CHAPTER 1: The Shalang Tukmol and The Bangenge

8.3K 172 23
                                    

       

           "Ano ang tamang English ng ref?" Napapasayaw pa sa upuan na tanong ni Albie, ang baklitang kasamahan niya sa trabaho sa Dela Vega Development Corporation o DLVDC.

           "Pridyider!" puno ng kumpyansang sagot ni Jia. Sabay-sabay na ngumanga ang mga kasama niya sa mesa bago sabay-sabay ring napahagikgik.

           "Mali na naman, Jia," si Aleli naman na katabi niya mismo.

           "Bakit mali? E, si Aling Baby 'yon ang tawag sa ref nila," nagtatakang rason niya.

           "Refrigerator or fridge kasi 'yon, Jia," mahinahong pagtatama ni Albie bago muling inabot sa kanya ang isang kopita ng mamahaling alak. "O siya, inumin mo na 'yang parusa mo. Nang makarami tayo ng vocabulary words para sa pagpapatuloy ng ekonomiya mo sa DLVDC! Bilis!" susog pa sa kanya ng baklita.

           Mali na naman siya. 'Langya talaga! Ang purol-purol ng utak niya sa englishan na 'yan!

           "Bakit ba kasi bago sila ng bago ng tawag sa mga bagay. Why aren't they make up their mine?" reklamo niya bago kinuha ang kopita ng alak.

           Dumoble ang tingin niya sa kopitang hawak. Mabilis niyang ipinilig ang kanyang ulo upang palisin ang pagkahilo bago tinungga ang alak na parang tubig lang. Pangatlong baso na niya iyon ng alak. At sa performance ng pundidong utak niya, siguradong tamado na siya mamaya-maya lang.

         Hindi niya alam kung paano at bakit sila nauwi sa ganoong paglalaro. E, kani-kanina lang nagsasabihan lang sila ng mga pangarap nila habang nag-uuminggit silang nakatingin sa mga boss nila na sina JM este Sir Jason Marcus de la Vega at Ms. Alexa Reyes. Naroon kasi sila sa Gold Hotel-Japan kung saan ginaganap ang wedding reception ng kanilang mga boss. Paanong hindi sila maiinggit, e matapos ang maraming hanash, nauwi rin sa happily forever after ang love story ng dalawa.

           Sina Albie at Aleli, pangarap nilang makatagpo rin ng pag-ibig na gaya ng mga boss nila. Pero siya, hindi lovelife kundi kaginhawan ng bulsa ang pangarap niya. Pangarap niyang manatili sa DLVDC hanggang sa makaipon siya at maipagawa niya ang dating bahay nila sa Batangas. Nasira kasi 'yon ng nakaraang mga bagyong dumaan. 'Yon lang kasi ang tangi niyang alaala sa mga namayapa niyang magulang. Kaso kahit ilang raket pa ang tanggapin niya, poorita pa rin siya kaya 'di niya 'yon maipagawa. Kaya ka-career-in na sana talaga niya ang pagtatrabaho sa DLVDC. Ang kaso, nahihiya siyang manatili sa DLVDC kung hanggang ngayon 'di pa rin nagle-level up ang pagi-English niya. Kaya naman, heto siya ngayon, nakikipaglaro ng hasaan ng English sa mga kasamahan niya sa trabaho. Ang baklitang si Albie ang naka-isip no'n.

           Ngayon siya nagsisisi kung bakit do'n pa siya talaga naupo. Sa totoo lang hindi siya dapat nasa table na 'yon. Ang gusto kasi ni Json nasa VIP table din siya — kagrupo ng mga kamag-anak nitong shala of the shalas ang leveling dahil nga kaibigang matalik niya ang lalaki. Nagkakilala sila nito apat na taon na ang nakararaan sa dati niyang pinapasukang resort sa Batangas. Nagkaroon kasi ito ng problema sa pamilya nito at kay Ms. Alexa, kaya naglayas ito at nagtrabaho kasama niya sa Estrella's Resort. Nagturingan silang magkapatid at katuwang nila ang isa't-isa sa lahat ng problema. Kaya naman nang bumaliktad ang kapalaran nito ilang buwan na ang nakararaan, binitbit din siya nito pa-Maynila at hinanapan ng trabaho sa mismong kumpanyang pag-aari nito. Gano'n pa rin naman silang dalawa, para pa rin silang magkapatid kung magturingan.

Kaya lang, tinanggihan niya ang naunang seating arrangement kasi nakakahiya sa mga kasamahan niya sa trabaho. Kaya doon na lang siya sa grupo nina Albie at Aleli, clerk ang mga ito sa executive floor. Kasama rin naman niya sa table nila sina Sir Charlie, ang executive secretary ni Json, at ang misis nitong si Carla. Kaya mas kumportable siya talaga sa puwesto niya. Baka kapag sa VIP seat kasi siya, ipahiya siya ng ilong niya sa pagno-nosebleed dahil tumitirik talaga ang mga braincells niya pagdating sa mga shala at konyong English ng mga elitista!

My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora