Chapter 3: One Fine Day

5.8K 147 10
                                    


       Tumawag sa boutique sa ibaba ng hotel si Tyrone at umorder ng tatlong klase ng bestida, isang coat at isang pares ng flat shoes. Mayroong sleeveless na kulay kape­— hugis V ang neckline at may cloth belt sa bandang beywang. Mayroon din bestida na forest green ang kulay, simple at disente ang tabas, at may bulsa sa magkabilang gilid. At ang pinakahuling damit ay isang yellow chiffon, wrap around flowy dress. Una niyang nakita iyon sa Summer Collection ng kaibigan niyang designer sa Paris. Tiyak bagay 'yon kay Jia, naisip niya.

       Nang lumabas sa banyo si Jia, agad na ipinakita ni Tyrone ang mga pinamili niya na galing sa boutique sa ibaba. Nagpaalam siya na magsa-shower lang din muna. Masakit na rin kasi ang ulo niya dahil sa hangover pero pinipilit niyang balewalain 'yon dahil mas mukhang nasa huwisyo siya kaysa kay Jia. Nang matapos siyang maligo, sa banyo na siya nagpalit ng sport shirt at pantalon.

       Paglabas ng banyo, nadatnan niya na nakatanaw si Jia sa labas ng glass wall panel, suot-suot ang dilaw na bestida. Napangiti siya. Tama siya, bagay nga 'yon sa dalaga.

       "Jia." Napaigtad ito bago siya nilingon. "Sorry. Did I startle you?" dugtong pa niya habang tinatawid ang distansiya sa pagitan nila.

       Awtomatiko ang reaksyon ng dalaga, umatras ito ng ilang hakbang bago nagyuko, kinutkot ang laylayan ng damit nito.

       "Kagabi... s-sorry," umpisa nito. "'Yong suit mo, babayaran ko na lang at saka itong damit sa susunod na sweldo ko."

       "Really, Jia you don't have—"

       Nag-angat ito ng tingin. "Gusto ko! Kailangan ko 'yong gawin," pagmamatigas nito bago muling yumuko.

       Napabuntong hininga si Tyrone. A part of him wanted to console her, but he is not sure if she'd allow him to do that. He's the stranger guy who took her innocence.

       "Okay, I'll let you pay half of the price for my suit—"

       "Magkano?"

       "The coat costs around 3,000 because it's customized. I'll let you pay 1,500 if that's ok with you?"

       Lumunok ito, umiwas ng tingin bago bumulong. "1,500 lang pala... Nag-harvest pa ng perlas! Jusko!"

       "Excuse me?" aniya nang 'di niya gaano maintindihan ang sinasabi nito.

        Imbes na sumagot, kinuha nito ang purse nito at naglabas doon ng dalawang libo.

       "I-ito na. Keep the change." Inabot nito sa kanya ang pera.

       Napakunot-noo si Tyrone, pero kinuha na rin niya. Baka kasi mainsulto ito o anuman, mag-iiyak na naman ito at kasalanan na naman niya.

       "Thank you. Iaawas ko na lang 'to sa bayad ng coat."

       "Anong sabi mo?" Malalaki ang mga mata nitong tumitig sa kanya kapagkuwan'y umirap. "Sabi mo1,500 ang bayad ng damit mo. Dalawang libo 'yan, kyah! May sukli pa nga dapat ako e. Pero deadma na lang." Namaywang ito. "Are you parenting me?"

       "Parenting?" Nangunot ang noo niya. Iprinoseso niya ulit ang sinabi nito gamit ang mga key words. Then, it dawned him. "Sorry, my bad." Napakamot siya ng batok. "The price of my coat is in dollars. It's Dolce, babe. So it means, you owe me $1,500."

       Suminghap ng malakas ang babae at pagkatapos ay natatarantang inilabas ang cellphone nito. Tumipa roon nang mabilis bago nito dahan-dahang inangat ang namumutlang mukha nito sa kanya. Bumuka ang bibig nito, parang may gustong sabihin, pero hindi makabwelo. Ilang beses nito iyong ginawa.

My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now