Chapter 29

10.6K 139 7
                                    

Chapter 29

-Natalie’s POV-

 

Ang sakit isipin na asawa niya ako pero wala man lang ako halos alam sa nakaraan niya. Pakiramdam ko nagmumukha akong tanga dahil doon, halos lahat ng tao sa paligid namin kilala kung sino siya noon. Alam nila ang pinagdaanan niya, alam nila kung anong mga ginawa niya noon. Samantalang ako, wala… wala akong ideya sa kung anong klaseng tao ba ang lalaking pinakasalan ko noon. Wala akong ideya kung sino ba si Lyle noon.

I feel so worthless. Nahihiya ako para sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang malaking bahay sa tapat ko. I know I’m being so careless for deciding this, pero desperado na ako. Hindi ko na kayang manahimik lang sa isang tabi habang alam kong meron ng hindi magandang nangyayari sa paligid ko. Masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari at masyado na ring maraming tanong sa isip ko. And I can’t solve them if I’m not going to do something.

“Natalie…” he called and I looked at him.

Ngumiti ako sa kanya at nakita ko ang marahang pagtango niya then he opened the gate wider and motioned me to go inside. Humakbang naman ako papasok, mayaman nga rin talaga ang isang ‘to I wonder kung bakit hindi pa rin siya nag-aasawa samantalang nasa tamang edad naman na siya.

“Dapat tinawagan mo na lang ako, sana pinuntahan na lang kita” seryosong saad niya sa akin.

“Okay lang ako, kaya ko naman eh” sabi ko sa kanya at mahinang ngumiti.

He just sighed as we entered his house. Naglakad kami papunta sa may living area niya. Umupo ako sa sofa at umupo naman siya sa sofang katapat ng inuupuan ko. Nagkatinginan kaming dalawa at walang nagsalita sa amin.

“Kurt…” I said.

Ngayon alam kong isa siya sa mga pwede kong lapitan. He looked at me seriously and then he sighed.

“Hindi ka dapat pumupunta dito ng mag-isa Clarisse, buntis ka” aniya

Tumango lang ako at bumuntong hininga. I closed my eyes and composed myself before I faced him again. Ngumiti ako sa kanya.

“Bakit mo sinend sa akin noon yung picture ni Lyle at ni Yneh?” I asked.

Oo, he’s the one who send those pictures. Yung picture na magkayakap si Lyle at Yneh at yung nag-kiss sila. 

“Dahil dapat lang na malaman mo iyon” he said.

Napalunok ako, pakiramdam ko may kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita. I loss my words dahilan para mapayuko na lang ako.

“Mahal na mahal pa rin ni Yneh si Lyle hanggang ngayon”

Pagkasabi ko nun ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. I somehow envy her, naiinggit ako kasi mas matagal niyang nakasama si Lyle kesa sa akin. She knows a lot of things about him na hindi ko alam, kung tutuusin mas lamang siya kesa sa akin.

“Mahal na mahal din naman yun ng asawa mo dati” aniya at tsaka ako binalingan ng tingin

Alam ko.

“But then you came into his life and everything change, hindi na siya ang Lyle na nakilala ko noon. He change because of you, from a worst person you’re able to make him into a better one” pagpapatuloy niya at ngumiti siya sa akin.

Mahina akong ngumiti at napayuko, I bit my lower lip. Gusto kong umiyak, sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng ginhawa. Bigla kong naalala kung paano ko siya nakilala noon, halos isumpa ko na nga siya eh. Ayy mali, nasumpa ko na pala siya noon dahil sa ugali niya. Pero ngayon, doon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang pinagbago niya nung una kaming magtagpo hanggang ngayon.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon