Capitulum 066

11.8K 286 7
                                    

Habang naglalakad kami palapit sa tarangkahan ay awtomatikong bumukas ang pinto. The metal screeching of the gates as they open resonated and somehow caused goosebumps around my body. Halatang namukhaan agad ng kung sino mang nag-oopera sa tarangkahan ang magkapatid na kasama mo. I also saw a red blinking light on top of the right gate, I already know that it was surveillance camera.

The camera moved. Tila sinusundan ako nito. Naririnig ko pa ang paggalaw nito. It was robotic and mechanic. We passed by and entered the compound, nang nasa loob na kami'y awtomatiko na namang nagsara ang tarangkahan.

Mula sa aking harap ay natanaw ko agad ang modernong mansion. Malawak ito. Base sa mga hilera ng bintana sa bawat dulo, nasa apat na palapag ito. The house seems to be inspired by western culture though and it has a touch of Baroque. There were also round and big pillars that reached until the ceiling. There were ten pillars, to be exact. The color was dirty white.

I also noticed that there were statues around, they were statues of angels and humans, and all that. I didn't notice that I was already gaping because of the landscape. This place is beyond beautiful. It seems like my grandparents also prioritize the essence of architecture.

Habang naglalakad kami ay lumilinga ako sa paligid. May mga tauhan ulit na nagkalat, halata na naman ang pagtataka sa kanilang mukha habang nakatingin sa aking gawi. Hindi rin nakatulong na nakasuot ako ngayon ng grandeng bestida. My gown's corset felt very restricting at this point. Its ball was literally smashed as well and the dress was deformed, maybe that was when I forced myself out of the window.

We walked into the porch of the front door. Bumukas ang pinto at bumungad ang isang babaeng may katandaan na. Nakasuot siya ng unipormeng kulay itim at pula. Base sa kanyang tindig at kilos, alam ko na agad na siya ang pinakamataas na mayordoma. "Who is this?" Tanong nito sabay turo sa akin.

"She's the granddaughter of Don Hidalgo. You need to call him." Helium answered to the lady. "Ngayon na, Miss Steele."

Yumuko ang babae at tumingin sa akin, "striking resemblance," aniya, "you have your mother's face... ang tanging pinagkaiba lamang ay ang iyong mga mata na minana mo kay Don Lucas. You really are Don Hidalgo's granddaughter. Matutuwa siya kapag malaman niya na ikaw ay buhay." Ngumiti ito. "O'sya, pumasok na kayo. Tatawagin ko lang si Don Hidalgo." Mas binuksan pa ni Miss Steele ang pinto upang makapasok kami.

Nang pumasok kami'y pinagmasdan ko muli ang interyor ng mansion. Maraming mga disenyo at mga dekorasyon na halatang mamahalin. Ang marmol rin ay kumikintab. Walang bahid ng alikabok sa paligid. Tumingala ako at nakita ang tatlong malalaking tsandelyer na nakabitin. Hindi ko maiwasang mamangha. Ganito karangya ang aking lolo.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi ako pinakilala ng aking mga magulang sa aking lolo sa inay. I mean, my grandfather is a mafia boss, what reason would it be to have my parents hide his existence from me? Kay Raphael ko pa nalaman mismo na may lolo pala ako.

"Dito ka muna, Ms. Lucent." Ani Oxygen.

I nodded. I made myself feel at home and I sat down on the couch beside me. Mukhang nasa salas kami ng lugar na ito.

"Iiwan ka na lang namin dito, Ms. Lucent. May gagawin pa kasi kami. Ipapakita ko rin itong leeg ko kasi mahapdi. Hintayin mo na lang ang pagdating ng iyong lolo." Tugon naman ni Helium.

"Sige... salamat sa inyong dalawa at pasensya ka na dahil nasakal kita kanina."

Ngumiti si Helium sa akin, "ayos lang." Sagot niya. Naglakad na sila paalis ng salas. Ako naman ay naiwang mag-isa. Sobrang tahimik ng lugar na ito. Hindi nakatulong ang katahimikan upang ilubog ang lahat ng mga tumatakbo sa aking isip. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. It felt wrong to suddenly barge into a mafia and tell the boss that I am his granddaughter.

Knight in Shining TuxedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon