Chapter 1 " First Meet "

16.9K 329 11
                                    

Jasmin POV

"SAKURAAAAAAAAAAA!!!!!!!!" sigaw saakin ni mama

ano ba yan natutulog pa ako eh, nakakainis naman eh di na nga ako nakatulog kagabi kase kinikilig ako sa pinanood ko na strong girl bong soon. teka nga bat ba madaling madali si mama

TOK*TOK*TOK (katok sa pinto)

"ANO SAKURA?! HINDI KA PA TATAYO DYAN!! ANONG ORAS BA INTERVIEW MO HA?! MAGAALAS OTSO NA! NAKO KA TALAGANG BATA KA!" sigaw ulit mama habang katok ng katok, takenote sobrang lakas niyan. halos masira na nga ang pintuan ko nun ii.

matapos ko marinig ang sigaw ni mama na mala regine velasquez automatic na napatayo ako sa kinahihigaan ko. Oo nga pala interview ko na pero 8:30am pa naman yun, anong oras na ba? *tingin sa wall clock* wh*t th* f*ck!!!! 7:30 na putapetepito! nagmamadali na akong naligo*may cr po ako sa kwarto pero di po kame mayaman hahaha* pagkatapos ko maligo nagbihis na ako ng formal attire at nagmake up ng very light

binuksan ko na ang pinto, nagulat naman si mama

"kanina pa ako katok ng katok sa pinto, di ka man lang nagsasalita nakabihis ka na pala" sabi ni mama habang nagwawalis

"sorry mama, aalis na po ako 8:30 kase ang interview ko  mag aalas otso na din kase" sabi ko, sabay hug

" di kaba kakain?"tanong ni mama

"hindi na po baka malate na po kase ako" sabi ko habang nagsusuot ng. sandals

"sige magiingat ka ha" sabi ni mama

nag-nod lang ako nun at umalis na

*JEEP*

"manong bayad po sa lee company lang po" sabi ko at inabot ang bayad

hayys traffic pa, 15 minutes before 8:30 gosh.........
........
.......
......
.....
....
...
..
.

at sa wakas nandito na din

"manong para po" sabi ko, pero deadma lang
"MANONG PARA PO"sigaw ko kaso wala pa din.  ang bilis kase magpatakbo
"MANONG!" tawag ko sakanya yung ibang pasahero sumisigaw na din. 
"DARNA!" sigaw ko ng napakalakas at kasabay nun yung paghinto ni manong at pagtingin saakin ng mga pasahero.  natatawa ako sa reaksyon nila pati kay manong akala siguro nila andito si angel locsin hahaha.. hayy naku manong maglinis ka naman ng tenga mo..
dere deretsyo lang akong bumaba ng jeep. ano ba yan maglalakad pa ako.  haggard na ako ohhh..

Lakad takbo ang ginawa ko kase nga late na ako.hindi na ako nakafocus sa mga nakakasalubong ko kaya nabunggo ako sa poste ay mali tao pala to. dahilan yun para maplakda yung pwet ko . ang sakit besh ha.. tumayo ako ng dahan dahan.  nakakahiya naman kase sa nakabangga saakin nakatingin lang kase. 

"sorry ha, bwiset" sabi ko habang nagpapagpag.buti di napunit yung envelope ko laman kase nito yung mga requirments ko.

"stupid, look at the path" sabi niya, nabigla naman ako sa sinabi niya. 

"what did you say?" tanong ko,englishan pala ha. 

" are you deaf? tss stupid deaf" simpleng sabi niya kasabay nun yung pag smirk niya

" WAG MO AKONG MAGANYAN GANYAN PURKIT GANYAN KA!WAG MONG SANAYIN MA GANYAN KA!GWAPO KA PA NAMAN NAPAKAYABANG NAMAN!" sigaw ko sakanya at umalis na.  sakit na ng paa ko nakaheels pa naman ako.  kaya tinanggal ko muna.naglakad, takbo akong nakapaa. 

buti naman at narating ko din tong Lee company na to. papasok na sana ako

"maam bawal po pumasok" sabi ni manong guard

tingin muna ako sa likod at magkabilang gilid ko. ako ba kausap niya?

" ah excuse me? ako po ba kausap mo?" takang tanong ko

"opo maam bawal po madumi dito" sabi niya

kaya tiningnan ko ang sarili ko. tama nga si manong ang dumi ko na nga . haggardness. 

"kung magaapply po kayo,  wala na din po si sir Lee.  kakaalis lang po.  tinext po ng secretary niya lahat ng magaapply na maaga kailangan kaso unti lang po ang dumating kaya nung natapos umalis na si sir" pagpapaliwanag niya

nag nod lang ako nun. halos manlumo ako sa sinabi niya.bakit napaka malas ko sa mga ganito.  ano na lang sasabihin ko kay mama.  umupo ako sa batong hagdan. kung maaga sana ako magiging ok siguro ata ang lahat.

nakita ko yung nakabangga ko siguro magaapply din siya.  tss sorry siya.  MALAS DIN SIYA.

"what are you doing here?"mukhang tangang tanong niya

"ALAM MO KASALANAN MO TO! BWISET KA!KUNG HINDI KA NAKIPAGTALO EDI SANA MAS MAAGA AKONG MAKAKARATING DITO AT MAIINTERVIEW PA AKO. AT MAY POSSIBILITY NA MATANGGAP AKO! DAHIL. SA KAYABANGAN MO KAYA AKO NANDITO SA LABAS KAYA WAG MO AKONG MAENGLISH ENGLISH DYAN BAKA MASAPAK KO ANG PAGMUMUKHA MO! NAGUGUTOM. AKO! KASE NAGMAMADALI AKONG MAABUTAN ANG INTERVIEW KO! PERO WALA AKONG NAPALA DAHIL NGA SA KAYABANGAN MO!" sigaw ko sakanya. halos mapaiyak na ako. bwiset talaga

lumapit saakin yung guard at pinapatigil niya ako pero sinamaan ko lang siya ng tingin.pero wala lang sakanya at parang takot na takot pa siyang nakatingin dun sa lalaki

"S-sir L-lee P-pasensya na po" nanginginig niyang sabi. tss bat siya humihingi ng pa------ teka sandali? Lee company? Sir Lee? wag mong sabihin..........

"Come to my office now, no buts" sabi niya saakin. teka patay ako nito, pano to at pagkatapos niya iyon sabihin umalis na siya wala naman akong nagawa sumunod lang ako.  kinakabahan ako...

-

NEXT OR NOT

please comment & Vote naman kayo para naman ganahan akong gumawa.  goodcomments guys. 

Ang Masungit Kong Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now