Chapter 30

365 15 0
                                    

"OOOOOOMMMGGG!!!!! CONGRATS ALLLLEEEY!!" napatakip naman ako ng aking tenga dahil sa sigaw ni Lauren. Tumawa naman sila Nathan, Khacy at Alex dahil sa reaksyon ni Lauren. 

"Lau, so load!" Sigaw ko din sa kanya.

Pero bigla naman niya akong niyakap. "Eh bakit ba! Masaya nga ako e! Gosh! Magiging tita na ako. Omg!" sabi niya sabay acting na parang iiyak. Napatawa naman tuloy ako, ang OA talag netong bestfriend ko. 

"Love, gusto mo bang gumawa na lang tayo? Para naman maging tita na rin si Alley at Khacy." sabi ni Nathan kay Lauren, sabay kindat. 

Inirapan naman siya ni Lauran. "Che! Magiging MSN pa ako nu!" sabi niya. Nabanggit din ni Lauren sakin kanina pag dating nila na kukuha ito ng Masters in Nursing. Bigla naman ako naging masaya dahil sa sinabi niya. 

Simula noon, gustong gusto niya na talaga maging Teacher, pero sabi ng mga magulang niya, eh dapat meron isa sa kanila ni Kuya Laurence ang dapat maging Doctor. Hindi naman maipag kakaila na matalino silang dalawa. Pero wala talagang gana si Kuya Laurence sa mga Medical Course. Kaya dapat, kahit gustong maging guro ni Lauren, ay siya na lang ang tumupad sa  pangarap ng mga magulang nila. Dapat mag pproceed si Lauren ng Med, mabuti na lang na kumbinsi niya ang mga magulang niya na ipersue yung pangarap niya. 

"Kumain naba kayo?" Tanong ni Alex sa kanila. 

"Wow. Concern." Tukso ni Khacy. 

Ngayon ko lang nalaman na close talaga silang mag pinsan. Palaging nag aasaran, kaya naman natatawa na lang ako pag na pipikon ni Khacy si Alex. 

"Wag na wag kang kakaing bata ka." sabi ni Alex turo pa kay Khacy. 

"Nag salita ang hindi bata." saad naman ni Khacy. 

Napatawa naman ako dahil sa pag babangayan nila. Napatingin naman kami ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Alex. 

"Good evening po Doc" Pagbati ko dito. Ito kasi yung Doctor ni Alex. Binati niya din kami, at nag simula ng i-check si Alex. Pag katapos nitong mag check, ay agad din itong umalis dahil mag rrounds pa daw ito. Sinabi niya na pwede nang makalabas si Alex sa susunod na araw. 

"Nagugutom na ako." sabi ko. Napatingin naman sila sa gawi ko. Nanonood kasi sila ng TV at nakaupo sa sofa. Habang ako, ay nakaupo sa silya na katabi ng kama ni Alex. 

"Anung gustong kainin ng Love ko?" Tanong ni Alex sakin. 

"Gusto ko ng Barbeque ng kapatid ni Bernadette." sabi ko. Natakam ako habang iniisip ko yung inasal nila Tita Via, yung kapatid ni Bernadette. Si Bernadette yung isa naming kaibigan ni Lauren, matanda siya samin ng isang taon, kaya last year pa siya Graduate bilang isang Med-Tech sa pinag mulan namin na school ni Lauren. Ngayon, ang alam ko nasa UAE na siya at nag ttrabaho sa isang Hospital dun. 

"Naku girl ang layo naman ata nun. Quezon City yun Girl." Sabi ni Lauren.

Napa nguso naman ako, " Gusto ni Baby ng inasal ni Tita Via e" sabi ko sabay simangot. "Oh sige, kung ayaw niyong bilhin, sige. Wag na lang." Sabi ko. PERO GUSTO KO TALGA NUN! Para naman akong naiyak. Naiiyak ako dahil sa inasal lang? Pero bakit ba? Yun talaga gusto ko e.

"Okay okay. Bibili tayo nun." sabi ni Alex sabay tingin kay Nathan. "Can you buy it? Coz you know, can't drive." sabi ni Alex at halatang nahihiya ito.

Natawa naman si Nathan, " Of course, para sa kapatid ko." sabi ni Nathan. Bigla naman ako nakaramdam ng saya. Yes! May Inasal na! Yesss!

Unforgettable(COMPLETED)Where stories live. Discover now