Chapter 19

11.9K 154 29
                                    

Chapter 19

-Natalie’s POV-

 

Agad akong napaayos ng upo nun at napaiwas ng tingin, inayos ko na rin yung damit ko. Napakagat na lang ako sa labi ko. Grabe! Parang nakaramdam naman ako ng hiya bigla dahil sa nadatnan niya.

“Tss. Susunod ako” seryosong saad ni Lyle at ibinalik yung tingin niya sakin. Napayuko na lang ako.

“Okay” matabang na sagot ni Yneh at nakarinig na lang ako ng pagsara ng pinto.

Bumuntong hininga na lang ako at tsaka tumayo. Hindi niya na nagawa yung gagawin niya, he’s right nadistract ko siya.

“Kung hindi niya sana ako tinawag, nakita niya sana kung gaano kita kamahal” aniya na naging dahilan para umakyat yung dugo sa mukha ko. Gusto ko siyang sapakin ngayon sa totoo lang.

Tumayo na rin siya at pumunta sa table niya tsaka sinakop yung mga papel doon at pinagsama tsaka niya inayos.

“May secretary ka di ba? Bakit siya yung tumatawag sayo? Lagi ba siyang nagpupunta dito?” dire-diretso kong tanong sa kanya nung napagtanto ko yung mga ginagawa ni Yneh. As far as I know, imvestor siya dito at hindi empleyado.

“Nagseselos ka ba?” tanong niya sa akin kaya napaharap naman ako sa kanya at nakita kong nakangisi na siya.

“Hindi ah! Masama na palang magtanong” sabi ko tsaka siya inirapan.

“Wala akong sinasabing masama yung tanong mo, tinatanong lang kita kung nagseselos ka. Asan na napunta logic mo Bebe Ko?” aniya

Gusto ko talaga siyang sapakin! Kung hindi niya ako sinusungitan, pinipilosopo naman niya ako.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Naglakad na siya papunta sa pwesto ko bitbit yung folder na naglalaman nung mga papel na inayos niya kanina.

“Kainis ka talaga kahit kelan!” singhal ko

“Alam ko,” he chuckled and he’s already in front of me “mabilis kang mainis kaya natutuwa ako, hindi pa rin nagbabago”

“Ayos ka talaga no? Gusto mo kong mainis” mataray na sagot ko sa kanya.

Ang polar bear po talaga nitong asawa ko. Talent niya na talaga ang magbago ng mood in an instant!

“Of course, hindi ako magiging Lyle kung hindi ko maiinis yung Natalie ko”

“Ewan ko sayo! Umalis ka na sa harapan ko”

Grabe hanga na talaga sa mabilis na pagpapalit niya ng mood, pwede na ata tong world record eh! Naku baby, hindi mo pwedeng manahin ang ganitong ugali ng daddy mo.

Tinalikuran ko na siya at nauna na akong naglakad sa kanya palabas ng opisina niya, nakahawak na ako sa doorknob nung bigla niya akong hatakin paharap sa kanya at mahinang itinulak pasandal sa pinto.

“Ano ba? Magsisimula na kaya yung meeting—“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung nilapat niya yung index finger niya sa labi ko para patahimikin ako.

“Shhh, hindi tayo lalabas dito hangga’t di ko nakukuha yung kiss ko”

Nagulat naman ako sa kanya. Seryoso ba siya?!

“Makakapag-antay naman—“

“Sila makakapag-antay, ako hindi na”

“An—“

Hindi ko na talaga natuloy yung sasabihin ko nung bigla niya akong hinalikan. Lagi na lang. Makalipas ang ilang segundo ay humiwalay na rin siya sakin. 

[MMME II] Journey To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon