Part 6

3.8K 159 11
                                    

"ILANG ARAW lang akong mananatili dito sa Maynila. Maybe three days. Pagkatapos noon ay uuwi ako sa probinsiya. Will stay there for a week. Tapos baka ikonsidera ko rin na puntahan ang mga sinabi mong lugar. Pero ang plano ko talaga ay manatili lang sa Pilipinas ng more or less two weeks," paliwanag ni Shayne. Muli na naman kasing inungkat ni Sam ang plano niya.

Nasa sasakyan siya nito. Kaninang kumakain sila ng agahan ay nabanggit niya sa binata na pupunta siyang mall para bumili ng magagamit na sim card habang narito siya sa Pilipinas. Nagpumilit si Sam na sasamahan siya nito.

"Baka naman ipinagiba mo na ang tree house ko?" tanong niya. Nang ipagbili ng mga magulang niya ang lupain nila sa pamilya ni Sam. Hindi siya pumayag na ipagbili rin ang kinaroroonan ng tree house niya. Sabi niya ay babalikan niya ang lugar na iyon. Kaya ang parting iyon ng lupain nila ay hindi napasama sa bentahan. Isang ektarya din iyon. Bukod kasi sa tree house ay sakop din niyon ang munting batis na madalas niyang pagtampisawan noon. Iyon actually ang binalikan talaga niya sa Pilipinas. Gusto niyang balikan ang lugar na naging malaki ang parte sa kabataan niya bago man lang siya — Stop it, Shayne...

"Of course not," tugon ni Sam. "Mahigpit ang bilin ni daddy at mommy sa mga tauhan na huwag gagalawin ang parting iyon ng lupain. Na sa mga Sullivan pa rin umano iyon. Though, siyempre, regular din ang paglilinis doon. At nang ibalita ni Mom na uuwi ka nga, ipina-renovate namin ang tree house. Mga bulok na kasi ang kahoy at materyales."

"Wow. Thanks a lot. Miss na miss ko na ang lugar na iyon. Halos doon ko ginugol ang kabataan ko."

"Pagkatapos balik Canada ka na?" anang binata, sinulyapan siya bago muli rin nitong ibinalik sa kalsada ang paningin.

Tipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya. Pagkuwa'y mahinang sumagot. "Pupunta ako at mamasyal sa New Zealand. Gusto kong makita ang greenery doon, ang mga baka..." she laughs. "Then France—gusto kong makakita ang pamosong Eiffel tower and its romantic people. Pagkatapos India, gusto kong makita ang Taj Mahal at magdasal sa mga museo nila. Then I wanna eat in Italy. Ride an elephant in Thailand..." Humugot siya ng malalim na hininga. "I basically plan to travel around the world. Be a jet-setter for two years or so."

"Why?" nagtatakang tanong ni Sam. "I mean, sa pagkakatanda ko taong-bahay ka lang. You're a home-body person. Ni mamasyal nga sa malls ay ayaw mo noon."

A nostalgic smile appeared on her lips. "Naaalala mo, ha." Tumatangong sabi niya. "Well, sabihin na lang natin na na-realize ko na marami na nga pala akong nami-miss sa buhay ko." Minsan kakatukin ka na lang ng tadhana at sasabihing, 'Hoy! There's world outside your shell.' Minsan ang pagkatok ay sa napakasakit na paraan pa. Shayne bit her tongue. Inaatake na naman siya ng lungkot. "Masyado akong naging kumportable sa loob ng shell ko, sa loob ng mundo ko. So I wanna go out and have fun. Travel the world. See its beauty. Witness its wonders. The world is the biggest playground after all. May mga bagay na kailangan mo ng gawin ngayon, habang may pagkakataon ka pa." Parang kinukurot ang puso ni Shayne. Tapos na siyang umiyak. Natuyo na ang luha niya pero bakit ngayon parang gusto niyang humagulhol uli? Like it was the day she discovered she was... she was... Palihim na humugot siya ng malalim na hininga. Keep it cool, Shayne, paalala niya sa sarili.

"Plano mong magbiyahe ng mag-isa?" Tumatango-tangong komento ni Sam. "Hindi ba mas masarap mamasyal kung may kasama ka? Kung may ka-holding hand ka at ka-share sa moment na iyon? Kayakap habang namamangha sa Eiffel Tower. Kasubuan habang kumakain sa Italy. Nasasandigan ng likod habang nakasakay sa elepante ng Thailand. Ipagdasal sa museo sa India na sana ay ang kasama mo na ang makatuluyan mo..." anito, nangingiti. He was smiling na para bang naiimagine nito ang mga eksenang binanggit. Kinindatan pa siya nito. "Romantic, isn't it."

Malakas na natawa siya. "Ang romantic nga niyan. Unfortunately, wala akong special someone ngayon. At mas practical magbiyahe ng mag-isa."

"So, wala kang boyfriend," agad na sabi ni Sam. Sakto na naka-red light ang traffic light kaya itinigil nito ang sasakyan at ibinaling sa kanya ang atensiyon. Parang ang lawak pa ng pagkakangiti nito. And his eyes were shining. "Wala rin akong girlfriend ngayon, Shayne."

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon