Niyakap ko sya sa may batok nya at sya naman sa may ibaba ng likod ko. Halos hindi na nga makadaan ang hangin sa sobrang higpit ng pagkakayakap nya sa akin.

Isang kanta lang ang sinayaw namin at bumalik na kami agad sa upuan namin. Ganun pa rin nya, bantay sarado pa rin sya ng makaupo kami. Nahiwalay lang ako sa kanya ng mag CR ako. Pagbalik ko sa mesa, hinapit na naman ako.

Hindi ko alam kung saan nya hinuhugot ang pagiging possessive nya. Dahil ba sa nagpakita ng interes sa akin si Hanz?

Alas kwatro na ng magkayayaan na umuwi na. Actually pasara na ang club ng magdesisyon na umuwi na. Pero bago kami umuwi, nagkape muna kami sa isang bukas na coffee shop. Umorder na rin kami ng makakain para maalis ng konti ang kalasingan.

Puro lang kami kwentuhan at tawanan. Actually, naokupa namin ang buong coffee shop at bawat pumasok na costumer ay oorder lang at aalis na agad. Wala na kasi silang mauupuan.

Halos alas sais na rin ng makauwi kami. Naligo lang kami ng Jacob at umidlip ng isang oras. Pinatawag din kasi kami agad dahil nagsisidatingan na ang mga ibang kamag anak nila.

Si Jasmine, naka shades pa at halatang antoj na antok pa. Pero wala ring magawa dahil magsisimula na ang almusal at any moment, magsisimula na ang program nila.

At ibang pinsan nila, ganun din ang mga hitsura, parang mga zombies.

Naging masaya naman ang buong hapon. Ang dami kasing nag intermission number. Ibat ibang generation ang mga nagpakitang gilas at meron din na bawat pamilya. Ang dami ding palaro kaya kahit papano naalis ng konti ang antok ko dahil puro tawanan din ang nangyari.

Napasali pa nga kami ni Jacob sa laro ng magpa paper dance ang tito nya. Hindi man kami nanalo, naging masaya naman.

Niloloko ko pa sya na kailangan nyang mag weights dahil hindi na nya ko ma buhat buhat. Sadyang mabigat lang daw ako kaya ganun. Trust him to annoy me more than i can annoy him.

Ng bandang hapon na, puro nalang sila nagvi-videoke kaya nagpasya kaming mga lumabas kagabi na matulog muna bago maghapunan.

After ng dinner, nag bonfire naman kami. Mostly kami lang mga kabataan ang nanduon. May mga umiinom ng alak, nagto-toast ng marahmallows, yung iba na dala dala ang mga kasintahan ay naghaharutan lang. Parang kami ni Jacob. Katulad kagabi sa club, nakadikit na naman sya sa akin. Nasa may likod ko sya habang nakaupo kami sa may kahoy na upuan. Nakayakap pa rin sya sa akin at paminsan minsan inaamoy ang buhok ko at hinahalikan ako sa ulo.

I can get use to this, you know? Yung sweet na Jacob.

Ilang saglit lang, nakita ko si Hanz na may dala dala gitara at umupo sa kabila ng bonfire diretso sa amin ni Jacob. Ng makaupo na sya, tumingin sya ng diretso sa akin at nagsimula ng mag strum.

Naramdaman ko si Jacob na lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa baba at itinaas ang ulo ko papunta sa kanya. Nabigla nalang ako ng bigla nya kong siilin ng halik. Nag respond naman agad ako dahil nakakadala ang atmosphere kasabay ba ang tugtog ni Hanz na love song ang kinakanta.

"I love you, Fatima Mae." Hinalikan ko sya ulit at nginitian sya at humarap na ulit sa bonfire.

Ng mapatingin ako kay Hanz, nakita ko lang syang nakangiti at umiiling iling at kinidatan pa ko. Napatingala tuloy ako kay Jacob at buti na lamang hindi nya napansin ang ginawa ng pinsan.

Umiiling nalang ako na nakatingin kay Hanz. Maya maya lang, nagsimula ng sumabay ang iba sa kinakanta ni Hanz. Inenjoy ko nalang ang moment na to kasi pagbalik namin ng Manila, simula na naman ng pag aaral. Magiging busy na kami lalo na si Jacob dahil last semester na nya.

Some Like It HotWhere stories live. Discover now