Part 9

2.8K 93 0
                                    


"WHERE are you?" usal ni Sam nang makarating siya sa Roxas Boulevard. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng paligid. "There," aniya nang mamataan ang isang babae na nakaupo sa bench. Malayo ito sa karamihan. He knew it was Shayne. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. Nang medyo makalapit ay naisipan niyang kuhanan ng litrato sa cell phone niya ang dalaga kasama ang araw na tila lumulubog sa dagat at nag-iiwan na lang ng kulay sa paligid. Nakuhanan niya ng litrato ang dalaga. Napangiti siya pero unti-unting napawi ang ngiti niya nang may mapansin siya. Looking at her, it seems that something is wrong. Parang napakalungkot ng aura nito. Problemado ang dating sa kanya nang mababang mga balikat nito. Parang ang bigat niyon.

Nakarinig siya ng kaliling ng nagtitinda ng ice cream. Pumihit siya at hinanap iyon. Nang makita ay bumili ng ice cream in cone. Pagkatapos ay nilapitan na niya ang dalaga. Naupo siya sa tabi nito. Sinulyapan siya ng dalaga. Iniabot naman niya ang ice cream.

Shayne took it with gusto. Nakangiti ito. "Ice cream ang madalas na pang peace offering mo sa akin noon."

"Yeah. Lagi kong ibinibilin sa nag-go-grocery na huwag kalilimutan ang ice cream," umaalalang tugon niya. Her eyes were shining. Para siyang umiyak... puna niya. Kahit nakangiti, may lungkot na sumusungaw sa mga mata niya. At nag-aalala si Sam. He wanted to ask her what's wrong. O kung may problema ito, o ano. Pero ayaw naman niyang pangunahan ang dalaga.

"Sabi ni mommy, hindi mo naman daw ako ibinu-bully. You're just fond of me daw. Gusto daw kasi ng kapatid noon," sabi ni Shayne, kinakain na nito ang ice cream.

"Noon. For the record, I don't want you now as a sister," wala sa sariling tugon niya. At huli na para bawiin pa. No, ayaw niya itong maging kapatid. Gusto niya ito sa romantikong paraan. He wanted her to be his woman.

"Ano?" tanong ni Shayne.

Shit! Kung sa ibang babae lang, hindi siya mag-aaksaya ng oras at sasabihin niya agad na gusto niya ito. Oh, hell. Madalas nga ay hindi naman niya kailangang magsalita. All he had to do is just look at the girl and initiate the kiss and boom, he'll have her in his bed. Ganoon kabilis. Pero nangyayari lamang iyon sa mga babaeng naglalaro rin lang. Iyong mga babaeng malinaw na naiintindihan na panandalian lamang ang mangyayari sa kanila. But Shayne...? Shayne is different. Shayne is not like those women. Espesyal si Shayne, natatangi. She was arousing so many peculiar feelings inside him. He wants her so bad and yet natotorpe siya. "Narinig mo ako. Ayokong maging kapatid ka. No. Never."

"Sus! Ayaw din naman kitang maging kapatid, ano," bulong nito, nakanguso.

"Mabuti," saad niya.

Bumaling sa kanya ang dalaga. "So... bukas ay uuwi na ako sa probinsiya. Natawagan mo na ba ang mga tauhan ninyo doon na uuwi ako doon at mananatili ng ilang araw?"

Tumango siya. "Yeah. Hinihintay ka na nila. Excited at hindi na nga makapaghintay na makita kang muli. Lalo na ang mga naging kalaro mo. They all remembered how kind and compassionate you were at them. Hindi lang ikaw kundi ang pamilya mo," aniya. "And, I'm going with you. Ihahatid kita. Actually, kaya ako pumasok ngayon sa opisina ay para magbilin kay Ben ng mga maiiwan ko."

"No way," agad na tanggi ng dalaga.

"Way," he said stubbornly. Pagkuwa'y napansin naya na kumukurap-kurap ang dalaga. Na para bang may inaalis itong puwing sa mga mata nito sa pamamagitan ng pagkurap. "Let me see your eyes," aniya bago sinapo ang mukha nito sa mga palad niya. Hindi na nakatanggi ang dalaga. "Baka may pilik." Sinuri niya ang mga mata nito, those beautiful eyes with a hint of sadness.

Dapat ay magpo-pokus lamang siya sa mga mata ni Shayne para hanapan iyon ng dumi. Pero hindi niya napigilan ang sarili. He stared at her beautiful face. Naaakit siya sa labi nito. Napakatindi ng puwersang nag-uudyok sa kanya para angkinin ang labing iyon, tikman at namnamin ang tamis. Oh, God, he so wanted to kiss her.

"O-okay na ako, Sam," anang dalaga. Nag-iwas ito ng mga mata.

"Yeah, of course."

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Where stories live. Discover now