Chapter 4 " Meet Him Again Sir Mabait "

6.5K 157 2
                                    

naglalakad ako papunta sa grocery ngayon. buti nalang malapit lang ang grocery dito. bwiset talaga siya.nakakainis talaga siya ang yaman yaman na nga di man lang ako binigyan ng pamasahe kahit bente lang, ang init init pa naman.. mga 20 minutes na akong naglalakad at nakita ko na ang grocery buti naman at nakarating na ako.

pagpasok ko palang. ang sarap na sa pakiramdam kase ang lamig. nakapikit pa ako para lasap na lasap. hahaha

"Ms. kawawa?" ewan ko ba kung sino nagsabi nun. narinig ko lang naman yun eh..

may nangalabit saakin. ano ba yan. panira eh. dumilat ako 0_0

"Sir L-lance bakit po?" sabi ko nakakagulat bakit siya nandito? sinusundan niya ba ako?
"Bakit nandito ka? ano ginagawa mo dito?" tanong niya. may pagkatanga din pala to si sir eh
"Ah inutusan po kase ako ni sir renan"
"sige samahan na kita"sabi niya
"wag na po sir. kaya ko naman po"sabi ko kahit na hindi ko naman talaga kaya syempre pakipot konti diba. hahaha
" ah ganun ba. sige mauuna na ako ha ingat" sabi niya hala di naman to mabiro
"sir joke lang hehehe diko naman talaga kaya kase worth 20,000 po tapos kailangan walang labis walang kulang. naglakad nga lang ako eh"pagpapaliwanag ko sakanya.
"yare talaga saakin yang renan na yan,wag kang mag alala ok"sabi niya.

matapos ang ganung ganap, nagrocery na kame ang daming pinamili at alam niyo ba halos magdugo yung ilong ko kaka divide dito. hayy sa wakas natapos din kame at alam niyo ba siya lahat nagbitbit ang laki kaya ng katawan niya hiyang hiya naman ang braso ko sakanya.

"hatid na kita sa condo ni renan"sabi niya
"okay lang po ba talaga sayo?"tanong ko sakanya
"oo nga"sabi niya saakin sabay ngiti.ang gwapo niya talaga kaso mas gwapo si sir renan sa kanya masungit nga lang

sumakay na ako sa passenger seat. nakakahiya naman kase kung sa likod ako sasakay baka magmukhang hot na driver ko si sir lance hahahaha. 

mga ilang minutes din bago kame nakarating sa condo ni sir renan ito ba ang sinasabi niya nalalakadin ko daw ganito kalayo ang sama talaga ng ugali niya.  nakakabwiset

"andito na tayo, bakit ganyan itsura mo parang may pinapatay ka sa isip mo ha" sabi niya.  sarap sabihin na ang kapatid niya ang dahilan kaya ako ganito
"hehehe wala po" sabi ko nalang.  nagbitbit ako ng ilang

dalahin syempre nakakahiya naman kung siya lang lahat. 

sumakay na kame ng elevator at pinindot nanaman ang 8.  bat ba puro 8 nalang yung floor ni sir renan ayy baka naman nagkataon lang.

*TING* (tunog ng elevator)

pagbukas ng elevator nakita ko kaagad si sir renan na nakahiga sa sofa at nagcecellphone. bakit ganun deretsyo agad sa bahay niya? ano bang meron?
biglang napatingin saamin si sir renan.  bakit ang sama nanaman ng tingin niya saamin. sanay na akong ganyan siya pero iba talaga eh. 

------
Please Comment,Like,share and Vote my Story MahBabies☺️

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now