Part 2

5.2K 123 1
                                    

"HINDI KO alam kung bakit ako nakakadama ng nerbiyos," natatawang sabi ni Shayne sa voice recorder na hawak. Sakay siya ng eroplano, ang kanyang upuan ay nasa tabi ng bintana kaya nakikita niya ang maaliwalas na kalangitan at ang kumpol ng mapuputing ulap. "It's been sixteen years mula ng umalis kami ng Pilipinas. It's been sixteen years mula ng huli kong makita ang spoiled brat na si Samuel." Hindi nawawala ang ngiti sa labi ng dalaga. The memory of that boy came crashing to her mind. Ang masayahing si Samuel at ang mga harmless franks nito. "Ang huli kong balita sa kanya ay nasa London siya at doon nag-aaral. Ah. Pupusta ako, he was so gorgeous now. Lalo pa't noon pa man ay maganda na ang ngiti ni Sam. It was the kind of smile na dumederetso sa mga magaganda rin niyang mga mata. At hindi rin ako magugulat kung ang tingin niya sa sarili niya ay regalo siya ng Diyos sa mga kababaihan," natatawa pang sabi niya. "Si Sam, sa kabila ng pagiging brat, he's so kind. Right. Puwedeng maging brat ang isang bata at puwede rin siyang maging mabait at the same time. Sam is the living example. Hindi siya bugnutin noon, hindi arogante... Kaya nga kahit mapagbiro ay malapit pa rin siya sa mga anak ng mga tauhan nila. I hope that part of him is still in him. Pero siguradong marami ring nagbago sa kanya. I'm so excited to see him. See you in a bit, Ador." She grinned. Ador, yeah, Ador.

"THESE are all short term goals," mainit ang ulo na sita ni Sam sa mga empleyado, partikular sa mga department heads ng Del Pablo Unlimited—ang kumpanyang minana niya mula sa mga magulang mula ng magretiro ang mga ito. "Hindi ko kailangan ng mga programang panandalian lamang ang epekto. Hindi tayo naglalaro lamang dito. You are all better than this and I expect a lot more from you!" medyo mataas ang tinig na wika niya. Ang mga department heads ay nananahimik, walang nagtangkang kontrahin siya. Mabuti. Dahil talagang mainit ang ulo niya. At this state, he could fire someone without batting an eyelash. Ah, kilala siya ng mga tauhan niya. Pagdating sa trabaho ay alam ng mga ito na istrikto talaga siya. He wants excellence at hindi siya titigil hangga't iyon nakakamit. They knew he could be formidable and intimidating.

Napansin niya si Ben, ang secretary niya. Patingin-tingin ito sa kanya na mukhang may gustong sabihin pero dahil halatang mainit ang ulo niya ay hindi ito makakuha ng tiyempo. "Yes?" he asked him.

Lumapit ito kahit halatang nai-intimidate at mahinang nagsalita. "Boss, kailangan na nating pumunta sa airport ngayon kung ayaw nating ma-late sa pagsundo kay Miss Shayne."

Napatingin si Sam sa suot na wristwatch. Alas singko na. Crap. Oo nga pala. Susunduin nga pala niya si Shayne sa airport. Alas sais ang dating ng eroplanong sasakyan nito. Naipaalala na iyon sa kanya ni Ben kaninang umaga pero nawala na sa isipan niya.

Binalingan ni Sam ang mga empleyado. "I want a better proposal next week. Am I clear?"

"Yes, Sir," iisang tinig na tugon ng mga ito. Nagmadali na siyang tapusin ang meeting. Pagkatapos ay sinenyasan niya si Ben at nagmadali na siyang lumabas ng conference room.

Ilang minuto pa ay nasa parking lot na sina Sam at Ben. "Ako na ang magmamaneho," aniya habang tinutungo ang gawi ng driver's side. Humingi ng leave ang personal driver niya kaya si Ben din ang nagmamaneho patungo sa mga appointments niya. Of course, he gets an extra pay for that. Binuksan niya ang pinto. "Or better yet, umuwi ka na. Hapon na rin naman. Ako na ang bahala."

"Okay, Sir. Ah, Sir, nariyan na sa backseat iyong placard na ginawa ko."

"Placard?" kunot-noong tanong niya. "For what?"

"Cartolina po na sinulatan ko ng pangalan ni Miss Shayne. Sabi n'yo kasi ay hindi n'yo na alam kung ano na ang hitsura ngayon ni Miss Shayne. So, I took the initiative of doing the placard."

"Ah," hindi niya alam kung maaamuse o ano. Right. Nang sabihin niya kay Ben na ilagay sa appointments niya ang tungkol sa pagsundo sa kanyang kinakapatid ay nabanggit nga niya rito na hindi na niya alam kung ano ang hitsura nito dahil napakatagal na ng huli niya itong makita. It's been what, fifteen or sixteen years? "Yeah, thanks. I might need that."

BINILISAN pa ni Sam ang pagmamaneho. He was driving at 120 kilometer per hour pero nababagalan pa siya. That was because he was really a monster behind the steering wheel. Gusto niya ay iyong tila lagi siyang nasa race track at nakikipagkarera.

Napangiti si Sam sa huling naisip. Isa rin sa dahilan kung bakit nabuo ang Bratpack ay dahil sa pareho-pareho nilang hilig ang car racing. They all studied abroad. Lahat ng miyembro ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan, mayayaman at elitista kumbaga. They're all an heir to their respective family fortune. Pero hindi lamang iyon ang rason kung bakit sila naging magkakaibigan, kung bakit nabuo ang Bratpack. Nabuo sila dahil sa kakaibang koneksiyon na naramdaman sa isa't-isa. Theirs was the kind of friendship that could stand the test of time and trials. Hindi lamang sila magkakaibigan, halos magkakapatid na rin. Alam nila na kayang-kaya nilang sandalan ang isa't-isa.

Quarter to six ay maayos na naiparada na ni Sam ang sasakyan sa parking lot ng paliparan. Ipinamulsa niya ang susi ng sasakyan at cell phone bago umibis ng sasakyan. "Oh," aniya nang maalala ang placard. Muli niyang binuksan ang sasakyan at kinuha iyon pagkatapos ay agad na siyang nagtungo sa arrival area.

Bahagyang napailing sa sarili sa Samuel. Why, he was excited to see her. Parang bumabalik iyong pakiramdam niya noong kabataan niya, iyong pakiramdam kapag gagawan niya ng frank si Shayne. Ano na kaya ang hitsura nito ngayon? He could bet his life, he was sure she turned into a very beautiful woman. Kahit noon pa naman ay cute na ito kahit may katabaan. Ah, noon ay pikon na pikon sa kanya si Shayne kapag pinipisil niya ang namumurok na mga pisngi nito.

Nang may magsilabasan sa arrival area ay ibinuka na ni Sam ang kanyang placard. Where are you, Shayne? Where are you?

And then he saw someone. Dito agad natuon ang atensiyon ni Sam. Para bang hinigop nito ang kanyang buong atensiyon. She was so gorgeous and radiating and just... just outshining the rest. Matangkad ito. Aalon-alon ang lampas balikat na buhok. Katangi-tangi ang tindig ng babae. Parang modelo, statuesque. Parang beauty queen na may kakaibang elegance na taglay. She wears an above the knee dress. Pinatungan iyon ng kasinghaba rin na cardigan. Flat shoes ang suot sa mga paa. May nakasukbit na back pack sa likod nito at may bitbit na isang ladies bag sa palad.

Palinga-linga ito at— nag-ugnay ang mga mata nila. And unknowingly, Sam held his breath. Para bang may pumitlag sa kalooban niya. Parang mas nagising ang mga dugo niya. Hindi maintindihan ni Sam, ni mapangalanan ang mga nararamdaman niya sa sandaling iyon. Damn, her appeal was oozing and he was affected. Really affected. Parang gusto niyang haklitin ito sa baywang at siilin ng halik doon din mismo. He wanted to taste her lips. Gusto niyang malaman kung ano ang pakiramdam kapag nasa mga bisig niya ito. He wanted to feel the softness of her body against his hard length. He wanted to— Ah, stop it, Samuel, saway niya sa sarili. Dahil lumalalim ang kanyang imahinasyon.

Ito na ba si Shayne?

May kakaibang kislap ang mga mata nito. Iyong parang may bahid ng kapilyahan. And the smile on her lips was captivating. Tiningnan ng babae ang placard niyang dala. Sa pagkadismaya ni Sam ay inilipat nito sa iba ang paningin, tila may hinahanap pa rin. So, hindi siya si Shayne?

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Where stories live. Discover now