Chapter 20: Epilogue

7.2K 221 54
                                    


      Pagngawa ng tatlong taong gulang niyang anak na si Noah ang nagpabilis sa pagbaba ni Jia sa hagdan. Humahangos niyang tinungo ang lanai kung saan naglalaro ang anak niya kasama si Manang Belen.

      Pagdating niya sa lanai, lalong lumakas ang pagngawa ng anak niya. Nagpapadyak pa ito habang lumuluhang nakatunghay sa ng gilid pool.

      "Manang Belen, ano pong nangyari?" naguguluhan niyang tanong sa matanda na noon ay kasalukuyang kinukumbinsi si Noah na umalis sa gilid ng pool.

      "Ay naku! Itong anak mo, pinagswimming ang laruan niyang asong robot at 'yong isa pang robot na kabibili niyo lang sa Japan noong isang buwan. Ang sabi ay aahon daw ng kusa gaya ng mga napapanood niya sa TV." Nagkamot ng ulo ang matanda, hinayon ng tingin ang pool. "Ku-u! Ay wala na o! Dedbol na lahat." Muli nitong sinubukang buhatin si Noah palayo sa swimming pool kaso ayaw talaga ng anak niyang lalong lumakas ang pag-iyak. "No more, Noah. No more."

      Nasapo niya ang noo. Nagtagumpay na rin pala ang anak niya sa masamang balakin nito sa mga shalang laruan nito. Umiiling siyang humakbang palapit sa dalawa. Nang makita siya ni Noah, agad itong yumakap sa kanya.

      "Mama, my toys can't swim," lumuluhang sumbong nito bago ibinuro ang mukha nito sa dibdib niya, panay na rin ang hikbi.

      "Of course, they are not fish. So, no swimming," nagmamagaling na sagot niya. Pasimple niyang sinilip sa pool ang mga laruang naging biktima ng kuryosidad ng anak niya. Juskolerd! Dedbol na nga ang mamahaling mga laruan.

      Napangiwi siya sa sobrang panghihinayang. Paano, nakakalula ang presyo ng mga 'yon! Libong dolyar! Spoiled ang anak niya sa Tiyang Bebang at Zio Anton niya, pati na rin kay Tyrone. Na minsan, tinututulan niya kaso pinipilit rin niyang intindihan dahil galawang shala ang mga 'yon. Kaso, pagkatapos ng insidenteng ito, mangangaral na siyang talaga ng doktrina sa pagtitipid at pangangalaga sa mga ari-arian.

      "I told you not to do, but you do. Now, you look at," malumanay na sabi niya maya-maya nang sandaling tumahan si Noah sa pag-iyak.

      Kinusot ni Noah ang mata nito bago tumingala sa kanya, nakalabi. "S-sorry, Mama. Noah is good boy now. I will listen to you now."

      Masuyo niyang hinalikan ang noo ng anak niya. "It's ok, baby. Mama not very angry, a little only." Muling inihilig ng bata ang ulo nito sa dibdib niya bago ito humikab. Mukhang pagod na 'ata ang kanyang Baby Noah. Kung sabagay, oras na para sa panghapong tulog nito. Humakbang siya papasok sa bahay at dumiretso sa kuwarto ng bata. Maingat niya itong inihiga sa kama at tinabihan.

      "Mama, when is Papa coming home?" mahina ang boses na tanong ng anak niya.

      "I don't know sago," wala sa sariling sagot niya.

      Tumingala ang bata, idinisplay nito sa kanya ang kaparehas na mata, ilong at bibig ng tatay nito. Nagbuga siya ng hininga. Kailangan niya kasing pakalmahin ang isip niya para makasagot siya ng tama at sa English.

      Ngumiti siya, tinantiya ang mga sasabihin. "What I mean is... Papa will be home soon, sooner, soonest."

      Hindi agad sumagot ang anak niya, tumitig lang sa kanya. May dala sigurong windangan sa anak niya ang mga sinabi niya.

      Siya ang nagdesisyon na maging English-spokening si Noah. Gusto niya kasi, masanay ito sa pagi-English para naman hindi ito mahirapang makisalamuha sa kagaya mga nitong shala kapag nag-aaral na ito. Kumuha siya ng English tutor para dito dahil kahit na ibuwis pa niya ang buhay niya sa pagno-nosebleed, hindi talaga didiretso ang dila at tataba ang mga braincells niya sa pagi-English. Kaya ngayon kahit barok pa rin ang English niya, at least, nagkakaintindihan naman sila ni Noah.

My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Där berättelser lever. Upptäck nu