Chapter 27

10.9K 146 17
                                    

Chapter 27

-Natalie’s POV-

 

“Kamusta ka na anak?” malumanay na tanong sa akin ni Nanay. Tumingin ako sa kanya at mahinang ngumiti at tumango.

“Ayos lang po ako” sagot ko at nakita ko naman siyang ngumiti at marahang hinimas ang buhok ko.

“Uhm, kailangan po ba ako lalabas?” tanong ko.

Ayoko na kasing mag-stay pa dito. Parang mas lalo akong nakakaramdam ng panghihina kapag nandito ako. Gusto ko ng umuwi, hindi na talaga ako makakatagal pa dito. And besides, may gusto akong alamin. May mga bagay akong gustong tuklasin.

Nitong mga nagdaang araw kasi habang tinitignan ko si Lyle, hindi pa rin mawala sa isip ko yung narinig ko mula kina Yneh. Naguguluhan ako, ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko ngayon. May kung anong nagtutulak sa akin to look for answers. At alam ko, hindi ko iyon magagawa kung nandito lang ako.

“Sa pagkakaalam ko pwede ka ng lumabas bukas” sabi sa akin ni Nanay.

Tumango ako at napayuko, bumuntong hininga ako at bumwelo para sa sasabihin ko.

“Nanay, pwede bang…” napatigil ako sandali sa sasabihin ko at bumuntong hininga ulit.

“Pwede bang?” takang tanong niya sa akin. This time tumingin na ako sa kanya.

“Pwede po bang hindi ako sa bahay namin ni Lyle umuwi? Can I stay at our house?”

Pagkasabi ko nun ay nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Nanay. Mukha siyang naguluhan at nalito sa tanong ko.

“Pero bakit? Akala ko ba anak okay na kayo ni Lyle?” naguguluhang tanong niya sa akin.

“Opo, okay na po kami…” sabi ko at tumingin ng diretso “Pero may dahilan po ako kung bakit ayoko po munang umuwi” mahinang sambit ko.

Pinag-isipan ko na ito ng maigi. Alam ko sa sarili ko na gusto kong bumalik kami ni Lyle sa dati gaya ng noon, yung normal na couple lang. Yung walang hard issues. Gusto ko na once we start a family, wala na talagang problema.

Pero alam kong imposible na iyon. Lalo na dahil sa mga nalaman ko, nung mga sandaling nalaman ko iyon. Narealize ko na, may mga bagay pa akong hindi alam, may mga bagay pa akong kailangang malaman. Sa opinyon ko kasi, kailangan naming maresolve lahat ng issues noon para sa mas better na future.

Ayokong magmukhang tanga lang lalo na kung asawa ko na ang sangkot dito. Kailangan kong malaman lahat.

“Sigurado ka ba?” paniniguradong tanong sa akin ni Nanay. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

“Sigurado po ako”

“Okay, I’ll talk to them. Ikaw na ba ang magsasabi kay Lyle?” tanong niya at umiling naman ako.

“Pwede po bang kayo na rin ang magsabi sa kanya?”

Sa totoo lang mahirap din sa part ko ang gagawin ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko na ulit makasama si Lyle at bumalik sa dati. Kaya alam ko na kapag ako ang nagsabi sa kanya, isang hiling niya lang na bumalik na kami sa bahay, oo agad ako. Hindi ko yun matitiis eh. Napatawad ko nga agad eh. :3

“Okay sige,” yun na lang ang sagot ni Nanay at tsaka ngumiti at niyakap ako. Napapikit na lang ako at niyakap din siya. “Kung yun ang gusto ng baby ko then papayag agad si Nanay” aniya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon