Part 7

3.1K 105 0
                                    

SINUBUKAN ni Shayne na umakto na animo walang nangyaring 'moment' sa pagitan nila ni Sam. Mahirap lalo't tila walang balak si Sam na tulad niya ay balewalain na lang ang insidente. Why, he was giving her knowing glances!

"Nice office," komento niya sa opisina ni Sam. Elegante ang ayos niyon. Ang negosyo ng mga del Pablo ay nasa linya ng import at export. Kasama sa ini-export ang mga agricultural products ng hasyenda.

"Thanks," tugon ni Sam. Abala na ito sa pagpirma ng mga papeles at mukhang minamadali iyon.

Sumimsim siya ng ice tea na idinulot sa kanya ni Ben bago tumayo mula sa kinauupuan at nilapitan ang isang picture frame sa ibabaw ng isang steel cabinet sa may kanan ni Sam. Dinampot niya iyon at tiningnan. Litrato iyon ng walong lalaki. Mga nagguguwapuhang lalaki! Kasama si Sam sa litratong iyon. Ang mga lalaki ay nakasuot ng racing gear. Ang iba ay may kilik pang helmet. "Mga kaibigan mo?" hindi niya napigilang itanong.

Nag-angat ng ulo si Sam. Sinulyapan ang hawak niya. Sumilay ang kaaya-ayang ngiti sa labi nito. Tumango ito. "Oo. Met them in school. Ang iba ay nakilala sa mga social gatherings. Bratpack ang tawag namin sa grupo namin."

"Bratpack," tumatango-tangong usal niya. "Nice name. Parang pack of brats. Aha! Siguro nga sa pagiging brat ninyo kinuha ang pangalang iyon, ano? You're all brats?"

Sam chuckled. "Used to be brats."

"Hmm, okay. Kung ganoon, nangangarera ka. Nai-pursue mo ang passion mo sa mga sasakyan," komento niya. "Naalala ko noon na hilig mo talaga ang remote controlled car. At paulit-ulit mong kinukulit si Ninong para turuan ka ng magmaneho."

Hindi man siya nakatingin kay Sam, pakiramdam niya ay napangiti rin ito sa alaalang iyon. "Pero hindi ako tinuturuan ni Daddy dahil napakabata ko pa daw. Ten years old, at gusto ko ng magmaneho. Imagine that. Ikaw naman, gustong-gusto mong mangabayo."

"Pero lagi mo akong tinutukso na hindi ako kaya ng pony ko dahil Tabby ako!" tumatawang sikmat niya rito. Naupo siya sa gilid ng desk ni Sam. Nasa kaliwang panig naman nito nakatambak ang mga papeles na pinipirmahan nito. Pero ngayon, ano? Nganga ka sa beauty ko, gusto sana niyang idugtong ng pabiro pero pinigilan niya ang sarili. Mahirap na at baka seryosohin iyon ng binata at mailang na naman siya.

Tawa naman ng tawa si Sam. Itinigil pa nito ang pagpirma at relax na isinandal ang likod sa swivel chair. He looks at her with fondness. "Ako lang ba ang mapanukso? Tinatawag mo akong Ador. From the word tirador."

Shayne bursts into uncontrollable laughter. Halos manakit ang tiyan niya sa katatawa. Kung tinatawag siyang Tabby ni Sam, tirador naman ang pangganti niya rito, Ador. Paano ay patpatin ito noong bata pa. Parang mahipan lang ng hangin ay tutumba na, o kaya ay tatangayin na ng hangin. "Because you were so lanky back then." Payat na nga ay mahahaba pa ang mga biyas nito noon.

"I'm so handsome now," mayabang na saad nito, nakaliyad pa ang dibdib.

"Yabang!" Sinuri pa niya ang litrato. Sa tindig pa lang at hitsura ay masasabi na agad na miyembro ng alta sosyedad ang mga ito. Parang mga aristocrat ang mga ito. "They're all handsome. Walang itulak-kabigin. Bachelors pa ba sila? Given a chance, I'd like to meet them."

She heard Sam groaned. Pero bago pa ito makasagot ay bumukas ang pinto ng opisina. Dalawang nagguguwapuhang lalaki ang iniluwa ng pinto. "Wala sa desk niya si Ben kaya dume--" Natigilan ang mga ito nang makita siya. "Oh. Hi."

Siya naman ay napatayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng desk. Muli siyang napatingin sa hawak na litrato. Positive. Naroon ang dalawang lalaki. "Miyembro kayo ng Bratpack," she said grinning.

"Yes," anang isa. Ang isa ay tumango. "Sam, pare, where are your manners? Do the introduction."

"Wala talagang manners, 'yan," nang-aasar na sabi ni Shayne. Lumapit siya sa dalawa. "I'm Shayne Marie Sullivan," iniabot niya ang isang palad para makipagkamay. Inginuso niya si Sam na noon ay mukhang nakasimangot na. "Ninang ko ang mommy niyan."

"I'm Iago," anang isa bago inabot ang palad niya. "Iago San Andres."

"You're so handsome, Iago," aniya. Natutuwa siya na nagngingitngit si Sam.

Natawa si Iago. Parang namula pa nga ang pisngi nito sa papuri niya. "Wow, thank you. Coming from a beautiful lady like you, I'm so flattered."

"And I am Clarion Vargas. And yeah, I'm handsome, too. And I'm single, Shayne," anito, kinindatan siya. Iyong kindat na animo sinasakyan nito ang trip niya na inisin si Samuel.

"Ano'ng ginagawa ninyong dalawa dito?" tanong ni Sam.

"Anong klaseng tanong 'yan, Sam?" sabi ni Iago. "Didn't we like to drop by at each other's office kung nasa vicinity rin lang?"

"Yeah," segunda ni Clarion. "Yayayain ka sana naming lumabas."

"Cool!" agad na sabi ni Shayne. "Kasama rin ba ang iba pang Bratpack member? Pasama ako, ha. Pasabit sa lakad ninyo."

"Hindi puwede," sabi ni Sam.

"Puwede," sabay na wika nina Iago at Clarion.

Nginisihan niya si Sam. "Paano ba 'yan? Majority wins." Muli niyang binalingan ang dalawang nagguguwapuhang binata. "Actually, bago kayo dumating hinihiling ko nga dito kay Sam na ipakilala ako sa inyo. Nakita ko kasi 'yong picture n'yo," itinuro niya ang sinasabing picture. "I suggest na idemanda n'yo ang photographer. Your photos didn't do you justice. Why, you two are much much larger than life. Except Sam, of course."

Napabunghalit ng tawa sina Clarion at Iago. Para bang silang tatlo ay nagkaroon na ng silent communication na inisin si Samuel.

"At ano ang sabi ni Sam?" tanong ni Iago. "Pumayag ba siyang makilala mo kami?"

"Eksaktong dumating na kayo kaya hindi na siya nakasagot," aniya.

"But I bet, hindi 'yan papayag na makilala mo kami," ani Clarion, nakangisi ito. Nagtinginan pa ang dalawa.

"And why?" she asked.

Ipinasa ni Iago ang tanong kay Sam. "Bakit nga ba, Sam?"

"Oh, please!" sabi ni Sam, maasim ang mukha. "Bakit hindi ko naman ipapakilala sa inyo si Shayne?"

Isang makahulugang ngisi lang ang isinagot nina Clarion at Iago. 

Bratpack 2: Samuel del Pablo (Completed)Where stories live. Discover now