Chapter 23

11.4K 182 37
                                    

Author's Note: 

Mahal pa rin naman natin si Lyle di ba? :3 Grabe di ko kinakaya yung mga comments sa last chapter. Hihihi. Namotivate tuloy akech mag-update. Hihihi. 

Bili kayo MMME Book ha? Chos~ xD 

*** 

Chapter 23

-Lyle’s POV-

 

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, nagising ako dahil sa sikat ng araw na sumilaw sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa kama at iginala ang paningin ko sa buong kwarto. Tngna? Umuwi na pala ako? Tinignan ko ang tabi ko at wala akong nakitang Natalie sa tabi ko.

A—anong nangyari? Bakit nandito na ako?

Nasapo ko ang ulo ko nung makaramdam ako ng sobrang pananakit ng ulo. Sinusubukan kong tandaan kung anong nangyari kagabi pero fck! Wala akong maalala! Wala akong matandaan! Ang alam ko lang, nasa hotel ako tumuloy after ng pag-uusap namin Yneh, pagkatapos niya akong dalhin sa lugar kung saan nakalibing yung anak namin. I decided to stay in a hotel, dahil naguguluhan ako, at natatakot akong harapin si Natalie. Natatakot akong masaktan ko siya kaya hindi ako umuwi, pagkatapos naglasing ako, naglasing ako dahil sa gulong-gulo ako sa mga nangyayari at mga nalaman ko… then meron isang taong nagpakita sa akin ng picture at video ni Dominic at Natalie na magkayakap, yun siguro ang nangyari nung umalis na kami ni Yneh. Fck!

“Tss, ano naman ngayon kung magkayakap sila?” I asked that someone without looking her. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ng alak sa harapan ko.

Hindi ako nagseselos sa kanila, dahil tngna wala akong pakialam dun, kilala ko ang asawa ko, hindi yan mangyayakap ng ibang tao ng walang dahilan. And besides it’s my fault I left her alone, ako dapat ang kasama niya pero fck! Ang gago ko kasi.

“Wala lang,” aniya at naramadaman kong umupo siya sa tabi ko “Inaalam ko lang kung magseselos ka kapag nakita mo yung asawa mong may kayakap na iba, kasi siya, it’s very obvious na nagselos siya nung nakita niya tayong magkayakap” pagkasabi niya nun ay agad akong napatingin sa kanya, si Yneh.

Anong ginagawa niya dito? How did she know that I’m here?

Napangisi ako at ibinalik yung tingin ko sa iniinom ko at agad na inubos yung natitirang laman nun. Nabitin pa rin ako at pakiramdam ko hindi man lang nawala sa isip ko yung mga inaalala ko. Idagdag pa na andito si Yneh. Sht talaga!

“Hindi ako nagseselos, mahal ako nun eh at malaki ang tiwala ko sa kanya” sabi ko sa kanya at tinitigan yung basong walang laman.

Hindi talaga ako nagseselos sa kanila. Magkayakap lang sila sa picture at video na pinakita niya. Mas malala pa rin yung nakita ng asawa ko noon na picture namin ni Yneh na nagkiss!

“I know,” she said and she handed me a glass of liquor “Heto sayo na lang, uuwi na lang siguro ako. Umuwi ka na rin. Maybe your wife is looking for you already, tatlong araw ka ng hindi umuuwi sa kanya, baka isipin niya inagaw na kita” she said then smiled at me.

Kinuha ko naman yung alak na binigay niya at hindi ako nagdalawang isip na inumin at ubusin yung laman nun. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Basta ang alam ko lang gusto kong makalimot.

Sinusubukan kong alalahanin yung nangyari pagkatapos nun, pero tngna wala talaga akong maalala! Although I’m hearing some voices, yung boses na hindi ko gugustuhing marinig mula sa asawa ko, sa babaeng mahal ko. Natatakot ako, p**a parang totoo! Kumakalabog yung puso ko.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon