naramdam ang pagka alarma ni Leandro. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nag uusap kami ni Cedric.

“Wizard’s lair—”

“Uh-uh.” pag pigil sa‘min ni Leandro. “Sad to say... he's now suffering in hell.” saad niya na ikinapitlag namin.

“How—?” tanong ko. What the hell? Ace is dead? E masamang damo yon! Makunat pa!

“Hell—” parang nag iba ang boses ni Cedric at nakompirma ko yon nang pati si Leandro ay napatigil at nakatingin lang kay Cedric.

“Bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong tuluyan na maubos ang lahi niyo.” geez. Ang init ng ulo nito ah.

“Kalma lang naman, Cedric. Ako na bahala dito.” pero nagulat ako nang sumigaw ito. At mas nagulat ako sa isigaw nito.

“Si Ace na lang ang natitirang kadugo ko gaya mo, Rein! Siya na lang din ang natitira sa‘kin. Pinsan ko yon!” ow.

“Trust Ace, Cedric. Matigas ang isang yon.” but deep inside ay kinakabahan ako dahil wala akong alam sa pangyayari. Matagal akong nawala at pwedeng sa panahong yon, doon na nga nawala si Ace.

“Matagal nang nasa kanila si Ace, Rein.” madiin ngunit may bakas ng kilabot sa boses nito. Magaya nga.

“Then we have no choice but to send Leandro in hell.” mas lalong lumawak ang pagkaka ngisi ko nang napahakbang paatras si Leandro. Mas malakas nga pala ang epekto sa akin. Tumawa naman ako.

“Chill. Haha! Masyado kayong mainit.” natutuwa talaga ako. I'm still stronger then them anyways.

“We’re going to Wizard's Lair, Cedric. But before that, bumalik na muna tayo dahil malaking tulong din si Kane.” matapos kong isaad iyon ay humalakhak si Leandro.

“Rein...” at mas lalong may nagtulak sa akin nang marinig ko ang sinabi niya.

“All of them are under control of their Princess.”

“Sino siya?” at lalong napakuyom ang kamao ko nang maalala ang pangalang binanggit ni Leandro.

“Remember my cousin back then? Yes, she is. Princess Margarette.”

“So that explained your presence here.”

“Yes. I must go back to our lair’s with you... and also the lifeless body...of him.”


———

Hi, sunshines! Thank you for reading this and I just want to tell you that the end is near so enjoy!

The Witch (COMPLETED)Where stories live. Discover now