Part 12

2.7K 74 2
                                    

KUMALAS si Shayne sa yakap ni Sam. Tumalikod siya rito, kagat ang pang-ibabang labi. "W-why don't you go back to them, Sam? Maiwan na muna ako dito." Damn! I couldn't even look at him.

"Shayne—"

Napapiksi siya ng hawakan nito ang siko niya. "Please," aniya. "Bumalik ka na sa kanila. Dito na muna ako. I... I wish to be alone, please. Susunod din ako doon." Hindi pa rin humaharap na wika niya.

"Are you upset about the kiss, Shayne?" Of course, he was Samuel del Pablo. Hindi ito titigil hangga't hindi nasasagot ang katanungan. "Don't expect me to say sorry. Dahil unang kita ko pa lang sa 'yo sa airport, gusto na kitang hagkan at ipaloob sa mga bisig ko," dagdag pa nito sa seryosong tinig.

Yes, I am upset. Pero hindi sa 'yo kundi sa sarili ko! I have nothing to blame but myself. Napalitang humarap ang dalaga. "Who's asking for a sorry?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. "I responded. I liked the kiss. You're a great kisser. I enjoyed it," prangka niyang sabi. Yours was the sweetest and most addicting lips I've ever tasted. In fact, hinahanap-hanap ko na agad ang halik mo, ang labi mo, ang paraan mo ng paghawak sa akin! "Gusto ko lang munang mapag-isa. Mag-reminisce ng mag-isa sa lugar na ito. Why are you so stubborn, Sam?" nakasimangot na litanya pa niya.

Sam smiled slightly. Hindi maipagkakaila ang fondness na nakasungaw sa mga mata nito. Umabante ito. Hinawakan ang parehong palad niya. "Okay," sabi ni Sam. "May may importante tayong dapat pag-usapan mamaya, Shayne. Sweetheart."

Pumitlag ang puso ni Shayne sa huling salitang binigkas ng binata. Sweetheart. Matamis at puno ng puso na binigkas nito ang salitang iyon. Parang sa isang salitang iyon ay nagpapahayag na ito ng pag-angkin sa kanya. Nagpapahayag na ng damdamin. Oh, damn, she knew it would come. Sa mga ikinikilos ni Sam ay alam niyang darating ang sandaling ito. Hindi iyon maiiwasan. Sam was possessive of her. Ang klase ng tingin nito, ang pag-aasikaso sa kanya... Kahit yata manhid ay malalaman na may pagtingin sa kanya si Sam.

"Shayne...?" Tawag-pansin nito sa kanya nang hindi siya tumugon. Iginalaw-galaw nito ang mga palad nila. "Sweetheart..." usal nito, may pagsusumamo ang mga mata.

Humugot ng malalim na buntong-hininga ang dalaga. "Oo na. Lakad na."



NANG MAKAALIS si Sam ay inakyat na ni Shayne ang tree house. Binuksan niya ang pinto. Ang maliit na mesa ang agad bumugad sa kanyang mga mata. Pumasok siya. Iginala niya ang paningin, Naroon pa rin ang estante ng mga libro at ang bangko sa may bintana. Pagtingin niya sa kanan, napangiti siya nang makita ang isang katamtamang laki ng teddy bear at isang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng katre.

Lumapit siya sa katre at naupo roon. Ang teddy bear ay kinalong niya bago dinampot ang bouquet ng bulaklak. It was beautiful. Mabango. May kalakip iyong card. Kinuha iyon ng dalaga at inusisa. Welcome Home, Tabby! —Ador Shayne chuckled. Pero agad ding napawi ang ngiti niya. She became emotional. Sayang at nasa bag niya ang kanyang voice recorder. Nasa sasakyan pa iyon ni Sam kasama ng maleta niya. Nakapag-record sana siya ng mga nakikita niya ngayon.

Tumayo ang dalaga. Bitbit ang teddy bear na naupo siya sa silya na nasa may bintana. Mula roon ay natatanaw niya ang batis at ang ibang parte ng lupain. God, it was so beautiful here. Nakakadama siya ng peace of mind at ng saya.

Itinaas niya ang mga paa niya at niyakap ang teddy bear. Hinayaan niyang maglakbay ang isipan niya ilang buwan na ang nakakaraan...

"Bye, Shayne. See you romorrow," paalam ng kaibigan at kaopisina ni Shayne. Pareho silang senior accountant sa isang malaking kumpanya sa Canada.

"Bye." She kissed her friend's cheek. Pagkatapos ay kanya-kanya na silang punta sa kanilang sasakyan. Shayne started the engine of her car. Bago tuluyang imaniobra palabas ng building ang sasakyan ay marahang kinusot muna niya ang kanyang kanang mata dahil tila naiirita iyon. Kinuha pa niya ang compact mirror niya at sinuri ang mga mata. Wala namang puwing. Ah! Mukhang kailangan na niyang isingit sa schedule niya ang pagpapa-check up ng kanyang mga mata.

Iminaniobra na ni Shayne ang sasakyan palabas ng basement ng building na pinagtatrabahuhan niya. Pero hindi pa siya nakakarating sa exit ay inapakan na niya ang preno at itinigil ang sasakyan. Papaano ay dumidilim ang tabi ng mga mata niya at tanging ang unahan lang ang maliwanag. Para bang nasa dulo siya ng tunnel at ang tanging liwanag na nakikita niya ay iyong nagmumula sa kabilang dulo ng tunnel.

Kinakabahan si Shayne. What was happening? Dumagundong ang kanyang dibdib. Her sight worsen. Natatakot na siya. Nagpa-panic. Pagkatapos ay biglang nablangko ang kanyang paningin. A total black out. It was like being in a dark room with a light on and someone just switched it off without warning. Napahiyaw si Shayne. May total solar eclipse ba ngayong oras? Kumurap-kurap siya. Walang nangyayari. Madilim pa rin ang paningin niya.

"Oh, God. Oh, God..." hintakot na bulalas niya. She can't see anything! Napakadilim. Patuloy siyang kumurap-kurap. And there, bumalik ang kanyang paningin. Natulala si Shayne. Halos mabingi siya sa pagkabog ng kanyang dibdib. "What was that?" bulalas niya, natutulala sa takot na lumukob sa kanyang katawan. Kung hindi pa sa busina ng sasakyan sa kanyang likuran ay hindi siya matatauhan. Nakaharang pa nga pala sa daan ang sasakyan niya.

Ramdam niya ang panlalamig ng buo niyang katawan. Nanginginig ang mga palad na muli niyang pinaandar ang sasakyan at umalis. She needs to go to the hospital now. Her situation was urgent. It was serious. At hindi na siya magugulat kung hindi na siya umabot ng hospital at maaksidente na siya sa daan. Paano ay talagang natatakot siya, natataranta, at nanginginig ang buo niyang katawan. 

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Where stories live. Discover now