Chapter 18

12.8K 144 15
                                    

Akala ko susukuan ko na to eh, but yeah. Hahaha. Nagbunga naman ang mga luha ko’t nakapag-update na rin after one month! Di ko talaga kinekeri ang mga mangyayari. </3

Thank you po sa inyo guys! Kayo ang motivation ko. <3 Hihihihi!

***

Chapter 18

-Natalie’s POV-

 

“Dapat di ka na lang sumama eh, dapat nagpahinga ka na lang sa bahay” baling sakin ni Lyle, pagpasok namin sa elevator.

Napanguso na lang ako at tumingin sa sahig, kanina niya pa ako kinukulit na hindi na lang daw dapat ako sumama sa kanya kesyo baka raw mastress ako, mapagod, mainip ganyan. Mas nagpapanic pa siya kesa sakin, eh pakiramdam ko naman ayos lang ako.

“Okay lang ako” sabi ko habang nabaling yung atensyon ko sa magkahawak naming kamay, magmula kasi nung pumasok kami rito ay hindi na niya ito binitawan.

“Our meeting will start in an hour, pagpasok natin ng opisina baka di na kita mapagtuunan ng pansin. Tss, dapat talaga nagpaiwan nila. Pwede naman kitang sunduin mamaya” sabi niya ulit sabay tingin sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung maiirita o matutuwa ako sa kinikilos ng Bebe ko ngayon, masyado na kasi siyang sweet, although sweet naman na siya sakin parang mas nagiging sobrang sweet siya ngayon na sobrang nakakapanibago. Hindi talaga ako sanay sa masyadong sweet na Lyle, parang ngayon gustong bumalik siya sa dati. Yung Lyle na masungit at inaaway ako. Pero err, bakit ko naman gustong ibalik yung ugali niyang yun?

“Ayos lang talaga ako Lyle, alam ko naman yung gagawin mo eh” nakangiti kong sambit sabay tingin sa kanya. Tsaka huh, heto kaya yung plano namin ni Dominic! Kaya dapat lang na nandito ako.

“Why so stubborn? Hindi kita mababantayan dun, mag-aantay ka na naman sakin ng matagal…” napayuko siya pagkasabi niya nun

Napataas ako ng kilay sa ginawa niya. Sobra talaga akong naninibago sa mga kinikilos niya. Baby anong nangyari diyan sa daddy mo at nagkakaganyan na siya ngayon? In fairness namimiss ko rin yung pagiging masungit niya. Ewan ko ba kung bakit gusto kong bigla siyang magsungit ngayon.

“Ano ka ba siempre alam ko naman yun at naiintindihan ko. Of course ikaw ang kailangan dun noh? Tsaka ayaw mo nun andun kami para suportahan ka?” sabi ko sa kanya habang nakangiti and with that he looked at me at nag-aalinlangang ngumiti. Kumunot yung noo ko “Ano ka ba naman, kaya ko naman eh!” masigla kong sabi sabay pisil sa ilong niya.

“Pero kasi—“ hindi ko na pinatuloy pa yung sasabihin niya.

“Alam mo namimiss ko yung pagsusungit at pang-aaway mo sakin” nakanguso kong sambit habang nag-iiwas ng tingin. 

“Really? Baka hindi mo magustuhan kapag sinungitan at inaway kita ngayon Bebe Ko” he said while grinning.

“Kelan ko ba nagustuhan yung pagsusungit mo aber?” amok ko sa kanya, nakangiti lang siya ng makahulugan sakin.

“Uhm, ngayon? You’re the one asking me to do it” aniya sabay ngisi, loko talaga tong lalaking to!

"Eh kasi naman eh, okay lang talaga ako kaya wag ka na masyadong mag-isip okay? Mag-focus ka na lang muna sa meeting"

Hindi na siya nakapagsalita pa nung tumunog.yung elevator, napatingin ako roon at nakita itong bumukas. Mauuna na sana akong humakbang palabas ng maramdaman ko yung kamay ni Lyle na humawak sa kanang kamay ko.

"Let's go" yun na lang yung sinabi niya sabay simulang lumabas ng elevator.

Dire-diretso lang kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa opisina niya. Grabe gusto ko nga sanang batiin yung mga kakilala ko dito at kausapin sana sila pero wala eh, hatak-hatak ako netong lalaking to.

[MMME II] Journey To ForeverWhere stories live. Discover now