Part 14

2.7K 85 1
                                    



HAPON NA. Maya-maya lang ay kakalat na ang dilim pero hindi pa rin sumusunod si Shayne sa umpukan kaya nagpaalam na si Sam sa grupo ng nagkakatuwaang mga tauhan para sunduin ang dalaga. He was on her way to the tree house ng maalala niya ang isa pang sorpresa niya niya sa dalaga. Inilabas niya ang cell phone at tinawagan ang isang tauhan. Mabilis na nakipag-usap siya sa tauhan at nagbigay ng instruction.

Sam smiled at the thought of her. At the thought of the kiss. Hindi na talaga niya napigilan ang sarili at tuluyang pinakawalan ang kanyang damdamin. Oh, well, wala naman talaga siyang intensiyon na pigilan ang nadarama niya para kay Shayne. Humahanap lang siya ng tamang tiyempo.

Parang sira-ulo na mas lumawak pa ang ngiti ni Sam. He was so happy. Ang saya-saya niya at pakiramdam pa niya ay ang swerte-swerte niya. Just the thought of her was making him smile and relax. Ang ngiti ni Shayne, ang tingin, ang bawat mumunting kilos... Ah! Ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng saya at kakuntentuhan, kay Shayne lamang. Maraming babaeng dumaan sa buhay niya pero panandalian lamang. Karamihan sa mga ito ay nagpuno lamang ng pisikal na pangangailangan niya. Pero kay Shayne? Damn, he wants her so bad. Iyong pagkagusto na hindi lamang pang-kama, kundi pangmatagalan. Gusto niyang manatili si Shayne sa buhay niya, sa tabi niya.

"I love her," usal niya. Samuel was amazed at the words he just said and the realization that comes with it. "Yeah, I Love her!" palatak niya. Mga salitang sumusuma sa kanyang nararamdaman para sa dalaga. Mga salitang hindi niya sinabi patungkol sa sino mang babae na hindi miyembro ng kanyang pamilya.

Mas bumilis ang paglalakad ni Sam. Excited siyang makita ang dalaga at sabihin dito ang damdamin niya. Nang hindi makuntento sa paglalakad lamang ay tumakbo na siya. Punong-puno ng ngiti ang labi. Bakas ang pagmamahal sa guwapong mukha. So, this is how it feels to be in love...

Narating ni Sam ang tree house. Mabilis na umakyat siya roon, pumasok at— he saw her and he smiled. Nasa may bintana si Shayne. Mukhang tulog. Dahan-dahan siyang lumapit. Nakapatong ang ulo nito sa teddy bear. Pero napawi ang ngiti ni Sam nang makita niya ang bakas ng luha sa mukha nito. Of course she would cry reminiscing her childhood memories in this place. Pero bakit mukhang malungkot si Shayne kahit sa pagtulog nito? Napaupo si Sam sa isa pang bangko, napupuno ng pag-aalala ang puso. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita niyang parang may kinikimkim na problema ang dalaga. But then, when she was with him, she was cocky and alive and full of life.

Tumaas ang palad niya at marahang hinaplos ang pisngi nito. What is it, Shayne? What's your problem? Tell me. Please tell me and let me share it.


NAALIMPUNGATAN si Shayne sa masarap na pakiramdam ng masuyong haplos sa kanyang pisngi. She knew it was Sam, she just knew. "S-Sam..." paos ang tinig na usal niya. Tumaas ang palad niya at hinagilap ang palad nitong humahaplos sa kanyang pisngi at umamot doon mas maraming init. Hindi na niya namalayan na hinila na pala siya ng antok at nakatulog na siya. Dala marahil ng pagod sa biyahe.

"Hey..."

Nagmulat siya ng mga mata. Sumalubong sa mga paningin niya ang guwapong mukha nito. Nakangiti ito pero may bakas ng pag-aalala ang mga mata. Oh, my God. May luha pa siguro ako at nakita iyon ni Sam. Okay, Shayne, you had to guard yourself now. "Nakatulog pala ako."

"Mas magiging kumportable ka sa katre. Doon mo na ituloy ang tulog mo," masuyo nitong sabi.

She smiled slightly. "No." Sininghot niya ang palad nito. "Amoy lambanog," biro niya. Umayos siya ng upo, kinalong na muli ang teddy bear.

Tumawa si Sam. Itinukod nito ang isang siko sa pasimano ng bintana bago sinapo ang isang pisngi. Magkahawak pa rin ang isa mga kamay nila. "Nakainom ng konti pero hindi naman ako lasing. Kilala mo ang mga iyon, hindi ka pakakawalan hangga't hindi ka lasing. Unless you know the trick. Ang mandaya," tumatawang sabi nito. "Noong pumunta nga rin dito sina Nadjem and the rest of the Bratpack, suko sila kina Mang Ambo sa inuman. Puro mga bagsak sa kalasingan."

Natawa si Shayne. "Nai-imagine ko nga." She likes the feeling of Sam's hand playing with her hand. At ang pagtingin ni Sam sa kanya. Nagdudulot iyon kiliti sa kanyang puso. "Thank you for the flowers, and for the teddy, and for everything. Really appreciate it."

"Puwede mo akong pasalamatan sa pamamagitan ng halik," nakangising sabi nito.

"Okay." Iniangat ni Shayne ang magkasalikop nilang mga palad at dinala iyon sa tapat ng kanyang labi. Dinampian niya ng halik ang likod ng palad nito.

Umungol si Sam sa pagpoprotesta. "Tuso."

"Hindi ka naging specific," nakangising ganti niya.

Sam groaned. "Tatandaan ko 'yan. Sa susunod magiging specific na ako." Inalis ni Sam ang pagkakasapo ng isa nitong palad sa pisngi nito. Umayos ito ng upo bagaman hindi pa rin pinapakawalan ang palad niya. Sumeryoso ang mukha nito kaya naman dumagundong ang kaba sa dibdib ng dalaga. May ideya na siya kung ano ang sasabihin nito. And she honestly don't know what to do. Kanina ay nakatulog siya na hindi pa rin nakakabuo ng pinal na desisyon. Pakiramdam tuloy niya ay nasa bukana siya ng isang tulay pero hindi niya mapagdesisyunan kung tatawid sa tulay na iyon o tatalikod at mag-iiba ng deriksiyong tatahakin. "Shayne Marie I—"

Mabilis na iniharang niya ang hintuturo niya sa labi nito at pinigilan itong magsalita. Her eyes became weary. You need to decide now, Shayne! Utos ng isang bahagi ng isipan niya. Sinalubong ng dalaga ang paningin ni Sam. Nagsusumamo ang mga mata nito, nagpapahayag ng pagmamahal. And Shayne wanted to cry. Cry real hard.

Umiling siya. Falling in love isn't part of her plan. And falling in love that quick for that matter! Pero nangyari, binibiro siya ng tadhana, hinahamon...

Dumaan ang sakit at pagkabigo sa mga mata ni Sam dahil sa ginawa niyang pag-iling.

"Don't say anything, Sam," sabi niya. Inalis niya ang daliri niya sa labi nito pero pinalitan niya iyon ng kanyang labi. She kisses him. Kisses him like a woman loves a man. Mas naging agresibo pa siya at nilaliman ang halik. At si Sam ay agad tumugon. Hinapit siya nito. And she willingly sat on his lap. Pumaloob ang mga daliri niya sa buhok nito at humawak roon habang patuloy na sumisimsim sa labi nito. Samuel's hands on the other hand was on her waist. Mariing nakakapit doon at humahaplos.    

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora