Chapter 11 " Travel "

6K 124 1
                                    

nandito pala ako ngayon sa kotse ni sir renan nagdadrive siya, may pupuntahan daw kame. buong empleyado niya kasama. ang dami ngang kotse. eh ang ganda tingnan. nakasunod lang lahat ang mga ito saamin
"mukha kang baliw, tumatawa magisa" sabi niya. wala talagang preno bibig nito sarap kurutin. nanahimik nalang ako. at yumuko. diko nga namalayan na nandito na pala kame sa pupuntahan namin eh ang ganda alam niyo yung parang falls pero hindi yung malaking falls pero di ganun kataas. ayy ano bayan parang tanga naman ako mag describe basta yun. basta maganda parang paraiso. may lumapit saamin na lalaki tour guide ata to eh  basta yun na yun
" hello sir, maam welcome po sa drying dams. di po kayo magsisisi sa pinuntahan niyo sir, malamig po ang tubig dito at makakapagrelax po kayo" sabi nung lalaki
"ah ganun po ba, gaano po kalalim?" tanong ko di kase pinansin ni sir renan. ang sama talaga ng ugali
"may pa tanong tanong pa akala mo naman marunong lumangoy" bulong niya pero rinig ko naman
"20ft po maam" napaupo ako sa sinabi niya. 8ft nga hirap na hirap pa ako 20ft pa kaya.
"sige salamat sa info sir" sabi ko
"Leewor nalang po maam" sabi niya.
"sige salamat leewor" sabi ko at nginitian ko siya.
"gusto niyo po subukan?" tanong ni leewor habang naglalakad kame papunta sa tubig
"ang alin leewor?" tanong ko sakanya
"lumangoy po sigurado po akong mageenjoy kayo" sabi niya.
"hehehe naku leewor di ako marunong lumangoy" sabi ko sakanya habang tumatawa
"pwede ko po kayong turuan maam" sabi niya habang nakangiti ang gwapo niya infairness
"tss, kaya ko siyang turuan bro, di mo na kailangan mag abala pa, yung iba naming kasama ang asikasuhin mo" sabi ni sir renan. tss bakit ba ang sungit sungit nito may dalaw ba to ngayon?
"ok po sir pasensya na po" sabi ni leewor at umalis na
"alam mo sir, sana bawas bawasan mo ang pagiging masungit mo" sabi ko sakanya at iniwanan ko na siya. nakakainis lang kase daig pa ang babae. umupo naman ako sa gilid ng dam at nilublob ang paa ko. totoo nga ang lamig ng tubig at ang linaw pa.
"Hello miss" sabi ng isang chubby na babae pero makikita mo talaga sa mukha niya na maganda siya at mabait
"Hello din" sabi ko sakanya
"di ka marunong lumangoy?" tanong niya tumawa naman ako nun
"hindi eh bakit?" tanong ko
"parehas pala tayo" sabi niya hahahaha. natawa na talaga ako nun. kaya naman pala
"ano pangalan mo?" tanong ko
"Rosemae Ann po, pero pwede pong rose nalang" sabi niya
"ang ganda naman ng pangalan mo" sabi ko sakanya
"kayo po maganda po at sexy pa" sabi niya
"ikaw din naman maganda eh hehehehe" sabi ko sakanya
"chubby naman" sabi niya
"wala namang kaso yun eh, eh ano naman kung chubby ka atlis malusog diba?" sabi ko sakanya at ngumiti siya. pagkatapos nun hindi na lang siya nagsalita. ako naman nakatingin lang sa parang falls. ang ganda talaga dito, di ko yun matatanggi...............

Renan POV

nandito ako ngayon sa drying dams at alam niyo yung ganap hinila ko yung paa ni jasmin kase ayaw bumaba eh, magpapaturo mag swimming takot naman hahaha natatawa ako sa itsura niya kase kanina pa sigaw ng sigaw

"WAAAHHHHHHHHH SIR*cough*NAKAKALUNOK NA AKO HUHUHU" sigaw nanaman ng sigaw hawak ko naman siya. ngayon lang ako natatawa sa kanya kase pulang pula na siya
"SIRRRRRRRRRRRR WAG MO KONG BIBITAWAN PLEASE AYOKO PANG MAMATAY HUHUHU" sigaw nanaman niya at parang batang nagmamakaawa
"Sa tingin mo hahayaan kitang mamatay?tanga nito" sabi ko sakanya nakakainis kase hindi nalang siya nagsalita binitawan ko nga, bigla siyang lumubog at di na lumutang kaya sinundan ko siya sa ilalim at nakita kong nakataas na ang mga kamay niya. at nakapikit na

*DUG*DUG*DUG

agad ko siyang inangat pero di pa din siya dumidilat nakapikit pa din siya. F*CK saglit ko lang naman siyang binitawan pero bakit ganito. tinaas ko na siya at hiniga sa semento

Jasmin POV

hahahaha kinakabahan ata si sir renan saakin siguro alalang alala na to saakin, maloko nga saglit naramdaman ko na lang na inihiga na niya ako sa semento. natatawa na nga ako eh pero pigil muna saglit hahahaha

"jasmin, hey wake up" sabi ni sir habang inaalog alog niya ako pero hayaan ko muna. tss kasalanan niya naman eh.
"jasmin!" tawag niya saakin pero halatang nagaalala na siya halata sa boses niya eh. takot siguro makulong.
"HELP!!!! HELP!!!!!!" sigaw niya wh*t th* naramdaman kong dumadami na ang taong nakatingin saakin, juice colored mali ata ang ginawa ko,
"Sir ano pong nangyare dito?" tanong ng babae
"hindi ko alam pero kase hindi siya marunong lumangoy tapos nabitawan ko siya pero, pero. madali lang naman naangat ko naman kaagad siya eh sino po ba kayo? " paliwanag ni sir liar , nabitawan baka binitawan tss.
"ako po kase sir ang rescue dito paulyn midang po ang name ko" sabi nung babae siguro maganda kaya ganyan siya makipagusap may pa po, po pa tss. (AN:bakit kaba naiinis? selos? hahahaha) hoy hindi ah.
"mukhang ok naman po siya sir, sir paki dala po siya sa clinic, sundan niyo po ako" sabi nung babae tapos naramdaman ko na lang na binuhat na ako ni sir pano ko ba to malulutas, pano ako maaalis sa hot seat
"sir ihiga niyo nalang po siya dito" sabi nung babae ang lamig naman dito, basa pa naman  ako di ko na mapigilan ang pagnginig ko karga pa naman niya ako
"miss, miss nanginginig po ang kasama ko paano to" sabi ni sir
"sir labas muna kayo may gagawin po ako sakanya" sabi nung babae
"sige miss" sabi ni sir at narinig ko nalang na sumara na ang pinto
"magbihis ka" sabi nung babae, sino kaya kausap nito,
"bahala ka lamigin dyan, wala na siya" sabi ulit pero di padin ako dumidilat malay ko bang ako yun
"tumayo kana dyan ms, baka magkasakit kapa" sabi niya kaya dumilat na ako
"alam niyo po?" tanong ko sakanya at ngumiti lang siya, ang ganda naman niya parang anghel
"kanina pa, pinapasok lang kita dito para di ka pagusapan" sabi niya
"salamat po" sabi ko nag nod lang siya
"Joan Pacuma" tawag niya, siguro kasamahan niya
"maam ano po yun?" sabi nung cute na babae
"kuhaan mo nga ito ng damit sa dorabox ko" sabi ni paulyn
"sige po maam" sabi nung joan
maya maya inabot na saakin ang damit.
"magbihis kana dun" sabi ni paulyn at tinuro ang cr nag nod nalang ako, pumunta na ako sa cr at nagbihis.pag labas ko nakaayos na ang higaan ko,
"humiga kana, ikaw na bahala umarte dyan" sabi ni paulyn at tumawa pa mas lalo siyang gumanda, humiga na ako at kinumutan na ako ni joan
"Goodluck" sabi nung joan at ngumiti nalang ako

pumikit na ako at narinig ko ng pumasok si sir at hinawakan ang kamay ko

"kamusta po siya miss?" tanong niya.........

"okay na siya sir nasuka na niya ang tubig na nalunok niya, sa susunod kung kailangan mo siyang yakapin, yakapin mo ha, labas na muna ako" sabi ni paulyn at kinurot niya ng medyo ang braso ko, natatawa na talaga ako pero kailangan kong pigilan hahahaha.
"ok po miss" aba may po na ang baliw kong sir

naramdaman ko nalang na lumabas na si paulyn.. at biglang hinaplos haplos ni sir renan ang buhok ko, pano ko nalaman? naamoy ko siya eh, ang bango kaya ng masungit kong boss.

"jasmin sorry" bulong niya saakin, nakakakilabot, yung hininga niya kase nararamdaman ko ang init nga eh.
"diko naman kase alam na mabilis kalang mawalan ng hininga eh" dagdag pa niya
"pangako di na kita gaganunin ulit basta gumising kana, umalis na ang mga empleyado ko tayo nalang dalawa dito" malambing niya na sabi
bigla nalang may lumapat sa noo ko na isang mainit na bagay basta diko alam ang feeling.

*DUG*DUG*DUG

biglang bumilis ang heartbeat ko , diko napigilan na hawakan ang dibdib ko
"jasmin may masakit ba?" tanong agad niya kaya dumilat ako ng dahan dahan para makatotohanan hahahaha.
"a-anong na-nangyare?" HAHAHAHA galing ko umarte gosh.
"forget it, kaya mo na bang maglakad?" tanong niya kaya tumango ako, pero nagulat nalang ako nung buhatin niya ako
"liar na stupid" sabi niya saakin, kaya ko naman talaga eh tss, pero ok na to para iwas pagod hahaha
nung makarating kame sa sasakyan niya binuksan niya ang pinto at dahan dahan niya akong nilapag sa passenger seat at siya na din ang nag seatbelt hala grabe ang gentleman naman ni sir saakin ngayon, nung natapos na umikot siya at sumakay. na din nakatingin lang ako sa bintana pero napansin ko na yung daan namin na papunta dun sa magandang condo kaya napatingin ako sakanya
"sir diba po may pupuntahan tayong dagat?" tanong ko sakanya
"magpahinga ka muna, bukas na tayo pumunta dun" sabi niya, ano bayan sayang naman, maganda daw dun ehhhh kainis naman...................

--------
Please Comment,Like,Share and Vote my story MahBabies☺️

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now