Chapter Twenty-three

1K 41 3
                                    

It's already 10 in the evening and like last night, I'm here at the top of this house, breathing some fresh air.

Honestly, hindi ko na alam ang gagawin ko. May sumusunod sa‘kin and I'm sure of it. Hindi ko lang alam kung sino at bakit.

Agad kong iwinaksi ang mga nasa isipan ko nang makarinig ng sigaw.

Tahimik kong pinakiramdaman ang paligid at nanigas ako nang malaman kung anong nangyayari. Nasa loob. Nasa loob ng bahay ang sumisigaw. Mabilis akong nakarating sa loob at sa sandaling nasa hagdan ako ay nanigas ako sa kinatatayuan nang makita kung sino ang mga nasa baba.

Nakaluhod si Gino at Cross habang ang dalawang bata ay nasa kamay nang mga nanloob sa bahay.

“R-Rein! Don't come near here. They're looking for you, baka may gawin silang hindi maganda sa‘yo!” sigaw ni Gino.

“I told you already! Sinusundo lang namin siya! I am her boyfriend so don't act like one!” muli kong narinig ang boses na yan.

“K-Kane...” mabilis akong tumakbo pababa at agad siyang dinamba.

“I missed you.” he kissed my forehead.

“Now, isn't that easy? Kung kanina niyo pa siya ibinigay?” marahas na binitawan ni Magnus ang dalawang bata sa sofa na lalong nagpaiyak sa kanila.

“Magnus!” nagulat ako sa ginawa niya. Malapit siya sa mga bata at hindi niya gustong nakikitang may sinasaktang bata.

“S-sorry.” I sighed.

Si tanda at Clarence naman ay nasa tabi lang at tahimik na pinapanood kami.

“How did you know that I'm here?”

“We’ll discuss it later.” nag aya na silang umalis kaya nagpaalam na ko sa dalawa.

“I hope we'll see each other soon.”

“I hope so.” ngumiti na lang sila at dinaluhan ko naman ang dalawang bata na hindi pa rin tumitigil sa pag iyak.

“Stop crying, kiddos. I want a hug.” napatawa ako nang suminghot pa sila bago ako dinambahan. muntik pa akong matumba.

“Where are you going, ate?” nagawang magtanong ni Jared habang iyak lang ng iyak si Rein.

“I have some business to do. Don't worry, magkikita pa tayo, okay?” hinalikan ko na sila sa mga ulo nila at pinakuha ko na rin sila kina Cross at Gino.

“Let’s go.” kami ni Kane ang huling palabas ng pinto pero agad akong napatigil nang may naramdaman ako.

I looked upstairs. Where Leandro is watching us... grinning.

———

Tahimik na nag uusap si Clarence at Kane sa harap at tahimik lang sa harap ko si tanda at Magnus. Ako ngayon ang nahuhuli.

“You didn't tell me how did you managed to find me?” pag tatanong ko sa dalawang nasa harap ko.

“Ask Kane later. Baka nakakalimutan mong halos magkarugtong na rin kayo?” nanibago ako sa pagsasalita ni tanda tho sumang ayon na lang ako.

We're walking on the road, midnight. Mapuno sa paligid at may napansin ako.

I enhanced my sight and there, I saw Cedric.

Napahinto ako nang bigla itong nasa harapan ko.

“Wag mong ipagsa walang bahala ang napapansin mo, Rein. Never doubt your feelings. And stop trusting everyone.”

———

It's been a day nang mahanap nila ako. Bumalik kami sa bahay namin dati.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sinabi kahapon ni Cedric. At ngayon may napansin ako.

“Saan nga pala si Ace?” napatigil kumain si Kane.

“Nandito naman ako. Bakit mo pa siya hinahanap?” nagulat ako sa sinabi niya.

“Nagtataka lang.” tangi kong sagot at kumain na lang.

Narinig ko namang tumikhim si tanda.

“Ano ba, Kane. Wag ka ng magalit kay Rein. Magpasalamat ka na lang at walang nangyari sa kaniya.” seryosong sambit niya. Okay?

“Paano ba naman kasi, makikita ko na lang siyang nasa bahay ng mga lalaking yon tapos ngayon si Ace naman ang hinahanap niya. She has no mercy.” jealous?

“Come on, Kane. She's all yours.” natawa naman silang lahat sa sinabi ni Magnus maliban sa aming dalawa.

“Si Ace ay syempre nasa lungga niya at kasama niya si Cedric. Lagi naman silang magkasama.” sumang ayon na lang ako sa sinabi ni Clarence kahit pa na lalong dinagdagan ng sinabi niya ang hinala ko.

I just saw Cedric yesterday.

Lumipas ang isa pang araw na hindi ko na kinaya pa ang nangyayari sa paligid ko.

I know there's something wrong here.

Habang narito kami sa sala at nanonood ay tahimik akong gumagawa ng plano.

At midnight, where all of them are in a deep sleep, doon ako pupunta sa lugar ng mga vampires.

I acted normally hanggang sa dumating ang oras na yon.

I kissed Kane's lips bago umalis.

Mabilis akong tumatakbo nang mapagpasyahan kong sa puno na lang ako magtatatalon. That way, hindi ako makakagawa ng ingay.

Nakikita ko na ang maliit na imahe ng tarangkahan ng lugar nila nang maramdaman ko iyon.

I stopped jumping. Lumingon ako sa paligid para lang makita ang kadiliman ng lugar.

Tsk.

Nakarating naman ako sa tapat ng tarangkahan at gaya noon ay tinalon ko lang ang tuktok.

Kumabog ang dibdib ko nang makatapak ako sa loob.

It's silent but it's not usual. Bawat hakbang papasok ay palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ko.

May mga tao pero bakit parang walang kabuhay buhay ata ito ngayon?

Nakarating ako sa bandang likod para lang makita ang giba gibang nag iisang malaking gusali dito.

What the fuck?

Anong nangyari dito?

“At least you listened to me. Akala ko ay babalewalain mo lang ako.” napalingon sa malaking puno na nasa gilid. Mula doon ay may nakita akong lalaki na nakatingin sa akin.

Cedric.

“What happened here?” bumaba ito at naglalakad papunta sa akin habang nakatingin sa sira sirang gusali.

Dyan ko mismo pinatay ang ama ko.

“Tumakas ka sa inyo?” he asked ignoring my question.

“Just answer me, damn it!” ngumisi naman siya.

“Hindi na nagbago. Mainipin pa rin.” nandidilim na ang paningin ko. Ramdam ko ang pagbago ng mata ko that's when he raised his both hands.

“I’ll tell—” hindi na niya natuloy pa ang sasabihin nang mah sumingit.

“Sabi na nga ba at dapat pati ikaw ay sinama ko na rin.” napalingon ako sa kabilang gilid. Leandro is standing few meters away.

Dahan dahan rin siyang naglakad papunta sa amin.

“Hmm? As if you can. Hindi mo nga ako mahuli non.” nakangising sambit ni Cedric.

Napahinto si Leandro at naging seryoso ang mukha.

“Ano nanaman to?” pikon kong tanong. May mangyayari nanaman ba?

The Witch (COMPLETED)Where stories live. Discover now