Chapter 26 " My Story "

4.4K 80 0
                                    

Jessie Bueneventura POV

*FLASHBACK*

" Kevin di ko alam kung paano sasabihin sakanila ang tungkol saatin alam mo namang mahigpit si papang saakin " sabi ko sakanya at bakas sa kanyang mukha ang lungkot .
" Jessie , mahal na mahal kita pero alam kong di tayo matatanggap ng papa mo dahil mahirap lang kami " sabi niya na dahilan para mapaluha ako , anak siya ng driver ni papa . di ko alam kung bakit ganito , kung bakit di ako malayang magmahal . mahal na mahal ko si kevin . pero alam kong hindi siya matatanggap ni papang .
" andyan na si papang ,  sandali lang " takbo ko papuntang cr . dahil malapit sa bodega namin ang cr dito sa unang palapag ng bahay namin . Lumabas ako ng cr at nagkunwaring nagpupunas ng kamay
" Anak , sa susunod na linggo makikilala mo na si ricardo ang iyong mapapangasawa . " sabi ni papang , kaya napalaki ang mata ko pero binawi ko lang din naman .
" Ah ganun po ba . " yan lang ang nasabi ko .
" Pupunta ako sa London , mamaya na ang flight ko kaya ikaw na muna ang bahala dito ha . babalik ako bago mo makilala si ricardo " sabi ni papang at nagnod lang ako , my mother passed away 4 years ago kaya kami nalang ni papang ang magkakaramay .

dumating ang gabi at umalis sila ng mga tauhan niya kaya malaya ako ngayon . dahil alam ng mga maids at ng papa ni kevin ang about saamin .

" Kevin , Paano to ? ieengage na ako " sabi ko sakanya na parang maiiyak na .
" Di ko alam jessie , di ko alam " sabi niya at niyakap niya lang ako .

di ko alam kung anong gagawin ko . pero hinila ko siya paakyat sa kwarto ko at hinalikan ko siya doon . nabigla siya sa ginawa ko . pero tumugon na din siya . handa na ako isuko sakanya ang lahat dahil mahal na mahal ko siya baka sakaling magbunga ang pagmamahalan namin ay matanggap na siya ni papang .

" Paano pag nabuntis ka ? " tanong niya habang nakayakap siya saakin .
" Edi papalakihin natin siya . " sabi ko sakanya . .
" Paano ang papa mo ? " tanong niya saakin .
" Hindi ko alam . " sabi ko nalang sakanya .

mabilis lumipas ang dalawang buwan maraming nangyari at nakilala ko na si ricardo , mabait siya at maalaga pero di pa din sapat iyon upang mapalitan ang pwesto ni kevin sa puso ko .

nandito ako ngayon sa sala habang kumakain ng mangga .

" Jessie " tawag saakin ng taong mahal ko
" bakit kevin ? si papang ? baka makita ka " sabi ko sakanya at luminga linga
" wala siya dito , pumunta sa company niyo   " sabi niya kaya napangiti ako at naging panatag ang puso .
" buti naman " sabi ko at ngumiti sakanya .
" Parang buntis ka ha " sabi niya kaya nabitawan ko ang hawak kong mangga at napatingin sakanya .
" Dalawang buwan na ako , hindi nagkakaroon . " sabi ko sakanya na dahilan upang mabigla siya . Pumunta ako sa kwarto at nagimpake ako . alam ko buntis ako . kase di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko , lagi akong nahihilo at laging nasusuka , di buo ang araw ko pag di ako nakakakain ng mangga o kahit anong maasim . . paglabas ko ng kwarto nanlaki ang mata niya ng makita akong may maletang dala kaya inabot ko kaagad sakanya ang maleta ko at hinila siya pababa ng hagdan at palabas ng bahay .

" s-saan tayo pupunta? " tanong niya sakin  .
" k-kahit saan , basta malayo dito " sabi ko sakanya . nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa takot sa pwedeng mangyari . . tumawag na ako ng taxi at nagpahatid sa bus terminal . dala ko naman ang cash ko na pinagipunan ko ng tatlong taon dahil binabalak ko na gawin to .

nakarating na  kami sa bus terminal

" saan tayo pwede pumunta?" tanong ko sakanya .
" s-sa batanes " sabi niya kaya hinanap ko ang bus na papunta doon tapos nagbayad at sumakay na .
" Hindi ko alam kung anong mangyayari saakin pagkatapos nito jessie " sabi niya saakin kaya hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa mata .
" I love you , hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo " sabi ko sakanya ngumiti naman siya saakin .
" malayo layo pa itong byahe , magpahinga ka muna ." sabi niya saakin , nagnod naman ako at sumandal sa balikat niya at natulog na . dahil puyat din ako kakaisip kagabi kung ano ba ang dapat kong gawin .

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now