Chapter 19: The Finest Day

5.6K 136 27
                                    


       "Alam mo maganda sa villa ng Zio Anton mo. May lake, may mga bundok at kung anu-ano pang drama. Shala kung shala, my byutipol niece. Sigurado akong mapapa-rest in peace ka talaga," masiglang kuwento ng Tiyang Bebang niya kay Jia.

      Kasalukuyan silang nag-aagahan sa resraurant ng Gold Hotel-Manila. Tatlong araw na silang tumutuloy doon habang hinihintay ang mga papeles niya. Sa susunod na linggo, maari na raw silang tumulak pa-Italy sabi ng kontak ng tiyahin niya sa embassy. At habang lumilipas ang mga araw, lalong bumibigat ang dibdib niya sa napipintong pag-alis nila ng tiyahin. Panay kasi ang tutol ng puso niya pero ang isip niya panay naman ang push sa pagmo-move on kahit ayaw niya. So anong gagawin?

      "Jianna, do you hear what I hear?" pukaw sa kanya ng tiyahin niya maya-maya.

      "P-po?"

      "Ang sabi ko narinig mo ba ang mga sinabi ko?" ani Tiyang Bebang bago humigop sa tasa ng kape nito.

      "A-ang alin po?"

      Nalukot ang mukha ng tiyahin niya. "Ang sabi ko, iiwanan muna kita dito sa hotel. Dahil kakausapin ko 'yong contractor na gagawa sa resort na gustong gawing negosyo ni Zio Anton mo sa Batangas. Sasamahan ako ni JM."

      Tumuwid siya ng upo, pinilit magpakabibo. "A, s-sige po, Tiyang. P-push niyo 'yan para sa pagpaparami ng anda."

       "Naman!" Masigla ring nakipag-apir sa kanya ang tiyahin niya.

      Matapos ang agahan, umalis na nga si Tiyang Bebang. Bitbit nito ang isa sa mga bodyguards nito habang ang isa, naiwan sa kanya. At siya naman, balik sa suite nila ng tiyahin niya. Ilang minuto rin niyang pinilit libangin ang sarili. Nanood siya ng TV, nagbasa ng mga magazine na may nakaka-nosebleed na English, at naglaro ng Candy Crush sa cellphone niya. Kaso, tagos hanggang buto ang inip niya. May hinahanap kasi ang mga mata niya, to be specimen (specific), ang mga hormones niya.

      Ilang beses din siyang nag-alinlangan upang sa huli ay mabilis ding nag-type sa Google Search ng, Tyrone San Miguel.

      Mabilis na bumulaga sa kanya ang mukha ng guwapong tukmol. Magkahalong kilig at inis ang naramdaman niya dahil ang puso niya nagsha-sharamdaram na naman. Anak ng tokneneng talaga! Ang lalim ng pinaghulugan niyang banga ng pagsintang tunay para kay Tyrone. At ngayon nga, nahihirapan siyang umahon kahit na lunod na lunod na siya.

      Napaigtad pa siya sa pagkakahiga sa kama nang maramdaman niyang sumipa ang anak niya. Umupo siya at marahang hinaplos ang kanyang tiyan. "Nami-miss mo na ba si Papa, anak? Ako rin miss ko na siya kaso..." Huminga siya nang malalim bago muling tinitigan ang litrato ni Tyrone sa cellphone niya. "... hindi na dapat natin siya nami-miss e." Muling nangilid ang luha niya. Naiinis na naman kasi siya sa sarili niya dahil ang hirap-hirap pagilin ng damdamin niya pagdating kay Tyrone.

      Nang tumunog ang cellphone niya, mabilis siyang nagpunas ng luha. Umagang-umaga nag-eemo na naman kasi. Maski picture ng tukmol iniiyakan niya. Para talaga siyang sira.

      Ano, sakitan nang paulit-ulit, Jia? naiinis niyang tanong sa sarili.

      Binasa niya ang text message na natanggap niya. Nangunot noo pa siya nang makitang galing 'yon kay Madam Cion.

      Madam Cion "Reyna ng mga Gabriela" Reyes 9:45am:

      Halika muna saglit dito sa bahay. May sakit ako. Wala ang mag-asawa, sinamahan ang tiyahin mong demandina. Makonsensya ka.

      PS. Iwanan mo ang bodyguard mo. Sagabal 'yan sa mga plano ni Kupido.

     Napangiwi siya sa natanggap na mensahe. May dalang windang sa braincells niya ang mensahe ng ginang, pero sumunod na rin siya. Mataktika siyang lumabas ng hotel suite at mabilis na tinungo ang elevator. Habang nasa lift siya, panay ang text ni Madam Cion kung nasaan na siya. Siyempre panay rin ang sagot niya, mahirap nang mabugahan siya ng makalapnos kutis at kahihiyan na katarayan nito. Nang sabihin niyang nasa lobby na siya ng hotel, saka lang tumigil sa pagte-text si Madam Cion.

My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now