Chapter 28

348 17 0
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong masusuka na'ko. Agad akong pumunta sa cr at sinubukang mag suka, pero wala naman.

Nang hilamos ako at tinignan ang aking mukha. Hindi ko naman mapigilan na isipin ang sinabi ni Lauren sakin kahapon.

(Flashback)
"Al, kumain kana muna. Kanina kapa di kumakain." sabi ni Lauren. Tinignan ko naman siya at ngumiti.

"Okay lang ako Lau. Kakain ako mamaya." sabi ko at binalik ulit ang tingin ko kay Alex.

"Yan din ang sinabi mo kanina Al, kumain ka naman oh. Kahit konti lang. Baka ikaw na mag kasakit nyan sa pinang gagawa mo e" sabi niya.

Ewan ko ba, wala talaga akong gana ngayon. Pero minsan naman magana akong kumain, pero ewan ko ba, di ko na maintindihan ang sarili ko.

"Wala talaga akong gana Lau." sabi ko.

"Wala kaba talagang gustong kainin? Kahit na anu?" she asked.

Nag isip naman ako. Bigla kong naalala yung mangga na nakita ko sa labas ng hospital. "Gusto ko ng mangga." natatakam na sabi ko.

Bigla naman kumunot ang noo ni Lauren, "Kailan kapa nahilig sa mangga?" she asked.

Napanguso naman ako, "Ede wag na lang. Tatanong tanong mo kung anung gusto ko, tas pag sinabi ko, rreklamo ka naman." sabi ko at umirap.

"Woah. Easy. Bat ang moody mo?" sabi niya.

"Ewan ko sayo. Basta, yun yung gusto kong kainin." final na sabi ko at tumalikod na sa na sakanya.

"Wew. Para kang buntis. Oo na, bibili na ako ng mangga" sabi niya at lumabas na.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Possible kayang buntis ako? I mean, we did it several times. But, I don't know. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kung buntis man ako, masaya ako, masaya ako dahil isa itong biyaya na binigay ng Panginoon. Pero di ko rin maiwasan na hindi matakot. Takot ako dahil mag-isa lang ako, kahit naman andito sila Lauren, iba pa din yung nandito si Alex. Iba pa din sa pakiramdam.

Lumabas na ako sa banyo pag katapos kong maligo. Nag bihis ako, hindi man ako komportable, ay nag suot ako ng isang dress para hindi mahirap gumalaw, at kung buntis man ako, ay para na din hindi masyadong masikip.

Lumabas ako ng apartment ko at sumakay ng elevator. Dederitso ako sa hospital, pero hindi kay Alex. Kundi sa OB.

=========
"Congratulation Ms. Cruz, you are 2 weeks pregnant" sabi ng doctor pag katapos ng ilang mga tests na ginawa niya sakin.

Totoo ba tong naririnig ko? Buntis ako? May anak kami ni Alex...

Naramdaman ko naman ang namumuong luha saking mga mata. Ang saya ko. Sobrang saya ko. Mag kaka anak na kami ni Alex.

"Rresitahan kita ng mga kailangan mong vitamins, and I'll discuss about your check ups. Hihintayin na lang kita sa labas." sabi ni doctor at agad na lumabas.

Sobrang saya ko sa nalaman ko, pero hindi rin maalis ang takot sa puso ko. Takot na baka hindi na magising si Alex. Takot na baka mag isa kong palalakihin ang anak ko. Takot na takot ako sa mga possibleng mangyari, at kung mangyari man iyun. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas. Umupo ako sa upuan na nasa harap ng doctor. Binigyan niya ako ng resita para sa mga kailangan kong bilhin na mga vitamins. Pinayuhin niya din ako na wag gumawa ng mga mabibigat na gawain.

Pagkatapos kong nag pa konsulta ay umalis na ako dun. Nakaramdam naman ako ng gutom, kaya dumiretso muna ako sa cafeteria ng hospital.

Sunday ngayon, kaya ang alam ko ay buong araw na mag sstay sa hospital ang daddy ni Alex.

Alex.. Bigla ko nanaman naalala ang mga posibleng mangyari. Kailangan ko si Alex. Iniisip ko pa lang na lumaking walang ama yung anak namin, ay masakit na para sakin.

Ayokong lumaki ang magiging anak namin na walang kinikilalang ama. Sapagkat alam na alam ko kung gaano ka sakit ang mawalay sa ama.

Gusto kong bigyan ng isang kompletong pamilya ang anak ko. Ayokong ipagkait sa kanya ang karapatan niyang magkaroon ng nanay at tatay.

Kaya sana... Sana magising na si Alex. Gustong gusto kong ibalita sa kanya na mag kaka anak na kami. Gusto kong makita ang reaksyon niya. Magiging masaya ba siya o hindi.

Tinignan ko ang mga pag kain sa cafeteria. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mag reklamo sa amoy. Parang na susuka ako. Kaya imbes na ipag patuloy ko ang pag hanap ng makakain, ay umalis na lang ako dun.

Gusto ko ng Jollibee. Yung lumpia, tas burger, tas yung halo halo ice cream nila. Natakam naman ako sa iniisip ko. Napahawak ako sa tiyan ko, "Grabe ka naman baby, yan ba talaga ang gusto mong kainin?" natatawang sabi ko.

Sumakay ako ng elevator para maka punta sa room ni Alex. Nang bumukas na ito, nakita ko ang dalawang doctor. Nag taka naman ako ng makilala ko yung isang doctor, siya yung doctor ni Alex.

Bigla naman akong kinabahan. Kaya agad akong nag madaling pumunta sa room ni Alex. Pag bukas ko ng pinto, ay nagulat agad ako sa nakita ko...

Si alex...
He is sitting ang staring at me na parang may ginawa akong kasalanan..


Unforgettable(COMPLETED)Where stories live. Discover now