Chapter 13

349 14 0
                                    

Maaga akong nagising para mag simba. Sinuot ko lamang ang isang simpleng blouse at skinny jeans ko. Pagkatapos kong mag bihis at mag ayos, agad na 'kong umalis. Ayoko ko kasing nahuhuli pag mag s-simba ako. Nang nakarating na ako sa simbahan, agad na akong umupo sa isang upuan na malapit sa bintana. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko dito umupo, ayoko kasing nasa unahan o likuran. Yung nasa gitna at malapit sa bintana, okay na 'ko.

Maya-maya pa, nag simula na ang misa. Nakikinig ako sa sermon nang pari, ng may umupo sa harapan ko. Hindi ko pinansin 'yun at tinuon na lamang ang atensyon ko sa pari. Nagulat naman ako nang humarap sa'kin ang baby na nasa harapan ko, tinignan ko 'to. Mukhang 1-year-old pa lang siya. Tinignan ko ito at nagulat naman ako ng bigla itong ngumiti. Nginitian ko 'rin siya at pinag masdan ang kanyang mga mata. Bakit parang pamilyar ang mga mata na 'to?

Hindi ko naman makita ang mga magulang niya kasi nakatayo kami at naka talikod naman sila sa'kin. Yung papa niya pala ang kuma-karga sakanya. Nagulat ako ng bigla niyang tinaas ang kamay niya at nilapit sa mukha ko. Hinawakan ko naman ito, na agad naman nag pangiti sakanya. Ang ganda niya, lalo na ang kanyang mga mata na kulay asul. Kinuha ko naman ang mga kamay ko ng nag lakad na ang mga magulang niya para mag Communion.

Nang natapos na ang misa, hinintay ko muna mag sialisan ang mga tao. Nang sa banta ko ay wala ng mabuting tao, tumayo na ako at nag sindi muna ng kandila. Pag katapos kong mag sindi, agad na akong lumabas ng simbahan. Ngunit sa kasamaang palad, meron akong nabangga. Tinignan ko 'to at nagulat sa nakita ko.

"Kuya L-Laurence?" hindi maka paniwalang tanong ko. Ramdam ko naman na nagulat din ito dahil matagal pa bago siya nakasagot.

"A-Alley? Ikaw na ba 'yan?" hindi rin maka paniwalang tanong niya. Tumango ako at ngumiti. Agad niya akong niyakap, nagulat man ako pero sinuklian ko rin ang yakap niya. Nang kumalas na kami sa yakap agad siyang nag salita, "Kamusta kana? Matagal na rin tayo hindi nag kita." Sabi niya na naka ngiti.

"Okay lang naman ako, kuya Laurence. Kayo po? Hindi ko kayo nakita sa birthday ni Lauren last year ah?" tanong ko. Napakamot naman siya sa batok niya.

"Ahmm.. Ang totoo niya—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may biglang nag salita.

"Daddy! Daddy!" sigaw ng isang bata na karga-karga nang isang babae. Napatingin naman si Kuya Laurence sa kanila.

"Oh Alexis. Pinapahirapan mo naman ba ang Yaya mo?" tanong niya bago kinarga ang bata. Tinignan ko naman ang bata at nagulat ako dahil siya yung baby na nakita ko kanina. Kaya pala pamilyar ang mga mata niya, dahil mag katulad sila ng mata ni Kuya Laurence. Tumingin si Kuya Laurence sa'kin, "Alley, si Alexis pala. Anak ko." Sabi niya. Gulat na tinignan ko siya.

"Omg. Anak mo? Seryoso?" hindi maka paniwalang tanong ko, kahit alam ko naman na anak niya talaga kasi mag ka pareho nga sila ng mata. Tumango naman ito at ngumiti,

"Oh yes. The one and only." Saad niya. Tinignan ko naman ang babaeng kasama niya. Bakit parang galit siya? Ang sama ng tingin niya sa'kin. "By the way, this is H-Hazel.." sabi ni kuya Laurence at iniwas agad ang tingin. Tinignan ko naman si Hazel pero umiwas rin ito ng tingin. Okay? Parang may something ata na nangyayari sa kanila.

"Sige Kuya Laurence, alis na 'ko. Bye baby Alexis!" sabi ko at hinawakan si Alexis sa kanyang pisnge. Tumawa naman siya at nag ba-bye din sa'kin. Ang cute cute niya. Parang gusto ko siyang iuwi. Napatingin naman ako kay Hazel. "Bye Hazel." Sabi ko at nginitian siya. Mukhang nagulat naman ito. Hindi ko na hinintay na sumagot ito, at nag lakad na.

Mukhang mag kasing edad lang kami ni Hazel. Ang ganda niya, para siyang Dyosa. Kahit na simple lang ang damit niya, ngunit hindi ko makakaila na maganda talaga siya. Nababagay naman ang kanyang mahabang buhok sakanya. At ang kanyang katawan, na sakto lang. Napa ngiti naman ako. Bagay sila ni Kuya Laurence.

Unforgettable(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant