Chapter 13

13.2K 121 4
                                    

Natutuwa talaga ako sa mga naiisip niyo sa Last Chapter. <3 

*** 

Chapter 13

Third Person’s POV

Nabalot ng katahimikan ang conference hall, lahat sila ay nag-aabang sa kung ano na ang mangyayari, alam nila na meron ng pair ang matatanggal at iyon ay sina Dominic. Tahimik lang si Dominic na nakaupo ng de kwatro habang nilalaro ang ballpen na nakapatong sa mesa, alam niyang nakatingin sa kanya lahat ng mga tao na nandoroon, kasama na sina Kyle, Yana, Yneh at Lyle, pero mukhang wala siyang pakialam dun.

Si Lyle naman ay sinusubukang tawagan ang asawa, hindi niya alam kung ang hindi pagsipot nito sa venue ay kasama rin sa problema niya, pero nangingibabaw pa rin ang pag-aalala rito, mahina itong napapamura kapag hindi sinasagot ng asawa ang tawag. Nasa isip pa rin niya kung bakit hindi siya pinapansin ng asawa, ano ba ang ginawa niya? Napatingin naman sa kanya si Yneh na kasalukuyang nakangiti dahil sa nangyayari, iniisip niya na ang hindi pagsipot ni Natalie sa competition ay umaayon sa plano niya. Si Yana naman ay nag-aalala para sa kaibigan, iniisip nito kung nagpasya na ba na wag na lang sumali sa competition dahil nasaktan siya sa nalaman niya.

At marami pang ibang mga haka-haka sa kung ano ang mga dahilan kung bakit hindi ito sumipot. Ang bawat pares ay nakaupo sa sarili nilang round table, malaki ang lugar kung saan ito gaganapin kaya naman kalat-kalat halos silang naroon, merong 10 pares at dahil tanggal na ang isa, siyam na lang sila. Tatlumpung minuto na ang nakakalipas pero wala pa ring Natalie na lumalabas. Nabasag ang katahimikan sa lugar nung biglang tumunog yung phone ni Dominic. Tinignan niya ito at nakita na si Natalie ang tumatawag, napangiti ito at kinuha yung phone tsaka sinagot ang tawag. Matalim naman na nakatingin sa kanya si Lyle, alam niyang si Natalie ang tumawag sa kanya at naiinis siya rito.

“Hello Natalie? It’s okay, naiintindihan kita”

Tumayo ito at nagsimulang humakbang palabas ng hall, sinundan naman siya ng tingin ng mga tao na naroon.

“Pupuntahan kita diyan”

Nung marinig ito ni Lyle ay agad itong napatayo at nagsimulang humakbang paalis pero napatigil ito ng hawakan ni Yneh ang kamay niya.

“Don’t go, baka madisqualify din tayo”

Sinamaan siya ng tingin ni Lyle at pinilit tanggalin yung pagkakahawak ni Yneh sa kamay niya pero hindi ito hinayaan ni Yneh.

“I don’t care, let me go”

Napabuntong hininga si Yneh at tiningala si Lyle

“You told me na maging professional tayo, ano to ha Lyle?”

Samantala, kasalukuyang nakatayo si Natalie sa pinto ng conference hall, iniisip niya kung papasok ba siya o hindi kasi parang wala namang pakialam yung mga guards na nakabantay.

“Dominic hindi ko talaga alam kung papasok ako o hindi eh, pero sorry talaga, sorry” sabi niya sa telepono.

Feeling niya maiiyak na siya kasi ang laki ng kasalanan niya sa lalaki, iniisip niya na pinahiya niya lang si Dominic.

“Pumasok na po kayo Ma’am, malapit nang magsimula yung event”

Natigilan si Natalie sa sinabi nung guard, napatingin siya rito at nakita niya na nakangiti ito sa kanya. Naguguluhan siya sa nangyayari

“Hindi pa nagsisimula yung competition?” takang tanong niya rito, ngumiti lang ito sa kanya sakto naman ang pagdating ni Dominic.

“Nat—“

“Hindi pa nagsisimula?”

Salubong na tanong ni Natalie sa kanya, nagtataka namang tumingin sa kanya si Dominic at napatingin sila pareho ni Natalie sa loob ng hall, nagkatinginan sila at narealize ni Dominic na sa loob ng thirty minutes ay wala pa palang nangyayari, nakaupo lang sila na parang may inaantay.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon