Part 15

2.7K 70 0
                                    

NANG KAPUSIN sa hininga ay isinubsob ni Shayne ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ng binata. Si Samuel ay naghahabol din ng hininga na ipinulupot sa katawan niya ang mga braso nito at niyakap siya ng mahigpit.

Shayne closed her eyes. Damn, damn! Paano ba niya mapaglalabanan ang damdamin niya kung naghuhumiyaw iyon? Lalo pa at alam niyang may katugon ang damdaming iyon. Parang magnet pala ang dalawang pusong iisa ang itinitibok dahil napakalas ng puwersa para magdikit ang mga iyon. "Sam...?" usal niya.

"I don't understand, Shane," naguguluhang sabi nito. "Mag-usap tayo."

Inipon ni Shayne ang lahat ng lakas ng loob na meron siya. She looks at him, smiled seductively at him. "Don't say anything." Don't tell me the obvious— that you love me. "Let's just enjoy each other while I'm here."

Dumilim ang mukha ni Samuel. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Of course. Alam naman kasi niya na hindi ganoon ang gusto nito. Ang gusto nito ay seryosohan, pang matagalan. Gusto nito ng commitment. "Ano ang ibig mong sabihin, Shayne?" delikado nitong tanong, tiim ang labi.

"Sam, alam mo kung ano ang ibig kong sabihin," balik niya. Umalis na siya sa pagkakaupo sa kandungan nito at naupo sa katre.

"You're not that type of person!" mariing sabi nito, kunot ang noo.

Bahaw siyang tumawa. "Hindi mo na ako kilala, Sam. Maraming nagbago."

"Gusto ko ng security, Shayne. Gusto ko ng commitment," sabi nito. Tumayo mula sa pagkakaupo sa bangko at naupo rin sa tabi niya sa katre. "Ironic isn't it? Me asking for that kind of things," anito sa kalmado ng boses. "I'm serious about you, Shayne. Binigyan mo ako ng mga bagong pakiramdam. All new yet it all feels right."

"Sam," nahihirapang usal niya. "Alam mong hindi ako mananatili dito." Sam lightly caresses her face. Pagkatapos ay wala siyang nagawa ng ipaloob siya nito sa mga bisig nito. "Oh, Sam," mahinang bulalas niya.

"We can find ways, Shayne. We can work it out," usal nito habang yakap siya.

Naipikit na lang ni Shayne ang mga mata niya. Kinagat ang dila para pigilan ang pag-alpas ng emosyon. No, hindi malalaman ni Sam ang kondisyon niya. She will proceed with her plans. She will still travel around the globe. Magkakaroon lang ng kaunting detour pero tuloy ang biyahe niya. Walang makakapigil niyon. Kahit ang pagmamahal niya kay Sam.

"OH. I THINK na riyan na ang isa pang sorpresa," masiglang sabi ni Sam. Tumayo ito at hawak ang palad niya na pinatayo rin siya.

"Sorpresa? Ano iyon?" excited na tanong niya. Pagkatapos ay nakarinig siya ng halinghing ng kabayo. "Oh, my God!" tuwang bulalas niya. "A horse!" Siya na ang humila kay Sam palabas ng tree house. Nakita niya ang dalawang kabayo sa ibaba. Binitiwan niya ang palad ni Sam at nagmadali siyang bumaba.

"Hey, wait— Careful!" natatawang bilin ni Sam sa pagmamadali niya.

Oh, dear, she loves horses. Bata pa lang ay kinahiligan na niya ang mga kabayo. She was so fond of them. Maaga siyang natutong sumakay sa kabayo at tuwing hapon ay nangangabayo siya sa kanilang lupain.

Nang makababa ay nilapitan niya ang dalawang kabayo. Si Sam ay narinig niyang nagpasalamat sa tauhan na naghatid ng mga kabayo.

"Mukha silang familiar, Sam," aniya habang itinataas ang palad para haplusin ang ulo ng isa. "Hello, dear." Sa galak niya ay mas ikiniling pa ng kabayo ang ulo nito sa palad niya. Para bang nagugustuhan ang ginagawa niya rito. Nilingon niya si Sam. Ito ang humahaplos sa ulo ng isa pang kabayo.

"Dahil mga anak sila ng pony mo noon," tugon ni Sam.

"Oh, my God," she cried. Pumalatak siya sa galak. "Oo nga! Kamukha nga sila ni Breeze" Ang kabayo niya ang tinutukoy niya. Reaglo iyon sa kanya ng mommy niya. Iyon ang ginagamit niya sa tuwing mamamasyal siya. Si Breeze na madalas niyang kausapin at gawing kalaro. "You took care of her. Thank you."

"Well, not really me. Si mommy ang nagbilin talaga sa mga tauhan na alagaan ang pony mo at i-maintain ang lugar na ito. Unfortunately, namatay sa ikalawang panganganak si Breeze."

Naghatid sa kanya ng lungkot ang kaalamang wala na si Breeze. Pero natutuwa din naman siyang malaman na may mga anak pala ito. "Just the same, thank you."

"Ah, now," tusong sabi ni Sam. "You can thank me by kissing my lips. Tinandaan ko ang sinabi mo na maging specific ako sa susunod."

Malakas na natawa si Shayne. "How about later?" balik niya. Dahil sanay naman siyang sumakay sa kabayo ay walang kahirap-hirap na nakasampa siya roon. Thank God stretchable jeans ang pang-ibaba niya. "Noong nag-a-aral pa lang akong sumakay ng kabayo at nahuhulog, sabi ni daddy ay huwag daw akong matatakot na sumubok uling sumakay. Kapag nahulog daw ako at nasaktan, puwede daw akong bumangon agad at sumubok uling sumakay. O, kaya naman, damdamin ko daw muna ang sakit at tsaka na lang uli sumakay kapag handa na uli ako. Basta daw, huwag akong susuko at tandaan ang naging pagkakamali ko kung bakit ako nahulog at matuto umano sa mga pagkakamaling iyon." Isa rin marahil ang kabayo sa mga naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng positibong pananaw sa buhay. Kaya pagkatapos niyang umiyak ay nalinawan din ang isipan niya. Hindi naman siya tuluyang nalugmok. She was trying to be as positive as she can.

"Your dad was full of wisdom."

"He was." And I'm missing him so much. Alam kong marami siyang ipapayo sa akin tungkol sa sitwasyon ko ngayon...

Sumampa rin si Sam sa isang kabayo. "Come. Ikutin natin ang lupain. Maraming nagbago dito sa mga nakalipas na taon. Tamang-tama, pakalat na ang dilim pero maliwanag naman ang buwan."

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Where stories live. Discover now