"Mahal na prinsesa!"pagtawag ng isang boses ng babae.

Agad na napatingin sila sa bagong dating na bisita.

"Valerie.."sambit niya sa pangalan nito.

Yumukod ito sa kanya na kinailing niya. "Kamusta kayo,mahal na prinsesa?!"magiliw nitong turan sa kanya.

"Siyangapala,nabanggit sakin ni ama na natagpuan niyo na ang mate niyo!"pang-uusisa nito.

Nakangiti na tinanguan niya ito.

"Masaya ako para sa inyo,mahal na prinsesa!"saad nito.

"Salamat,Valerie.."aniya na may matamis na ngiti sa mga labi niya.

"Hindi kayo magkikita ngayon?"pagtatanong nito.

Nagkibit siya ng balikat at umiling."Magkasama sila ngayon ni Zei," tugon niya.

Tumawa ang anak ng dating panginoon. "Inunahan na naman ako ni ama na makita ang itinakda sa inyo,lagi na lang!"sabi nito na kinatawa niya.

" You will meet him anytime,Valerie.."sabi niya rito.

Ngumisi ang dalaga. "Ngayon na?"anito na sinabayan ng pagtaas-baba ng mga kilay nito.

"O--kay.."

Agad na napangisi si Prinsesa Rosede ng madatnan ang dating panginoon at ang lalaking itinakda sa kanya na abala sa harapan ng chess board.

Seryosong-seryoso ang binata habang parelax-relax naman si Zei.

"Naloko na.." usal ni Valerie sa tabi niya.

Natawa siya sa sinabi ng dalaga. Alam niya kung ano ibig sabihin nito.

"Are you sure na ngayon ka lang naglaro nito?" masama ang tingin ng binata na sita sa dating panginoon.

"O baka naman niloloko mo lang ako para matalo ako sa deal na yun,"dugtong nito. Nang-aakusa nitong turan sa nakangisi lang na si Zei.

" Ngayon lang talaga.."nakangising turan ni Zei.

Naningkit ang mga mata ni Vincent. Puno pa rin ng pagdududa.

"Ano ba ang deal niyo?"pag-agaw niya sa atensyon ng mga ito.

Sabay na napatingin sa kanila ang dalawa.

" Doktora!"si Zei.

"Zei.."pagtango niya rito.

"Anong deal ?"pag-ulit ni Valerie sa tanong niya kanina.

Ngumisi ang dating panginoon.

" Kapag natalo siya,araw-araw na siya lalabas ng silid niya tuwing umaga para magpabilad ng araw,"sagot ni Zei.

Sumimangot si Vincent.

"At ako ang nanalo kaya asahan natin na tutupad siya sa deal namin?"mayabang na dugtong ng dating panginoon.

Humalukipkip ang binata at tila masama ang loob na natalo ito.

"Your assistant is so weird..I'm sure he trick me," nang-aakusa nitong baling sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat.

Patahimikin mo siya! Hindi ba niya alam kung sino ang pinararatangan niya ng ganyan!

"Ngayon lang naglaro si ama ng ganyan,Mr.Cestal," si Valerie.

Napatingin dito si Vincent at nangunot ang nuo sa sinabi ng huli.

"Ama? Who?" naguguluhan nitong tanong.

"I'm Valerie..anak niya ko," pakilala nito.

Napaawang ang mga labi ng binata at unti-unti napabaling ng tingin kay Zei na nakangisi rito.

Hindi na niya napigilan na mapangisi na rin sa nakikitang reaksyon ng binata.

Uh-oh! Who's going to crazy now?!

Isang mahinang pagtawa ang kumawala sa mga labi ng binata.

"Nice..hindi halata," anito kay Zei.

"How about the deal now?" pukaw niya rito.

Marahas itong napabuga ng hangin. "Do I have a choice?"sikmat nito sa kanya.

"Good boy," aniya na sinundan niya ng pagkindat dito.

Bahagya ito natigilan sa ginawa niya at agad din umiwas ng tingin sa kanya.

Is he blushing?

Lihim na tinanguan at pinasalamatan niya ang dating pamginoon.

Makukuha din niya ang tiwala at loob ng lalaking itinakda sa kanya.

Nagpapasalamat siya na nasa tabi lamang niya si Zei at si Valerie.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin