Chapter 2: Kinabukasan

5.7K 163 20
                                    

       

        Mabigat pa rin ang mga nagmamagandang talukap ni Jia nang magising siya kinabukasan. Pero dahil naiihi na siya, pinilit niyang magmulat. Mabilis na nangilala ang kanyang mga mata sa loob ng silid na kinaroroonan niya. Wala ang pamilyar na vase ng pink roses malapit sa coffee table. Mahilig kasi sa pink si Ms. Alexa kaya siniguro ni Json na lahat ng mga rooms sa hotel na pinagtuluyan ng mga guests ay may pa-roses na pink.

       'Baka nalanta agad, may lakad or gaya mo nagparteh-parteh kagabi hanggang masenglot!' sermon ng lohika niya.

        Kumibot ang labi niya. Iyon kasi ang unang beses na sumobra talaga ang inom niya at ngayon nga meron siyang hamover (hangover). Umirap siya.

       Minsan lang naman 'yon, 'di na talaga siya uulit.

       Sinubukan niyang mag-inat ng katawan, kaya lang hindi siya na-success. Nag-inarte kasi ang kanyang toes, knees, shoulders at head. May pa-slight na reklamo ang mga ito na 'di niya knows kung ano. Basta nananakit ng ibang leveling. At sa kanyang pagtataka, pati ang kanyang precious kabibe naki-join din sa pagrereklamo!

       Juskolerd! Ano bang ganap kagabi bakit pakiramdam niya nakipag-jombagan siya sa sampung echoserang froglets?

       Natigilan siya nang maramdaman niya ang bahagyang paglundo ng kama. Nakatagilid siya sa bandang kaliwa ng kama, paharap sa malaking salamin na dingding na natatabingan ng kurtinang may burda ng sakura. Kaya hindi niya ma-kanfirmed (confirmed) kung totoong may katabi nga siya.

       May gumalawa ulit nang very very slight. Magkasabay na nanlaki ang mga mata niya at naglaglag ang kanyang panga. Juskolerd! May kasama siya sa bed of roses! Haw haw de karabaw, e mag-isa lang siya sa hotel room niya!

       Hala! May mumu akong katabi sa bed of roses! Juskohan talaga!

       Napangiwi siya sa naisip. Nagsitayuan na rin ang mga balahibo niya sa katawan. Bakit ba kasi 'di siya nakisiksik na lang kina Albie at Aleli? Afraidful pa naman siya sa mga dabarkads ni Sadako. Tapos nandito pa talaga siya sa Japan Japan, sagot sa kahirapan!

       Maya-maya pa, may narinig siyang mahinang hilik mula sa likuran niya. Truli, may kasama nga siya! Lalo siyang nanginig sa takot. Lalong lumakas ang kabog ng puso niya sa nerbiyos. Nanginginig niyang nakagat ang kumot.

       Ilang minuto rin siyang nakatagilid lang sa kama bago siya nakaipon ng lakas upang lingunin kung sino man ang katabi niyang dabarkads ni Sadako.

       Kaso...

       Isang singhap at kalahati, 'yan lang ang nakayanang gawin ni Jia nang masilayan niya ang katabi niya sa kama. Hindi dabarkads ni Sadako o sinumang klaseng mumu, kundi isang gwapo ang nag-lay down sa bed of roses niya! Hubad ang kalahati ng katawan nito, at ang kalahati, nababalutan ng kumot na... Ginalaw niya ang kumot na hawak niya upang mapatili lamang ng walang sounds dahil ang kumot ng gwapo, kumot din niya!

       Share sila? Bakit?

       Doon umeksena ang braincells niyang nagmamagaling. Hindi gaya kagabi, malakas ng pick-up ng signal! Malinaw ang reception. Mukhang nagpapakitang gilas at sobrang linaw na ini-replay ang mga ganap nang nagdaang gabi. Ang Englishan game na bog chenes siya sa lahat ng sagot; ang pagsanib ng espiritu ng tunay at purong tama ng shalang alak sa isip niya, ang pakikipag-angilan niya sa guwapong katabi niya ngayon to the tune of her senglot self, ang pagyakap niya rito at ang pagkapit naman nito sa beywang niya tapos... tapos...

       "Jia."

       "Hmm?"

       "Can I kiss you?"

My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now