Chapter 12 " Trouble "

5.6K 131 0
                                    


Andito kame ngayon sa pagudpud island alam niyo yung feeling ng firstime? yung tipong mapapasabi ka talaga ng WOW. naramdaman ko yun ang ganda sobra dito, kulay blue ang dagat at ang puti ng buhangin para boracay ang itsura ang dami nga ng mga sexy dito eh ..
"dito tayo jasmin" sabi ni sir at umupo sa isang magandang cottage, basta ang ganda may videoke pa,
"sir bakit tayo lang andito i mean asan yung mga employee mo?" tanong ko
"nasa condo na, pagod eh dito na sila galing kahapon" sabi niya habang hindi nakatingin saakin
di nalang ako nagsalita, ang ganda talaga dito. naglakad lakad ako sa buhanginan diko na nilingon si sir may inaasikaso kase eh,tumigil ako kase may nakita ako na naglalaro na mga sexy, ang dami namang magaganda dito...
"hey what are you doing here?"tanong nung medyo matangkad na babae
" Reilyn masyado kang hot eh," sabi nung cute na babae
"nakakainis kase maricha yung mukha niya eh" sabi nung matangkad na babae sa cute
"hoy grabe naman kayo girls, pangit lang talaga siya" sabi naman nung isa yung pinakamaputi sakanila
"kahit kailan ganyan ka jessa ang pinaka malala manlait ay mali hahaha yung honest pala" sabi nung reilyn
aba grabe naman to manlait, maganda naman ako ha. di nga lang ganun ka puti pero maganda ako. umalis nalang ako tss nakakainis
"HOY JASMIN!!!!!!!!" sigaw ni renan habang patakbo papalapit saakin parang slowmotion, wala kaseng damit si sir eh kitang kita yung abs niyang ulalam (AN:Manyak!!!!!!!!) hala ate J, sinabi ko lang grabe ka naman saakin
nung makalapit na siya saakin hingal na hingal pa ang gwapo
"bakit po?" tanong ko kumunot naman yung noo niya
"pa bakit bakit kapa, tumigil ka nga. paano pag nalunod ka nanaman ha?" sabi ni sir renan habang hinihingal
"sir naman,nasa buhangin ako oh, nakakalunod ba to?" tanong ko sakanya. kaya tumaas naman ang kilay niya
"pinipilosopo mo ba ako?" tanong niya kaya napataas na din ang kilay ko
"pilosopo na ba ngayon ang pagtatanong?" pagkasabi ko nun, biglang nag iba ang expression ng mukha niya kaya tumakbo ako
"HOY JASMIN! BWISET KANG BABAE KA! LUMAPIT KA DITO" sigaw niya kaya mas lalo kong binilisan tumakbo pinagtitinginan na nga lang ako ng mga tao eh, tumingin ako sa likod at nakita kong malapit na saakin si sir renan kaya mas binilisan ko tumakbo......
"TUMIGIL KANA!!!!!" sigaw ulit ni sir pero takbo pa din ako ng takbo.
"ISA" sigaw niya
"DALAWA" sigaw ko din hahahaha
"INAASAR MO BA TALAGA AKO?!PAG IKAW NAABUTAN KO! LULUNUDIN KITA" sigaw niya grabe sinigaw niya pa talaga. brutal kainis
"EDI LUNUDIN MO" ganting sigaw ko kahit natatakot na ako
"SIGE PAG DI KA TUMIGIL HINDI KO IBIBIGAY ANG SAHOD MO" sigaw niya kaya automatic na napatigil ako. at bigla niya akong kinarga na parang sako.
"anong sabi ko sayo?" tanong niya pero iba ang nasa isip ko
"sir di makakasahod naman ako diba?" tanong ko habang nakabaliktad ang ulo ko.
"hindi" pagkasabi niya nun sinipa sinipa ko ang paa ko at nag ala shake ako para lang bitawan niya ako pero di naman niya ako binibitawan at alam kong nasasaktan na siya..
"Pag di ka tumigil, hahalikan kita." pagkasabi niya nun parang ayaw ko tumigil di joke tumigil na ako........

binaba niya ako sa cottage at tinitigan ng masama

"sir kailan ko po ba makukuha yung sahod ko?" tanong ko sa kanya.
"nextmonth" sabi niya.
0_0------me
"Bakit?" tanong niya.
"sir masyado na kayong mapagbiro" sabi ko.
"di ako nagbibiro" sabi niya
kaya tumayo ako
"san ka pupunta?"tanong niya pero di ako nakaharap sa kanya
"kung saan wala ang masungit na kagaya mo" sabi ko sakanya at naglakad na paalis.habang naglalakad ako may nakatingin saakin na tatlong babae sila din yung mga babaeng nanlalait saakin eh ano nanaman kayang balak nitong mga to. diretsyo lang akong naglalakad hanggang sa harangin nila ako
"penge akong number ni renan" sabi nung matangkad ah reilyn ata ang pangalan nun basta yun. bakit naman saakin tatanungin nito at bakit nila kilala si renan, duh katulong lang naman niya ako
"di ko po alam eh" sabi ko
"alam kong alam mo, kaya ibigay mo na saamin para di ka masaktan" sabi nung cute maricha ang tawag sakanya
"hindi ko po talaga alam eh" sabi ko na lang eh hindi ko naman talaga alam
"GUSTO MO INGUDNGUD KO MUKHA MO SA BUHANGINAN HA? IBIBIGAY MO O IBIBIGAY MO?!" sigaw nung pinaka maputi sakanila jessa ata name nun
"DI NAMAN KASE AKO TANUNGAN DIBA?! EH ANONG IBIBIGAY KO EH HINDI KO NGA ALAM!" sigaw ko nakakainis ako pa talaga ang sisigawan
"lalaban kapa" sabi nilang tatlo at bigla ako tinulak at napahiga ako pinatungan naman nila ako at pinagsasabunutan, di ko maramdaman ang sakit di ko alam kung bakit basta hinihila nila yung buhok ko pinipilit kong makalaban pero kulang ang lakas ko para pigilan sila kaya ang ginawa ko hinagisan ko sila ng buhangin.
"IWWWWWW! BWISET KA! NAKAIN KO PA GUSTO MO TALAGA NG GANITUHAN HA" sigaw nung babae di ko alam kung sino basta ang sunod na nang yare nilagyan nila ako ng buhangin sa mukha kaya pumikit ako at tinikom ang bibig ko,. hinahagisan ko nalang sila
"HOY TIGILAN NIYO YAN!" sigaw nung babae parang familliar yung boses niya. diko kase makita kase nakapikit ako naramdaman ko na lang na nagsialisan na sila sa ibabaw ko at may umalalay sa likod ko
"ok kalang?" tanong saakin pag dilat ko nalaman ko na kung sino si joan pala nag nod nalang ako at yumakap sakanya
"bakit niyo ba pinagtutulungan si jasmin ha?" tanong ni paulyn sila yung rescuers sa drying dams naalala niyo yun
"Yan kaseng jasmin na yan napaka damot hinihingi lang naman namin yung number ni fafa renan namin "sabi nung matangkad na babae
"eh ano naman kung di niya binibigay? gusto niyo ireklamo ko kayo para malaman niyo kung saan kayo nababagay?" sabi ni paulyn pero tinarayan lang siya nung mga babae at umalis na, pumunta saakin si paulyn at inalalayan tumayo
"salamat sainyo paulyn at joan ha" sabi ko at ngumiti nakita ko naman di kalayuan si sir renan na pumunta sa direction namin na masama ang aura. kaya napalunok na lang ako........

nung makalapit si sir saamin bigla niya akong hinawakan sa braso ng napakahigpit kaya napa aray ako
"S-sir m-masakit po" sabi ko sakanya pero wala siyang reaksyon
"anong nangyare sayo?" tanong niya saakin na may malamig na boses
"sir nasasaktan ako" sabi ko sakanya pero di niya ako pinapakinggan
"ANONG NANGYARE SAYO?!" sigaw niya, nagulat ako sa pagsigaw niya hindi nanaman ako makahinga ng maayos, ayoko talaga ng pakiramdam na to kaya napahawak ako sa dibdib ko
"SIR TAMA NA YAN" sigaw ni paulyn at naramdaman kong binitawan ako ni sir at inalalayan ako ni joan at onti onting nandilim ang paningin ko................

Renan POV

"Jasmin" tawag ko sakanya bakit ba. lagi nalang tong nangyayare sakanya. fuck bakit ko ba siya sinigawan, binuhat ko siya papunta sa VIP room dito sa resort, buti nalang nandito si paulyn para macheck si jasmin.....
"sino ba ang gumawa nito sakanya?" tanong ko kay joan
"sir hindi po namin kilala sir pero natatandaan ko po ang mga mukha nila" pag ka sabi ko nun hinila ko siya at dinala kung saan nangyare, nakita kong naghahanap si joan, at alam kong hinahanap na niya ang mga babae
"sir, ayun po sila" sabi niya sabay turo sa tatlong babae na familliar saakin, lumapit ako sakanila,at di lang familliar, kilala ko pala sila ang peste sa buhay ko nung nasa highschool palang ako si maricha, jessa at reilyn.bakit ko pa sila nakita, at sila pala ang gumawa nun kay jasmin
"my dear renan, hinahanap mo ba kame?" tanong ni jessa
"can you stop calling me like that" mahinahon kong sabi sakanya
"ok" sabi niya at ngumiti humawak sa magkabilang balikat ko si maricha at reilyn
agad ko namang tinanggal
"wag niyo kong hahawakan" sabi ko
"sasusunod na gawin niyo sa girlfriend ko yung mga kagaguhan niyo kakalimutan kong babae kayo" malamig na saad ko sakanila na dahilan para lumaki ang mata nila, syempre sinabi ko lang yun para tigilan nila si jasmin, wala di na enjoy tong outing namin ngayon lagi nalang napapahamak si jasmin ano ba meron dun sa babaeng yun puro pahamak nalang at ako naman tong si tanga todo alala.. 
"sir girlfriend niyo pala si maam jasmin"sabi ni joan tiningnan ko siya sa mata
"no" maikling sabi ko sakanya at inunahan siya maglakad.... pumunta agad ako sa VIP room na kinalagyan ni jasmin.pagbukas ko nagulat ako sa nakita ko...........

Lance POV

nandito ako ngayon sa kwarto ni jasmin, wala pa din siyang malay, diko alam kung anong gagawin ko sobra akong nagaalala sakanya, natatakot din ako sa pwedeng mangayare sakanya,.... tinititigan ko siya nilapit ko ang mukha ko sakanya para halikan ang noo niya pero nagulat ako nung may biglang tumulak saakin, si renan pala
"ANONG GINAGAWA MO?!  BAKIT KAPA NANDITO ?!" sigaw niya kaya tumayo ako
"wala akong ginagawa sakanya, kaya pwede ba wag kang maingay . may kukunin lang ako sa resort na to" mahinahon kong sabi sakanya, di ko maintindihan kung bakit hindi pa niya sinasabi kay jasmin at kung bakit hindi naaalala ni jasmin....
"kitang kita ko lance,gusto mong halikan si jasmin" sabi niya saakin
"wala sa isip ko yun renan" sabi ko sakanya.pagkasabi ko nun umalis na ako, may iba akong nararamdaman kay jasmin, pero mali naman ang iniisip niya

-------

Please Comment,Like,Share and Vote my story Mahbabies☺️

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now