Capitulum 073

11.5K 271 0
                                    

9 hours before...

Mapupungay ang mata ng mga naiwang Ten Lords sa Guillermes mansion nang pumasok sila sa conference hall. Si Raphael naman ay inip na nagtatapik sa mesa gamit ang kanyang mga daliri. Pinasadahan niya ng tingin ang mga tauhan habang sila'y isa-isang nagsipasukan.

Nauna sa linya si Saint, ang assassin ng mafia. Sumunod naman sa kanya sina Helios-ang imbentor, Yuri-tactician, at Paris-doctor. Lahat ng mga tauhan na krusyal sa magiging operasyon nila ay nandito na kaya naman hindi na kailangan pang tawagin ang ibang mga kinatawan. These caporegimes mostly do the field work, while the others who left were in charge with the mafia's economy.

Matapos ang ilang sandali ay nakarinig ang sina Raphael at mga kasama niya ng mabilis na paglakad, tumingin sila sa bukana ng silid at bumungad si Sakaki, pawisan siya at halata ang paghabol niya sa kanyang hininga. Halatang galing ito sa walang tigil na pagtakbo upang hindi mahuli sa pagtitipon.

"We're complete." Raphael started. Kumunot naman ang noo ng iba dahil sa kanyang anunsyo.

Nagtaas si Yuri ng kamay, "Mavis is missing, young master." Aniya.

"You will no longer see her." Matigas na sagot naman ni Raphael. Nagkatinginan ang lahat dahil sa sinambit ni Raphael, halata ang pagkagulo dahil sa kanyang mungkahi. Halata rin naman na naghihintay silang lahat ng kasagutan.

On the other hand, Sakaki tiptoed to his seat since he didn't want to disturb the momentum. Tatanungin sana ulit niya kung bakit siya iniwan ng kanyang boss sa hotel ngunit hindi na dahil nakakatakot ang awra ni Raphael sa mga sandaling ito. Halata rin ang pagtataka sa kanyang mukha dahil sa sinabi ni Raphael na hindi na nila makikita pa si Mavis.

"I wouldn't be calling all of you in the middle of the night if it wasn't for Mavis." Walang emosyong paliwanag ni Raphael. Hanggang ngayon, sa tingin niya ay si Mavis pa rin ang may malaking kasalanan kung bakit nangyari ito. Alam nito ang malaking posibilidad ng pangyayaring ito ngunit hindi siya nagsalita. Kung alam lang sana ni Raphael ito, maiiwasan pa ito.

But since he wasn't specific enough to what he was pertaining, mas lalong naguluhan ang mga tauhan. Iniwan niya silang nagtatanong sa kanilang sariling isipan. Hindi nila alam ang mga nangyayari ngayon at wala pa sila sa diwa upang mag-isip dahil karamihan ay inaantok pa. "But we're not here to discuss about her, we're here because Lucent is in trouble and we need to save her as soon as possible."

"Why is she in trouble, young master?" Helios asked. Seryoso ang kanyang tinig. Ang pagkakaalam niya, sa isang selebrasyon sila dumalo upang ipakilala si Lucent sa mundo bilang asawa niya. But considering the status of his mafia boss, danger will surely come into his aid and the ones he holds dear. Hindi na siya nasurpresa pa. Pero upang mangyari ito nang ganito kaaga, mukhang ang tadhana ay salungat sa kanilang pag-iibigan.

"Nasa kamay siya ngayon ng mga Marconi." Raphael stated. Some gasped because of what they heard. They know the bad history between them and the Marconi mafia, alam nila ang patungkol sa Phantom Rogue. Nagising nang tuluyan ang diwa ng mga tauhan ni Raphael dahil sa kanyang sinabi. Halatang hindi makapaniwala sa nangyari.

"It's my fault... kung binantayan ko lang sana siya." Sakaki bit his lower lip in regret.

"This is beyond our control. We didn't know and see it coming." Sagot naman ni Raphael. Nagulat naman si Sakaki na tumangin sa kanyang boss. He was actually low-key comforting him. Palihim na ngumiti si Sakaki dahil kahit papaano, hindi siya sinisi ng kanyang boss sa pagkawala ng kanyang asawa.

"Paano iyan, hindi natin alam kung saan ang Island of Fire na taguan ng mga Marconi?" Hekios inquired. Tumango naman ang iba pa. Kahit anong gawin nila, hindi talaga nila mahanap ang islang ito. It's like the mere existence of the island is fictitious. They tried searching for it using several satellites, but it didn't work.

Namangka na rin sila sa baybayin ng La Mayor upang hanapin ito ngunit wala pa rin. They tried contacting the Silicians who once owned the island, but Liham Silician and his mafia had an agreement with the Marconis to never say a word about the island. That was their condition before buying it.

And one more thing, the Silicians do not want to warrant any part in this mafia feud. Isa sila sa mga niyutral na mafia sa organisasyon ng bansa. Ngunit kahit na ganoon, isa pa rin sila sa mga pinakamalalakas at pinakamapangyarihan.

"Worry no more. I have her coordinates." Nilabas ni Raphael ang tablet na binigay sa kanya ni Mavis, he opened it, on the screen, a map was flashed with the blue dot that signifies where Lucent is, the Island of Fire. "We'll be hitting two birds with one stone, folks. Save Lucent and destroy the Marconi mafia. We'll finally put an end to our dispute."

Halata ang pagkaengganyo sa mukha ng mga tauhan ni Raphael. They've waited long enough for this to happen. Alam nila na magkakaroon ng giyera. Halos isang dekada na ang lumipas matapos silang nakipagbakbakan. The passing years were peaceful, and they went on a steady pace of growing their organization. They can finally put their talents to good use.

"Yuri, you are the tactician. I want you to be the brain behind the operation." Saad ni Raphael sa isa sa kanyang mga caporegime.

Ngumiti naman si Yuri at tumango. Kinuha niya ang tablet kung nasaan nakalagay ang lokasyon ni Lucent. Si Helios naman ay nagkabit ng imbensyong projector sa gadget na ito at pinosisyon ang ilaw sa kremang pader upang makita ng lahat ang kung ano mang nakalagay sa antipara ng tablet. The image was already projected into a larger picture. Pinatay din ang ilaw sa silid upang mas maging malinaw ito.

Tinignan nang maigi ni Yuri ang mapa. Hindi rin siya makapaniwala na alam na nila ngayon kung nasaan ang Island of Fire. When they strike, the enemy will not see it coming. They'll be caught off guard. Yuri grinned victoriously and wickedly. She excitedly device a plan using her mind.

When it comes to giving advice, Mavis is number 1. But when it comes to tactics and strategies, Yuri is the first place. Yuri zoomed the map further, from pixelated pictures, mas naging malinaw ang mapa, while she also kept zooming in, mas naging malinaw ang isla. Hindi na mapa pa ang nasa iskrin, isang larawan na ng kabuuan ng isla. It was a live feed of the infamous Island of Fire.

Knight in Shining TuxedoWhere stories live. Discover now