Chapter Twelve

1.6K 59 5
                                    

Enjoy reading, sunshines.

——————

Kane’s pov

Tang ina. Makakapatay ako. Makakapatay ako. Paanong hinalikan niya ang teritoryo ko? Hindi niya ba alam na halos mawalan ako ng hininga noon para lang maging malapit sa kaniya? Halos bawian na ako ng buhay noon ni Rein dahil sa kagustuhan kong mapalapit sa kaniya tapos siya mahahalikan niya ng ganun ganun lang? Hindi patas. Hindi. Makakapatay ako.

Nakita ko ang makapal na bakas sa kamay ng teritoryo ko. Kaya alam ko na kung paanong ganon niya kadaling gawan ng hindi kaaya ayang gawain ang akin.

Hindi ko papalagpasin ‘yon. Hahalik siya sa kamao ko. Tang ina niya.

“Kane...” nakita ko naman ang maamong mukha ng babaeng ‘to. Nasa kwarto kami. Nasa kama pa kaya kapag ako hindi nakapag pigil, haharassin ko na ‘to. Pigilan niyo ‘ko.

Naiintindihan ko naman na hindi siya nakapalag doon sa gagong ‘yon. Gusto ko lang magpalambing. Minsan lang ‘to. Susulitin ko na.

“You can kick him.” kunwaring malamig pa ang boses ko. Napanguso naman ito. Tang ina. Inaakit ako, hindi patas ‘to.

Mas humigpit pa ang yakap niya sa bewang ko. Binuksan ko na ang tv dito sa kwarto namin para dagdag sa drama.

“He didn't give me a chance to stand.” halata ang lungkot sa boses niya.

Gago ka, Kane. Sa huli naman supalpal ka pa rin sa kaniya.

“Why didn't you give him a punch the moment he release you? You can destroy his house, too.” muli ay napanguso ito. Todo pigil naman ako na halikan ang nakakaadik na labi ng babaeng kasama ko. Pakamatay ka na, Kane.

“His house is quite cool, that's why...” ito ang isang bagay na hindi ko alam kung magugustuhan ko sa kaniya o hindi.

Alam mo ‘yung nasa pagitan ka na ng kamatayan at buhay at ang pag asa na lang ay sirain na lang ang buong lugar? Pero dahil sa nakitaan niya lang ng interes ang lugar, mag iisip at mag iisip siya ng bagay na kahit alam naming makakaligtas kami, kasama na ring walang hiyang lugar pero ikapapahamak niya.

Ilang beses ko na ‘yang nasaksihan. Last time ay nadakip din kami. Dinala kami sa isang bookstore. Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Dahil mas pinili niyang protektahan ang mga libro kaysa sa amin. Saka siya lumaban.

Naalala ko pa ang sinabi niya noon.

‘Maganda ang lugar pero mas maganda pa rin ako. Ang pinagkaiba lang, ako hindi mo malalaman kung hanggang kailan mo na lang makikita hindi tulad ng lugar na tulad nito. Mananatili pa rin, baguhin man, hindi pa rin maaalis rito ang kagandahan.’

Damn that girl with her beautiful words like her.

“So, sa akin anong balak mo?” tinaasan ko pa ang kilay ko.

Kinurot ko pa pasimple ang braso ko para hindi matawa sa ekspresyon niya.

Tang ina, nababakla na ako. Kasalanan ng babaeng ito. Kasalanan niya.

“You can have my lips as long as you want.” nakanguso ito at huli na para sapakin ang sarili. Pinagdikit ko nang muli ang mga labi namin.

Gago ka, Kane. Bumigay ka nanaman sa mapanlinlang na babae na ‘yan?

Patuloy pa rin ako sa paghahalikan sa kaniya. Pinalalim ko pa ito.

Hinding hindi ako magsasawa dito. Ginayuma ata ako ng mapangahas na babae.

“I love you.” sa tuwing sinasabi ko ‘yon ay natutuwa ako lalo dahil sa pamumula niya.

He called me once 'honey'. Just once but I felt a hundred volts of electricity in my whole system. Damn this woman!

The Witch (COMPLETED)Where stories live. Discover now