Chapter 17 " Who You? "

4.3K 93 0
                                    

Jasmin POV

isang linggo matapos ang pagkakahospital ni sir renan .  grabe tatlong araw siya doon pero yung papa at mama niya di man pang dumalaw . bakit kaya . ? matanong nga sakanya . andito kasi ako ngayon sa office niya . dito lang daw kasi ako tumayo sa tabi ng sofa Haha ang bad talaga pwede naman akong umupo kaso ayaw talaga niya .

" ah sir renan" tawag ko sakanya . di na kasi siya nagagalit eh . ewan ko ba . iniiwasan niya pa din ako . di katulad ng dati .
"Yes?" sagot niya pero di siya nakatingin saakin. sa loptop lang.
" asan yung mga magulang mo?" tanong ko
bigla nalang siyang mukhang nabadtrip .
"sorry" inunahan ko na lang . pero di niya na ako pinansin . ano ba yan . nakakainis .
" bilhan mo ko ng milktea " sabi niya . inabot niya saakin yung credit card niya at susi.
" sir di ako marunong magdrive" sabi ko
" tss.magcommute ka " sabi niya at inabutan ako ng pera . nag nod nalang ako at lumabas na

sumakay na ako ng elevator . pag dating sa baba nakita ko yung jaerin . sama nanaman ng tingin saakin . di nga pumunta to sa hospital eh . di ko nalang pinansin at naglakad nalang ako .

sumakay na ako ng jeep .

"Kuya Bayad po . Milktea shop lang po"sabi ko at inabot na ang bayad

mga 10 mins andito na ako

"Kuya para po" sabi ko . kaya bumaba na ako .

Pag baba ko nakita kong naglalakad si mama na may kasamang lalaki? papasok sila sa milktea shop pero di ko alam kung siya talaga kasi ibang iba ang pustura niya . sinundan ko lang sila

" Can i order the best milktea in this shop? " sabi nung kamukha ni mama . hindi pala si mama yun kasi nga englishera haha .
" How many maam ? " tanong nung cashier
" Two " simpleng sabi niya
" ok maam wait a minute " sabi nung cashier .
" next po " dagdag niya pa . so ako na
" paorder po nung milktea yung best seller po " sabi ko . nag nod lang siya . at nagbayad na ako
di ko naman sinasadya na marinig ang usapan nila
" Musta si Lance ? " tanong nung babae
" He's Ok bernadeth" sabi nung masama niyang lalaki na may edad na .
Bernadeth? ano yun nagkataon lang , kapangalan din ng mama ko eh . kaboses din pero di naman siya ganyan pumustura . lalapitan ko sana kaso umalis na sila . at sumakay na ng kotse

" Maam ito na po ang milktea " sabi nung cashier kaya kinuha ko nalang .

Sumakay na ako ng jeep at bumaba sa Lee Company . dumiretsyo agad ako sa office ni sir renan

tok*tok*tok
"sir"tawag ko mula sa labas ng office niya
"come in" sabi niya kaya pumasok na ako
"sir ito na po ang milktea"sabi ko
nilapag ko sa table niya . at tumayo nalang ulit sa gilid nung sofa

sino kaya yung babaeng yun?bakit kamukha ni mama at kapangalan na din . kaboses na nga din eh . pero syempre hindi naman si mama yun kasi mukhang mayaman naman .

---------------

Please Comment,Like,Share and vote my story MahBabies☺️

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now