Chapter 28 " Lovestory "

4.3K 74 0
                                    

Bernadeth Lee POV (Step-mother ni jasmin)

*FLASHBACK*

" Bernadeth " tawag saakin ni jacob . at lumapit sa likuran ko at hinalikan ako sa batok . kaya napalayo ako .
" Ano nanamang inaarte arte mo ? " tanong saakin ni jacob
" MATAPOS MONG MAKIPAGTALIK SA IBA ! AKO NANAMAN ISUSUNOD MO ?! " sigaw ko sakanya bigla naman niya hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit ang isa niyang kamay .
" Wag mo ko masigaw sigawan bernadeth . you know me , I - GET - WHAT - I - FUCKING - WANT " sabi niya at inemphasize niya pa ang I get what i fucking want . kaya napatahimik nalang ako at marahas na hinalikan ang leeg ko di ko na siya pinansin at baka magising pa ang dalawa naming anak sa kabilang kwarto . .

At may nangyari nanaman saamin ng gabing yun . . ipinakasal lang ako dito sa lalaking ito dahil para magmerge ang aming company sa una ay masaya naman kami hindi naman siya ganito nung una hanggang sa naging anak namin si lance pero isang araw nakita ko siyang nakikipaghalikan sa ibang babae kaya nagtangka akong magsumbong sa papa ko pero binantaan niya ako na once na magsumbong ako ay papatayin niya si lance kaya nanahimik nalang ako . doon na lumabas ang tunay niyang ugali . tuwing kaharap namin ang mga magulang namin ay ang bait bait niya . minsan nga tinatanong ni papa kung saan ko nakukuha ang mga pasa ko sa braso ang sarap sabihin dahil yun kay jacob pero hindi ko masabi lagi nalang akong nagdadahilan na sa paghaharutan lang namin iyon ng panganay kong anak . Si lance ang panganay kong anak  na 8 years old . at si renan naman ay 3 years old . .

" Mama " tawag saakin ni lance . kaya napatingin ako sakanya . andito kami sa kwarto kung saan nakalagay lahat ng laruan nila renan .
" Bakit anak ? " tanong ko sakanya at ngumiti .
" mama bakit ka sinasaktan ni papa ? diba dapat ang mama at papa ay laging masaya at hindi nagkakasakitan ? " tanong saakin ni lance kaya nawala ang mga ngiti ko . di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya . inilayo ko siya ng medyo kay renan at baka marinig niya kami .
" anak ganito kasi yan , *Hinawakan ko ang  magkabilang kamay niya at lumuhod para maging magkalevel ang mga mukha namin* si papa at mama ay may hindi pagkakaintindihan kaya ganun ang nangyayari pero nagsosorry naman si papa mo at sinasabing hindi sinasadya " sabi ko sakanya at ngumiti . pero umiling lng siya saakin .
" pero mama , mali pa din ang ginagawa ni papa . dahil pag love mo ang isang tao hindi mo siya sasaktan mama " sabi ni lance saakin kaya napahawak ako sa ulo ko . matalinong bata to si lance mahirap magpaliwanag sakanya dahil kung anong sinabi niya yun at yun lang ang papaniwalaan niya .
" anak basta wag na wag mong sasabihin yun sa papa lo at mama la mo ha . maliwanag ? " sabi ko sakanya at nag nod lang siya .nakikita niya palang sinasaktan ako ni jacob . mali to mali. naglaro nalang sila ni renan at ako naman ay nakatitig lang sakanila .. mahal na mahal ko tong mga anak ko kaya titiisin ko muna hanggat kaya ko pa .

Lumipas ang gabi at nakatulog na ang dalawa kong anak at biglang dumating si jacob ng lasing kaya bigla akong kinabahan .

" Bernadeth *hik* " tawag niya saakin at tinitigan ko lang siya . nandito kami sa kwarto namin .
" I - WANT - TO - FUCK - YOU " Madiin at maawtoridad niyang sabi . kaya napalaki ang mga mata ko .
" Matulog kana lasing kalang " sabi ko at aakma na akong pupunta sa kama ko pero hinila niya ang braso ko .
" aray jacob nasasaktan ako " sabi ko kasi madiin niyang hinawakan ang braso ko , may mga pasa pa ako dun .
" Masasaktan ka talaga bernadeth pag hindi mo ko pinagbigyan . inuulit ko I GET WHAT I FUCKING WANT " Sabi niya kasabay dun ang pagdiin niya sa pagkakahawak niya sa braso ko .
" Jacob nasasaktan ako " sabi ko sakanya pero parang wala siyang naririnig at hinalikan ako ng marahas , buong lakas ko siyang itinulak kaya napahiga siya sa sahig . . tinitigan niya ako ng masama na animo'y pinapatay ako sa kanyang isipan . nagulat ako ng may bunutin siya sa kanyang tagiliran . yun ay baril at agad na tinutok saakin .
" J-jacob , put it down " malumanay kong sabi sakanya pero bingi bingihan lang siya sa mga sinasabi ko .
" Please jacob " sabi ko sakanya .
" Kailan ka natutong lumaban saakin bernadeth ? KAILAN ?! " sigaw niya saakin .
" Baka magising ang mga bata jacob . huminahon ka " sabi ko sakanya . hindi ko pinapahalata sakanya na natatakot at nanginginig ako . .

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now