Chapter 10

15.2K 144 6
                                    

Chapter 10

Natalie’s POV

“Andyan po ba si Lolo?”

Tanong ko kay sa secretary ni Lolo, andito kasi ako sa bahay nila o mansion ‘namin’ para kausapin si Lolo tungkol sa plano namin ni Dominic, kailangan ko na palang simulan yung plano namin since magstastart na yung competition bukas. Kailangan daw naming maging alerto sa mga tao sa paligid namin, at dahil dun kaya bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba.

“Ahhh, oo ija andyan ang Lolo mo. Pumasok ka na”

Tumango na lang ako sa kanya at tsaka niya binuksan yung pinto sa kwarto ni Lolo at pumasok. Napatingin ako sa lugar kung saan naka-upo si Lolo, nakatingin na ito sa akin habang nakangiti, binilisan ko naman ang hakbang ko palapit sa kanya at tsaka nagmano at niyakap ito.

“Kamusta na po kayo?”

Bati ko sa kanya pagkalayo ko, umupo naman ako sa upuan sa tabi niya.

“Ayos lang ako apo, ikaw kamusta ka na? Kamusta na kayo ng asawa mo?”

Alam niyo natutuwa ako kay Lo, kasi kahit 80 na siya hindi pa rin siya nanghihina tulad ng ibang matatanda, ang dami niya pa ring nagagawa at hindi pa rin siya nagkakasakit at yun yung ipinagpapasalamat ko kay God. Ngumiti ako sa kanya

“Mabuti naman po kung ganon, ayos lang po kaming dalawa, going strong pa rin!”

Sabay thumbs up, natawa naman si Lolo sa sinabi ko kaya lalo akong napangiti.

“Ahhhh, mabuti kung ganon kundi ipapatay ko yung lalaking yun!”

“Ehhhh? Wag naman po”

“Ayyy nako ang apo ko talaga siyempre biro lang yun, kapag nagkaproblema kayo tsaka lang ako aaksyon. Oo nga pala, bukas na yung simula ng kompetisyon na iyon di ba? Handa na ba kayo?”

Hayan na naman, nabanggit na naman yang competition na yan, bumabalik na naman yung nararamdaman ko. Feeling ko patatagan talaga ng loob pagdating sa Corporate world eh, at siyempre hindi ko yun kaya, pano ba namang hindi eh hindi naman yun ang forte ko, ang layo kaya ng course ko sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Kung pwede nga lang sanang magrequest mas gusto kong maging housewife na lang eh.

“Uhhhmmm, sa totoo lang po hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, para akong kinakabahan na natatakot. Parang pakiramdam ko po kasi mali yung nandun ako, na dapat hindi na lang ako sumali. Parang ganun po yung nararamdaman ko eh. Although prineprepare ko naman po yung sarili ko para dun…”  

Ngumiti naman si Lolo at lumapit sa akin, napaiwas naman ako ng tingin, pakiramdam ko talaga madidisappoint ko siya eh, kung bakit ba kasi hindi pa sila nagmemerge ng company para sana si Lyle na lang yung bahala sa lahat.

“I’m glad to hear that from you apo, akala ko magsisinungaling ka sa akin…”

Bigla naman akong napatingin kay Lolo, he’s still smiling at me.

“Pero—“

“Alam mo apo, hindi mo maiiwasang makaramdam ng ganyan. Sa mundong ito, natural lang na maramdaman mo ang mga bagay na yan, ang matakot at kabahan, pero hindi mo dapat isipin na mali ang nandun ka, may dahilan kung bakit ka kasama sa kompetisyong iyan, lahat ng bagay may dahilan, hindi mo lang alam pero marahil habang nandyan ka unti-unti mong matutuklasan ang mga dahilang yun. Kailangan mo lang maging matatag apo…”

Napayuko na lang ako, masyado lang siguro akong napaparanoid kaya ako nakakaramdam ng ganito. Hayyyyy, bakit kasi ang seryoso ng buhay namin eh, magdadasal talaga ako na sana magawa ko yung best ko dito.

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon