Part 3

4.2K 112 2
                                    

DAMN, lihim na bulalas ni Shayne. So, this is the grown-up Samuel del Pablo. Hindi ako nagkamali. He's one gorgeous male. Kahit inaasahan na ni Shayne na lalaki talagang guwapo ang kinakapatid ay namangha pa rin siya sa hitsura nito ngayon. Napakaguwapo ng loko.

Shayne smiled naughtily. May naisip siyang kalokohan. Iniiwas niya ang tingin dito at kunwari ay may hinahanap pa siya. Pagkatapos ay lumabas na siyang arrival area. Nagpatulong siya sa guwardiya para makakuha ng taxi. Alam naman niya ang address nina Samuel, doon na siya dederetso. Pagti-trip-an niya ang binata. Makaganti man lang sa mga pranks nito noon.

Nang nasa taxi na at nasabi rito ang pupuntahan niya, inilabas ni Shayne ang voice recorder niya. Ini-on niya iyon at nagsalita: "After sixteen years, nakita ko uli si Sam," aniya, may umaalalang ngiti sa labi. Nakita niya nang mapasulyap sa rearview mirror ang driver at sulyapan siya. Nang makita nito sa recorder siya nagsasalita ay agad na rin namang ibinalik sa kalsada ang paningin at pinabayaan na siya. Shayne smiled. Sa isipan niya ay malinaw na gumitaw ang hitsura ng Samuel na may hawak na cartolina na kinasusulatan ng pangalan niya. "He was... as gorgeous as sin. Towering height... Oozing masculinity... Undeniable presence... May kaarogantihan at mapanuri ang mga mata ni Sam, bagaman may kislap iyon ng kapilyuhan. It was beautiful. His nose was proud. Ang mga panga ni Sam ay prominente ang tabas. Like those of an aristocrat. The hallows and planes of his beautiful face are just... perfect. Parang inukit ng isang dalubhasang iskulptor sa isang matigas at mamahaling uri ng kahoy. Siguradong masarap iyong haplusin at i-trace gamit ang daliri. And maybe using lips, too?" Shayne chuckled. "And speaking of lips. Oh, god, his lips. It was wickedly sexy. It was sinfully tempting..." Parang laging nangangako ng langit ang labi niya. Bahagyang napailing si Shayne. Bigla kasing pumasok sa isip niya na ano kaya ang pakiramdam ng mahagkan ng labing iyon? Ano kaya ang lasa ng halik si Samuel? Surely it was sweet and intoxicating.

"...Naaalala ko pa rin ang mga kalokohan ni Samuel. Iyong pananakot niya sa akin, panggugulat, pagtatago ng gamit ko... Naaalala ko pa rin kung papaano niyang panggigilan ang mga chubby cheeks ko dati. Ah, that bully. Hindi na ako magugulat kung pumipila ang mga babae sa harap niya. Iyong dating masayahin at palabirong Sam ay kakikitaan na ngayon ng kaseryosohan. He looks matured now. He looks formidable. He possessed a kind of power and authority na siguradong pinangingilagan ng karamihan. Lalo na iyong mga taong mahina ang self-confidence. Punong-puno ng awtoridad ang presensiya. Mabuti na nga lang at guwapo si Samuel kung hindi ay siguradong magiging mabalasik ang hitsura ng seryosong mukha nito." Bahagya siyang natawa. "Oh, well. Hindi na ako magugulat kapag nalaman kong may pangalan na rin siya sa business world."

NAUUBUSAN na ng pasensiya si Samuel. Where the hell is Shayne Marie? Iilan na ang tao sa arrival area at karamihan sa mga iyon ay mga lalaki. Ayaw na ayaw niya iyong sinasayang ang oras niya at pinaghihintay siya sa wala. Naaasar na inilabas ni Sam ang telepono mula sa bulsa. Tinawagan niya ang numero ng ina. Nagri-ring iyon pero walang sumasagot. Ibinaba niya ang telepono at nag-dial ng numero ng isang Bratpack.

"Sam, what's up," tugon ng nasa kabilang linya na si Drigs.

"Drigs, bro. I need a favor," walang pasakalye na wika ni Sam.

"Favor? Ano iyon?"

"See if a certain Shayne Marie Sullivan is in the Philippines now. Dapat ay sakay siya ng six o'clock flight ngayon pero tinutubuan na ako ng ugat dito sa arrival area ay wala pa rin siya." nabubugnot na wika niya. "I know you have the right connections para malaman ang gusto kong malaman. I need the answer now."

Drigs chuckled. Nakikinikinita niya ang pagkaintriga sa mukha nito. "You sounded so upset, bro. Sino ba itong Shayne Marie Sullivan? At nasa airport ka ngayon para sana sunduin siya? Who is she? Bakit kailangang ikaw pa mismo ang sumundo?"

"Drigs," aniya sa boses na nauubusan ng pasensiya. Wala siya sa mood para sagutin ang mga katanungan nito lalo pa at may bahid ng biro ang mga iyon. "I need the answer now. As in now."

"Okay, okay," natatawang pagsuko nito. "Give me a minute or two. I'll call you back."

"Okay, thanks." Ibinaba ni Sam ang cell phone at muling ipinamulsa iyon. Pagkaraan ng dalawang minuto ay naradamdaman niya ang pagba-vibrate ng cell phone niya. Mabilis na kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa sa pag-aakalang si Drigs na iyon. But the call was from the house. Hindi naman siya tinatawagan ng mayordoma kung hindi rin lang importante kaya tinanggap niya ang tawag. "Yes, Manang?"

"Samuel, may gustong kumausap sa 'yo," anang mayordoma.

"Sino ho?" aniyang doon pa rin nakatingin sa pintuan na nilalabasan ng mga bagong dating na pasahero.

"Ako," sabi ng tinig pambabae na nagpabuka sa labi ng binata. "Hi, Sam." It was husky yet so sweet. Parang napakalambing ng dating sa pandinig niya ng pagkakabigkas ng pangalan niya. Wala siyang kilalang babae na nagtataglay ng ganoong timbre ng boses. "Hoy, Samuel. Still there?" muling sabi ng tinig. Damn, did his heart skipped a beat because of that voice?

"Who's this?" tanong niya.

"Tabby," she said.

Nanlaki ang mga mata ni Sam. Tabby, short for Tabachingching. Iyon ang panukso niya noon sa kinakapatid. "Shayne?"

Nakarinig siya ng paghagikhik. And it's like music to his ears. "Ako nga," anito. "Shayne Marie Sullivan. Tabby to you."

"Wait, wait. You're calling from the house. Ibig sabihin nariyan ka na? Narito ako sa airport para sana sunduin ka. And I am still here. Anong oras ka dumating? I mean ang eroplanong sinakyan mo, anong oras dumating?"

"Six PM."

"Six PM?" gagad niya, hindi makapaniwala.

"And yes, nakita kita Sam. Nakita mo rin ako..."

"What?" asar na tugon ni Sam. Malalaki ang hakbang na umalis na siya roon para tunguhin ang sasakyan niya. "Are you playing games with me, Shayne?" tiim ang labi na tanong niya. Pakiramdam niya ay pinagmukha siya nitong tanga. She saw him. She fucking saw him waiting for her with a placard on his hand and she just ignored him? "It wasn't funny. Not at all." Nagngingitngit na bulalas niya. Halos magsalubong ang mga kilay niya. Bad trip na agad si Shayne sa kanya. Mainit na agad ang dugo niya rito. Parang gusto niyang umisip ng mga igaganti niya rito.

"Oh, come on, Sam," natatawang sabi nito. "Pikon ka na agad sa ginawa ko? Kunsabagay, mas pikon daw talaga iyong mga taong mahilig mamikon."

Damn, ang ganda talaga ng boses! Parang nawawala ang pagkaasar ni Sam dahil sa ganda at lambing ng boses nito. Iyon ang klase ng boses na gugustuhin mong marinig maya't-maya. Hindi nakakasawang pakinggan. Iyong klase ng boses na maglambing lang ay siguradong lalambot na ang puso mo at hindi ito matitikis. Wait. Sabi nito ay nakita siya nito at nakita rin umano niya ito? Biglang lumitaw sa isipan niya ang babaeng kumuha sa kanyang atensiyon. Ang magandang babaeng iyon na namumukod tangi sa lahat. Si Shayne nga ba iyon? Sana, sana. Sana siya nga iyon, piping panalangin ng isang bahagi ng isipan niya.

"So, gumanti ka?" he asked. Sa pagkakatong iyon ay kaswal na ang tinig niya. "Patas na tayo?"

"No, not yet, Sam. Marami ka pang utang sa akin," she said playfully.

He groaned. "Umuwi ka para maningil ng pautang?" narating niya ang kinapaparadahan ng sasakyan. He took his key out of his pocket. Ini-unlock niya ang sasakyan. Pagkatapos ay lumulan siya, isinuksok agad sa key hole ang susi at pinaandar ang makina ng sasakyan.

"Not really. Ah, Samuel, mamaya na lang tayo mag-usap pagdating mo. Bye."

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Where stories live. Discover now