Part 18

2.5K 77 0
                                    


NANG MULING tumunog ang telepono, akala ni Shayne ay si Sam na naman ang tumatawag. It was her mother. Tinanggap niya ang tawag habang naglalakad patungo sa batis. "Mom, hi."

"Shayne, how are you, anak?"

"Mabuti, Mom. I'm enjoying my stay here. You won't believe it, Mom. Si Breeze may anak na. Dalawa. At kamukhang-kamukha niya," pagkukuwento niya. Narating niya ang batis. Hinubad niya ang suot na tsenelas at naupo sa isang malaking bato. Inilublob niya ang mga paa sa batis. Masarap sa pakiramdam ang marahang pagragasa ng tubig sa kanyang paa. Parang namamasahe iyon.

"Breeze who? Ah, your pony?"

"Opo. At kinukumusta kayo ng mga tao dito, Mom. Hindi nila kayo nalilimutan. Of course, ipinarating ko rin sa kanila ang pangungumusta ninyo." Masayang nagkuwento pa ng nagkuwento si Shayne. Ikinuwento niya ang mga nangyari; ang mainit at masayang pagtanggap sa kanya ng mga tao, ang mga nagbago at hindi nagbago tungkol sa probinsiya, at ang mga activities na ginagawa nila.

"Gosh, parang nais ko na rin tuloy magbakasyon diyan. I'm so glad you're enjoying your stay there. How's Samuel?"

Malawak na napangiti si Shayne. "He's fine, Mom. And, oh, very gorgeous."

"I know. Madalas na kaming nag-uusap sa Skype ng mommy niya. At ipinakita niya sa akin ang picture ni Samuel. Siyempre ibinida rin kita." Masayang pagkukuwento nito. Nakikinikinita niya ang excitement sa mga mata nito. "Oh, I'm sure he finds you very gorgeous, too. At hindi ako magugulat kung magustuhan ka niya," anito, may panunudyo ang tinig. "O, kung magkagustuhan kayo."

Mahina siyang natawa. Bumalik sa isipan niya ang unang beses na magtama ang mga mata nila sa airport. That was so magical. Siguro ay iyon na iyong tinatawag nila na 'love at first sight'. Bagaman hindi niya maikokonsidera na iyon ang una nilang pagkikita ni Sam dahil naging magkababata naman sila. "It kinda happened, Mom."

"What? Are you serious?!" hindi maitago ang saya at excitement sa tinig ng mommy niya. "You and Sam? Oh, my God. You two look perfect together, my love," anito. Kung nasa harapan lang niya ang ina ay siguradong hawak nito ang palad niya o kaya niyayakap siya sa kagalakan. Lagi na ay nakasuporta ito sa kanya.

"Yeah. It happened like a whirlwind. Pero Mom..." Humugot siya ng buntong-hininga. "Hindi niya alam ang..." Shayne smiled bitterly. Tinitigan niya ang marahang pagsalpok ng tubig sa batuhan.

Saglit na nanahimik ang kanyang ina. "Sabihin mo sa kanya, Shayne."

Umiling siya kahit hindi nakikita ng ina. "No," mahina niyang tugon. Bakas ang lungkot. "Hindi ko alam kung papaano siya magre-react. A future blind wife? Oh. Hindi nga ako sigurado kung ganoon siya kaseryoso sa akin. I mean, yeah for now he's serious. He takes good care of me. He's very attentive, and loving, and..." Shayne sighed again. Hindi na siya mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan niya. "Pero hindi ako sigurado kung iniisip niya ang bukas na kasama ako. It was too early to tell."

"Oh, Shayne..." usal nito, tila hindi alam kung ano ang sasabihin.

"I got this, Mom. I got this..."

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin